"Baka naman nabibigla ka lamang," wika pa ni Ate Tess sa kanya. "Hindi po, Ate. Napag-isipan ko na po iyan." "Paano kaya nito?" wika ni Ate Tess na mababakas sa mukha ang stress. Iginala nito ang paningin sa paligid na tila may nais na makita pero wala naman. "Mahirap kasing kumuha ng operator ngayon. Wala pang ibinababa ang training group na pwedeng pumalit sa pwesto mo. Kahapon nga ay napagalitan na ako sa mga boss natin," wika pa nito na tila maiiyak. Nang makita niya ang mukha nito ay hindi niya maiwasan na hindi maawa rito. "Ano ito? Hindi ka na papasok bukas?" pagkuwan ay muling tanong nito sa kanya. Sa dami kasi ng hinawakan nitong empleyado ay madalas na hindi na lamang pumapasok ang isang empleyado kapag gusto na talagang magbitiw. Kaya hindi na ito magugulat kung hindi na nga

