
Akala ni Astrid Faith Geneston na ang pag pasok niya sa skwelahang iyon ay ikakatahimik ng buhay niya pero hindi niya alam na doon pala magsisimula ang totoong kwento ng buhay niya.
Isang skwelahan na kilala ng lahat nang mag-aaral, skwelahan na pinapangarap ng mga studyante na makapasok doon.
Isa na si Astrid doon na nag hahangad na makapasok sa skwelahan na iyon na kung tawagin ay Ackford Academy.
Pero ang hindi niya inaasahan ay isang araw bigla na lang siya nakatanggap ng email sa skwelahan na iyon, akala niya nung una ay pinaglalaruan lang siya ngunit nang dumating ang sundo ng skwelahan na iyon sa bahay nila ay doon na siya naniwala na makakapag-aral na siya sa pinapangarap niyang skwelahan.
