Chapter 1

1859 Words
Prologue Nagoya, Japan Abot hanggang langit ang taimtim na panalangin ni Mariah na sana ay hindi siya makita sa pinagtaguan n'ya. Mistula siyang isang unggoy habang nakabitin ang dalawang kamay n'ya sa grills ng bintana ng kwarto na tinutuluyan nila sa isang building sa Japan. Isa siya sa ilang Pilipino na nakikipagsapalaran sa Japan. TNT kung tawagin sila na ang ibig sabihin ay tago nang tago dahil walang kaukulang papeles na nakarating sa Japan. Tourist visa lamang ang kinuha n'ya na tulad ng iba kaya siya nakarating ng Japan. Kasalukuyan na nag-i-inspection ang mga pulisya ng Japan sa building at iniisa-isa ang bawat kwarto roon. At ngayon nga ay kasalukuyan na nasa kanilang kwarto na ang mga ito upang hulihin ang tulad niyang illegal na naninirahan at nagtatrabaho sa bansa ng mga ito. Kanya-kanyang tago sila ng mga kasamahan niya kanina sa kwarto. Mahuli ay deport ang sitwasyon nila kaya ngayon ay buwis buhay siya. Karamihan sa mga nakatira sa building na kasamahan niya ay tulad din niyang walang working visa. Ang lahat ng mahuhuli ay dadalhin sa kulungan at ipapa-deport. Kapag nagkataon ay maba-ban na ang mga mahuhuli sa Japan at hindi na makakabalik. Hindi s'ya maaaring mahuli dahil kawawa ang pamilya niya. Nagsisimula pa lamang s'yang mag-ipon. Halos katatapos lamang n'yang mabayaran ang lahat ng ginastos ng Manager niya na si Mommy Miles upang makarating siya nang mabilis sa Japan. Si Mommy Miles ang nag-recruit sa kanya at gumastos sa lahat upang makarating siya ng Japan. Pinahiram pa siya nito ng pera na maiiwan sa pamilya n'ya habang hindi pa siya sumasahod. Ngawit na ang mga daliri niya na mahigpit na nakahawak sa grills ngunit hindi siya pwedeng bumitiw dahil mamatay siya. Kinabahan siya nang masilip niya habang nakatingala s'ya na sumilip sa bintana ang isang pulis. "Hindi siya pwedeng mahuli, hindi ngayon!" sigaw ng isipan n'ya. Mabuti na lamang at natatabingan ng halamanan ang grills kaya hindi na siya napansin ng pulis. Dalangin na lamang niya ay sana hindi nito siya mapansin. Chapter 1 Ten years ago "Mano po, Inay," wika niya sa kanyang ina sabay abot sana ng isang kamay nito na may bula pa ng sabon nang tumanggi ito na mahawakan niya ang kamay nito. Kagagaling lamang niya buhat sa eskwelahan. Nagpraktis lamang sila ng pagmartsa sa nalalapit nilang graduation pagkatapos ay may pinatapos lamang na gawain ang adviser nila kaya hindi siya agad nakauwi ng bahay. Pasado alas dos na. Kasalukuyan na naglalaba pa rin sa likod ng bahay nila ang kanyang ina. Hindi nila kasootan ang nilalabhan nito kung hindi ay damit ng ibang tao dahil nakikipaglabada ang kanyang ina. Labandera ito at pinaghahandaan kasi nito ang pagtuntong niya sa kolehiyo. Dire-diretso na ang pagkuha nito ng labada kahit sa araw ng linggo. Ang upa nito sa pakikipaglabada kapag linggo ay iniipon nito at inilalaan sa kanya upang may magamit siya sa mga gastusin niya sa pag-aaral at pamasahe sa dyip papunta sa university na papasukan niya. Nakapag-apply na kasi siya ng kanyang scholarship sa tulong ng isang konsehal sa kanilang bayan kaya wala na siyang babayaran sa matrikula niya. Ang problema na lang talaga niya ay ang pamasahe dahil medyo malayo talaga ang university sa kanilang baryo kaya siguradong magastos sa pamasahe. Gusto kasi ng kanyang ina na uwian siya kapag nag-aral siya sa kolehiyo. "Kaawaan ka ng Diyos, Maya," wika nito habang nakatingala sa kanya. "Pumasok ka na sa loob at magpahinga. May tinapay sa lamesa. Magmeryenda ka muna. Maya-maya ay matatapos ko na ang aking labada," saad ng kanyang ina. "Sige po, Inay," tugon niya rito. "Kayo po? Sabay na po tayo na magmeryenda, Inay," wika at paanyaya niya sa kanyang ina. "Hindi na, Maya, tapos na'ko kanina," wika nito habang nakatingala sa kanya at pagkatapos ay muling nagkusot ng damit. "Sabay-sabay kaming nagmeryenda ng iyong mga kapatid kanina. Nasa kwarto sa taas sila ngayon at naglalaro. Kumain ka na para maya-maya ay magbabanlaw na tayo. Ipagbomba mo ako rito para agad tayong makatapos at maisampay ko na ito," dugtong nito habang manaka-naka siyang tinitingnan habang patuloy sa pagkusot ng labada nito. "Sige po, Inay, pasok na po ako," wika niya sa kanyang ina habang hinuhubad ang sapatos niya at pagkuwan ay inilagay sa estante na yari sa kawayan na nasa tabi mismo ng kanilang pintuan. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Siya si Mariah. Nasa fourth year high school na siya. Siya ang panganay na anak ni Aling Lucia. Anim na taon na ang nakakaraan nang namayapa ang kanyang ama na si Mang Mario dahil sa sakit sa atay. May dalawa siyang nakababatang kapatid na tulad niya ay babae rin pareho. Ang sumunod sa kanya na si Alicia ay nasa ikaanim na baitang na sa elementary samantalang ang bunso nila na si Riana naman ay nasa unang baitang ng elementary.  Isinabit niya sa isang nakausling pako sa may dingding ang bag niya at tumuloy na sa maliit nilang kusina. Tanging kurtina lamang ang pinaka-divider ng sala at kusina nila. Yari sa sawali lamang at kawayan halos ang kanilang tahanan. Ang itaas ng bahay nila ay may dalawang kwarto lamang. Ang isa ay para sa kanyang ina at sa bunsong si Riana na katabi nito sa pagtulog. At ang isang kwarto naman ay para sa kanilang dalawa ni Alicia. Ang hagdanan ay yari rin sa kawayan. Kumuha muna siya ng baso sa may lagayan ng pinggan nila na nasa tabi ng lababo at pagkuwan ay nagtungo sa lamesa at inilapag ang baso. Nilagyan ito ng tubig mula sa pitsel na sa twina ay naroon sa mesa. Naupo na siya sa isang upuan at binuksan ang nakatakip na tinapay sa ibabaw ng mesa. Spanish bread pala ang tinapay. Binili ito marahil ng kanyang ina sa tindahan ng kanyang Tiya Iska. May tatlong piraso pa'ng natitira ang nasa loob ng lalagyan na yari sa kulay brown na papel. Kumuha siya ng isang piraso at nginuya habang iniisip ang nangyari kanina sa eskwelahan na pinapasukan niya. Victoria High School Nakahilera ang mga estudyante sa kanya-kanyang upuan na dala nila sa harap ng stage ng eskwelahan kung saan gaganapin ang kanilang graduation. Pansamantala ay nagdadala sila ng kanya-kanyang upuan para sa pagpa-practice nila sa pagmartsa. Masaya ang halos lahat ng kaklase niya dahil nalalapit na ang pagtatapos nila. Nakatanaw ang bawat isa mga estudyante na umaakyat sa stage at tulad n'yang magtatapos ng high school. May isang guro nila ang nangangasiwa sa practice. Maging siya ay masaya rin naman. Kaya nga lamang ay hindi na niya makikita ang crush niya na si Emanuel pagka-graduate nila kaya tila maiiyak na siya. Hinanap ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na mukha na nasa kaliwang bahagi ng hilera ng magtatapos na pawang mga lalaki. Kasalukuyan ay nasa umaakyat na estudyante sa stage ang pansin nito. Ilan araw na lamang at hindi na niya makikita ito. Wala na siyang inspirasyon. Sa ibang university kasi ito mag-aaral kaya hindi na niya ito talaga makikita. Wala na talagang chance na magkita pa sila.  "Hey!" wika ni Joana, ang kaklase at katabi niya sa upuan sabay siko sa kanya nito. Itinuring na rin niya ito bilang isang matalik na kaibigan n'ya dahil maging sa klase ay ito ang malimit niyang makatabi sa upuan. Naka-alphabetical arrangement ang upuan nila base sa apelido nilang mag-aaral at sila ay magkasunod ang letra ng apelido. Garcia ang sa kanya at si Joana naman ay Habok. Madalas ay ito rin ang ka-group niya kapag may group activities sila sa alinmang subject. Ito na rin ang palagi niyang nakakasama sa recess nila at maging sa uwian. Kaya hindi na rin niya nailihim ang pagkakaroon niya ng crush kay Emanuel dito. Maging ang crush nito ay hindi rin kaila sa kanya. "Huwag masyadong tumitig, Maya, ikaw rin baka malusaw si Eman, hindi muna siya makikita," pabulong na dugtong nito sa kanya. "Hindi ko naman na talaga siya makikita," malungkot n'yang tugon kay Joana habang hindi inaalis ang paningin kay Eman. "One week na lang, graduation na natin," dagdag niya rito. "Hmmmp," nakalukipkip na tugon nito nang ibaling na niya rito ang paningin niya. "Bakit?! Ikaw lang ba?!" reklamo pa nito. "Ako rin naman, hindi ko na makikita si Ronald ko," saad nito. Si Ronald Fajardo ang crush na tinutukoy nito at school mate nila na kasalukuyan ay nasa third year high school naman. Kakaiba ito dahil mas bata ang crush nito. Sabagay crush lang naman kaya hindi naman masama. Doon ay hindi na nila napigilan ang magyakapan dalawa. Pakiwari nila ay roon nila maiibsan ang sobrang lungkot na nadarama nila. Tapik sa bandang likod nilang dalawang magkaibigan ang nagpahinto sa kanilang pag-e-emote. "Ano ba'ng nangyayari sa inyong dalawa?" wika ni Elaine na classmate nilang magkaibigan at nasa gawing likod nila. "Napano kayo?! Napakaseryoso naman yata ng kalungkutan n'yo," dugtong nito habang salitan na pinandidilatan sila nito. Hindi pa ito nakuntento ay mas inilapit pa ang upuan mula sa likuran nila.   "Wala," sabay nilang wika rito habang pinagmamasdan nila ang bawat isa at nagsesenyasan sila na i-zipper nila ang bibig kay Elaine at wala silang anuman na sasabihin dito dahil may pagkatsismosa kasi ito. "Nalulungkot lamang kami ni Joana kasi one week na lang maghihiwa-hiwalay na tayo," patuloy naman ni Mariah. "Sus!" sagot ni Elaine habang ang isang palad ay inilagay nito sa noo at napatingala sa langit. "Iyon lang ba?! Kung makapagdrama naman kayong dalawa. Akala ko naman napano na kayo. Hindi pa naman end of the world noh!" eksaheradong wika nito. Hindi nila ito masyadong close dahil iba ang group of friends nito. Sa loob ng klase kasi nila ay may kanya-kanya silang grupo. "Bakit, Elaine?" singit naman ni Sarah, ang katabi naman ni Elaine sa upuan nito at classmate rin nila. Hindi nila namalayan na nakalapit na rin ito sa mismong likod nila. Isa ito sa mahilig magpatawa sa class room nila kapag vacant period nila at wala ang next subject teacher nila. Mahilig itong mag-impersonate ng character sa television. Pati ang mga teacher nila ay hilig nitong gayahin ang style at ang klase ng pagtuturo ng mga ito sa kanila. "Ano ba'ng kaguluhan ito?" patuloy nito at nag-act pa na akala mo ay referee sa larong basketball. "Hay, naku, Sarah," wika ni Elaine habang itinitirik-tirik pa ang mata. "Maloloka ako sa dalawang ito. Kung makapagdrama, akala mo hindi na magkikita. May paiyak-iyak pa!"  "Ganoon ba?!" Patingin nga ako?!" Salitan silang tiningnan habang nakamulagat ang mga mata nito. "Ay, oo nga! Pang-best actress ang peg ny'ong dalawa. Uunahan n'yo pa talaga ako'ng sumikat," litanya pa nito sa kanila. "Hay naku! Sa iyo na lang ang titulong iyan, Sarah! Hindi kami nangarap mag-artista ni Mariah," wika naman ni Joana nang makabawi. Boses sa mikropono ang nagpatigil sa pag-uusap nila. "Baka naman pwede niyo kaming isali sa usapan ninyo riyan, Sarah!" gamit ang mikropono ay wika ni Mrs. David na siyang nangangasiwa sa practice nila sa graduation. "Mas mahalaga pa ba iyan topic ninyo kaysa sa pagpa-practice natin?" dagdag pa ni Mrs. David. Hindi nito ikinubli ang iritasyon sa boses nito. Natuon tuloy ang atensyon ng lahat sa kanila. Nahihiyang umayos sila ng upo at nanahimik. "Kayo, kasi," pabulong na sisi ni Elaine sa kanila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD