"Iyon ang kailangan mong gawin, Maya. Kung ayaw mo pa talagang umuwi sa bansa niyo ay kailangan mong maging legal dito." "Pero..." "Bibigyan kita ng panahon para makapagdesisyon, Maya. Pag-isipan mo. Kung ayaw mo ay wala naman akong magagawa. Bilang naging mabuti ka sa akin ay ito lamang ang naiisip ko na maitutulong ko sa'yo, Maya." Pinagmasdan lamang niya ang itsura ni Rako habang nagsasalita ito. Sa isang banda ay naiisip niya na may punto nga ito. Kung hihintayin niya na mahuli siya ay iisa ang kahihinatnan ng pamilya niya. Babalik na naman sila sa isang kahig, isang tuka. "Ano'ng kapalit ng tulong mo na ito sa akin, Rako?" "Maniniwala ka ba sa akin kung sabihin ko sa'yo na wala, Maya?" "Mahirap yata na paniwalaan iyan, Rako. Sa panahon kasi ngayon ay lahat ng bagay ay may kapali

