"What the hell is your problem,Third! Nababaliw ka na naman ba?! Itigil mo na 'yan!" Narinig pa ni Third na gigil na gigil na saway ng pinsan niyang si Shawn sa kanya. Matapos niyang laklakin nang sunod-sunod ang tatlong bote ng pinakamatapang na alak sa club na kinabibilangan nito. Ngunit hindi siya nakinig dito at nagpatuloy siya sa pag-inom nito hanggang sa masaid niya ang laman nito. Ngunit kulang pa rin. Hindi pa siya lasing. Nakita niya ang isang bote kaya mabilis niya itong kinuha at agad na binuksan. "Siraulo ka! Tama na 'yan sabi!" galit na galit nitong sigaw sabay hablot ng pang-apat na boteng tutunggain na naman sana niya. "Sinabi nang huwag mo akong pakialam. " kalmado ngunit mariin niyang tugon dito at tinaliman ito ng tingin. Matalim din itong nakatingin sa kanya at wala

