“Good morning,” bati ni Paul kay Adeline. Sa sobrang hiya naman ay hindi naman nagawang makabati pabalik ni Adeline. Bukod doon ay pakiramdam niyang wala siyang kalakas-lakas. “Ok ka lang ba? Ang putla mo,” aligagang tanong ni Paul. Napatungo na nang sobra si Adeline at pinili na lamang na manatiling nakatayo sa kabilang bahagi ng kitchen island bar. “Paul...kasama ko si Henry kagabi. “Kasama ko rin si Alice,” tugon naman ni Paul. Bumuntong-hininga si Paul, “Gusto mo bang lumuwas para magpa check-up? Mukhang hindi ka ok.” “Wag na ok lang ako, Paul,” “Hindi magpapacheck-up ka. May chopper naman ako, mabilis lang to. Kumain ka na. Si Henry ang nagluto,” Nanlaki ang mga mata ni Adeline, “Totoo?” “Pagod ka raw eh,” “Hindi ka galit?” “Bakit naman ako magagalit? Nagsasabi ka naman n

