Chapter 9

1172 Words

Nakaidlip na siya habang nakaupo sa semento at nakasandal sa gate ng malaking bahay na iyon. Mga kulang isang oras na rin siguro siyang nasa labas nang may dumating na isang Toyota Corolla at bumusina kaya nagising siya. Tumayo siya at pinagpag ang pang-upo nang makita niya ang paglabas ng isang lalaki mula sa kotse na sa tantya niya ay isang hapon. Lumalapit ito sa kanya at nginitian siya na labis niyang ipinagtaka. "Maya?" tanong nito pagkuwan na lalong nagbigay sa kanya ng kalituhan. Kilala siya nito kahit ngayon lamang niya ito nakita. Napangiti lamang siya. Pagkuwan ay tumikhim muna siya bago siya nagsalita. "Ahmmm… Kilala niyo po ako?" Habang kasabay ng pagsasalita niya ay sinesenyasan niya ito. Baka kasi hindi siya nito maiintindihan dahil tagalog ang tanong niya. "Oo naman. Kil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD