"So, ano iyan? Paawa effect?" naisip niyang sabihin dito. "Bakit? Naaawa ka ba sa akin?" "Hindi. Nakakainis ka kaya!" Napangisi ito. "Hindi ba may kasabihan tayo na, the more you hate. The more you--." "Love?" salo niya. Inirapan niya ito. "Alam ko na iyan, ano." Pinameywangan niya ito. "Salita lamang iyan ng mga mayaya*ang!" "Baka ang ibig mong sabihin ay mayaman magmahal?" wika pa nito sa kanya sabay kindat na nagpahinto sa kanya. "Bahala ka! Kahit ano pang sabihin mo! Bye!" Tinalikuran na niya ito. "Fishball, sandali!" Ewan niya. Huminto siya at nilingon muli ito. "Tinawag mo na naman akong--." Nahinto siya sa nais sabihin pagtingin niya sa mukha nito. Hindi niya napigilan ang matawa. Paano ba naman ay sa gwapo nito ay parang may pagka-joker ito. Kapag naiisip niya ang gi

