"Paano ba niyan? Pwede na ba tayong magkakilala?" pagkuwan ay tanong ni James sa kanya. "Wait lang. Magkakilala na tayo, hindi ba? Alam ko na iyong pangalan mo. Maging ang pangalan ko ay alam mo na rin. Pagkatapos ay magkalinya pa tayo, hindi ba?" "Oo nga pero hindi pa tayo magkakilala ng pormal." Nagkibit na lamang siya ng balikat. Naisip na lamang niya na sakyan ang trip nito. "Ako nga pala si James Daniel Alarcon. Mas kilala ako sa tawag na, James. Beinte anyos. Mabait at gwapo," nakangiti na wika pa nito sabay kindat. Inilahad nito ang palad sa kanya. "Talagang idinagdag mo pa sa dulo ang gwapo ano?" natatawang wika niya rito. "Syempre, dapat kasama iyon." "Naniniwala ka talagang gwapo ka?" "Kung hindi ko iyon paniniwalaan. Sino pang manininwala hindi ba? Sa sarili dapat unang

