Pagsapit ng gabi, naligo lamang si Adeline at nagsuot ng ternong pajama para sa pagtulog. “Hey,kamusta?” Kasalukuyang nagsusuklay si Adeline at saglit natigilan nang bumukas ang pinto at nagsalita si Paul. “Ok lang ako. Hindi ko akalain na andito nga ang mga damit ko,” nahihiyang tugon ni Adeline. “Oo, hindi ko na inalis. Hindi ako tumigil umasa na balang araw ay pipiliin mo din ako,” “Salamat,” “Kung may kailangan ka, magsabi ka lamang. Nasa kabilang kwarto lamang ako,” “Wala naman na siguro,” “Basta kung may kailangan ka, nasa kabilang kwarto lamang ako,” “Sige. Magpahinga na tayo. Salamat nga pala sa hapunan,” Ngumiti naman si Paul at sinarado na ang pinto. Pinatay naman ni Adeline ang mga ilaw pagtapos na magsuklay ng buhok at nahiga na sa kama. Kaso makalipas ang ilang m

