Imbis na sa trabaho dumeretso si James ay kumorba siya ng daan. Nagtungo siya sa isang lugar na kung saan ay payapa. Nakarating siya sa isang batis na madalas niyang puntahan kapag nakakadama siya ng lungkot. Naupo siya sa ilalim ng puno na iyon at pinagsalikop ang mga paa. Dinig pa niya ang huni ng mga ibon na nagliliparan sa paligid. Nakaka-relax pakinggan. Tinanaw niya ang batis na kaylinaw sa paningin ng dumadaloy na tubig. Kumuha siya ng maliit na bato sa paligid at hinagis ito sa batis. Hindi niya kailanman inilagay sa plano ang magmahal. Tamang pakikipagrelasyon lamang ang nasa listahan niya upang sa gayon na kapag handa na siyang bumalik sa totoong mundo niya ay wala siyang iiwan na anumang kumplikasyon. Walang maiiwan na sugatang puso. Ngunit iba ang nangyari sa hangad niya. Pakir

