Lumapit na siya sa cabinet na bongga ang laki. Hinawi niya isa-isa ang mga bestida na naka-hanger. Naitakip niyang muli ang palad sa bibig nang makita niya na may mga tag price pa ang mga damit. Senyales iyon na hindi pa naisusuot ang mga kasootan na naroon. Nakapagtataka na walang may-ari ng mga gamit na nakikita niya ayon na rin kay Mang Ruben. Bakit pa ito binili kung wala naman palang magsusuot? Pati ang mga underwear ay mayroon. Bukod pa sa kilalang brand ang tatak ng mga iyon ay talagang may halaga pa. Omg! Sukat sa kanya ang mga size. Nagkibit siya ng balikat nang maisip na nagkataon lamang naman iyon. Madalas naman ay ganoon ang mga size ng mga babae. Hindi kaya talagang sinadya ni Rako na hindi tanggalin ang tag upang kapag nagkataon na may humingi ng tulong ay ipako-compute nito

