Nang makababa na nga sila ay nagpabanda sila sa medyo kaunti lamang ang tao. Naupo sila sa gilid ng harang ng nakapabilog na halamanan. "Alam mo, Mariah, hindi lamang ikaw ang nahirapan sa second layout. Alam mo bang si Anna, siya iyong dating layout two. Nang siya iyong nasa posisyon mo rati ay talagang palagi rin siyang nade-delay na tulad mo." Namimilog ang mga mata na tumingin siya kay Donna. "Totoo ba?!" hindi makapaniwalang tanong niya rito. "Oo, totoo. Mahirap kasi talaga ang layout two." "Bakit hindi nila bawasan kaya iyong work load. Ibigay sa first at second iyong iba kaya para balance hindi ba? Atleast ay wala nang made-delay noon." "Naku, ginawa na nila dati iyan. Tapos ang nangyari alam mo ba? Iyong first layout at third naman ang naging palaging delay." "Hay, ganoon

