Ngumiti siya ng mapait at nagpunas ng kanyang pisngi. Tatlong beses na. Tatlong beses na niya itong nahuli nang hindi nito nalalaman. Sapat na sigurong dahilan 'yon para makipaghiwalay na siya dito. Hindi niya akalain na naloko siya nito. Napaikot siya nito. Napaniwala siya sa matamis na salita nito. Dapat alam na niya ito dahil bata pa ito. Maghahanap at maghahanap talaga ito ng mas bata na kasing edad rin nito. Pero sumige pa rin siya. Dahil kinilig siya sa mga banat nito. Nabaliw siya sa galing nito kama. Nakakahiya man aminin pero 'yon talaga ang dahilan kung bakit ang nahulog dito. Pinaranas sa kanya ang makamundong ritwal ng pag-ibig na hindi niya kayang paglabanan. Na hindi niya kayang tanggihan sa tuwing nag-uumpisa ito. Naaadik na rin siya sa tuwing may mangyayari sa kanila kay

