"Dali na, Mariah, basahin na natin ang sulat ni James sa'yo," excited na wika ni Jen at Anna sa kanya. Nasa gitna siya ng mga ito. Magkabilang braso niya ay hawak ng mga ito. "Wow! Mariah, sinulatan ka ni James?! Sabi ko na nga ba at talagang type ka ni James eh," bulalas din ni Ate Donna. "Oo, Ate. May sulat kaya ai James sa kanya," wika pa ni Jen. "Haba ng hair mo, Mariah. Kahapon si Sir Dex. Pagkatapos ngayon naman ay si James," dagdag naman ni Anna. Katatapos lamang nilang kumain at nagtungo na sila sa garden ng kumpanya. Kanina pa excited ang mga ito sa nilalaman ng sulat ni James. Iiling-iling na kinuha niya sa bulsa ang sulat. Inalis sa pagkakatiklop ang papel hanggang sa maging isang buong papel na. "Teka, nasaan ang sulat niya riyan?" tanong ni Anna habang kunot ang noo

