"Tama na sabi!" Muling sigaw ni Mariel nang makitang susuntukin na naman sana nito ang pader. Agad siyang bumaba ng kama at mabilis niya itong nilapitan. "Tama na." madiin niyang saway at hinila ito papuntang kama saka walang sabing tinulak niya ito. Napupuno na siya dito pero wala siyang magawa dahil sa pinapakita nitong ugali. Kaya hindi niya mapigilan ang maiyak sa sobrang inis niya dito. Ang akala niya ay pamba-blackmail lang ang sagad nitong gawin para mapasunod siya sa lahat nang nais nito pero hindi niya akalain na pati sarili ay kaya nitong saktan dahil lang sa pang-iinis niya dito. Napikon ito sa kanya kaya sa pader nito binunton ang galit dahil ba hindi siya kaya nitong saktan? Base sa anyo nito ay parang gusto na nitong pumatay dahil ang talim ng tingin nito sa kanya at so

