C3- WE

2396 Words
Pakiramdam ni Mariel ay lumuwa na yata ang mga mata niya sa pagkagulat, nang marinig niya ang walang filter na sinasabi ng Adonis, na mas makulit pa yata sa mga batang paslit. Ngunit ganoon pa man, hindi siya nag-papahalata dito. Pero hindi nga ba? E, pakiramdam niya nga, natututong na yata ang kanyang pisngi sa sobrang init nito. Nanlalamig at nanginginig na rin ang kanyang mga kamay. Idagdag pang nanghihina na siya sa gutom at konting-konti na lang, babagsak na siya anumang sandali kapag nagpatuloy pa ito sa pangungulit. Pero hindi. Hinding-hindi siya aamin na siya nga 'yon, dahil wala na siyang balak pang dugtungan kung anuman ang nangyari sa kanila nito noong nakaraang buwan. Kahit lapagan pa siya ng pera nito, it's a big no! "Inuulit ko. Hindi nga kita, kilala." mariing tugon niya at bahagyang sumimangot para mahalata naman nitong wala siya sa mood makipag-usap dito. Pero sa gulat niya, ngumiti lamang ito ng pilyo sa kanya. "Hindi ako naniniwala. Dahil sure na sure ako na ikaw 'yun." giit pa rin nito na ikinagulat niya. Ngayon, mas malinaw na sa kanya ang lahat. Hinahanap at sinusundan siya ng Adonis na 'to. Hindi ito coinsidence lang. Pero bakit? Ano ba ang problema nito? Why? Why? Why? Bakit siya ginugulo nito ngayon? Bakit ayaw siya nitong tantanan? E, binigay na nga niya ng libre ang sarili dito, pero bakit parang agrabyado pa ito? Ni hindi na nga siya sumama kina Rachel at Irene para maiwasan ito, pero nakita naman siya nito ngayon. Paano na siya makaiwas nito? Hay, pambihirang buhay. "Hindi ko na problema 'yun kung ayaw mong maninwala! Basta hindi kita kilala, period. Kaya tantanan mo na ako, okay?" Akmang isasarado na naman sana niya ang pinto nang muli itong magsalita na matigagal siya. "Hindi mo talaga ako kilala?" "Oo, ganon na nga!" taas kilay niyang sagot. "Then, kiss me. Dahil doon ko lang malalaman kung marunong ka ng humalik." nakangising hamon nito na labis naman niyang ikinagitla. Bigla siyang natameme habang patuloy ito sa pagngisi. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit lalo lamang lumawak ang pagngisi nito. "Ano ka, sinuswerte? Para-paraan din 'pag time?! Kapal mo!" masungit niyang tugon. Subalit tumahip naman ang kanyang dibdib sa hindi maipaliwag na dahilan. "You're blushing!" Puna pa nito kaya lalong tumalim ang tingin niya dito. Sa tingin niya, tataas yata ang dugo niya pisting Adonis na 'to. Huminga siya ng malalim para makasagap ng preskong hangin dahil sa tingin niya ay maruming hangin na yata ang pumapasok sa baga niya. 'Bwisit talaga itong lalakeng 'to! Ano bang pakay nito? Bakit ayaw siyang tigilan?' aniya sa isip at gigil na gigil na ng mga sandaling iyon. "Ilang beses ka bang inire?!" Pikong tanong niya. "Isa lang. Katulad ng isang beses na may nangyari sa atin," tugon nito na halos maglabasan na yata ang litid niya nang ipaalala pa talaga nito ang gabing iyon. Sa puntong 'yon, hindi na siya nakapagtimpi pa. "Ano bang problema mo, ha?! Bakit ayaw mo 'kong tantanan! Kung hindi ka naniniwala, pwes! Hindi ko na problema 'yun! Kung sino man 'yong babaeng hinahanap mo, isa lang at paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo. Hindi. Ako. 'Yun! Maliwag? Gets?!" Maldita niyang bwelta dito sabay talikod at akmang pagbabagsakan na sana ito ng pinto nang bigla na lang siyang itulak nito sa loob. At bago pa niya ito malingon ay hinablot na siya nito at mabilis na isinandal sa may dingding. Magkahalong gulat at pagkabigla ang kanyang nararamdaman sa bilis ng kilos nito. Sunod-sunod ang naging paglunok niya ng sariling laway nang maamoy niya ang mabangong hininga nito. Kasabay nito, na mukhang nanganak pa yata ang kanyang mga alaga sa dibdib dahil naging triple pa ang bilis nito. "Ganito 'yon. Ganito ang unang nangyari bago tayo pumunta sa langit, naalala mo ba?" tanong nito sa namamaos na boses at ngumisi. Pakiramdam ni Mariel, muling naulit ang nangyari sa kanila noong nakaraang buwan. Ang kaibahan lang, nasa bahay sila at pareho silang matino dahil hindi sila nakainom. "Ano? Naalala mo na ba?" tanong nito at ngumisi habang nakatingin sa kanyang bibig. "Hindi!" hiyaw niya at tinulak ito. Pero mukhang napaghandaan na yata nito ang hakbang niyang iyon dahil hindi man lang ito natinag sa pagtulak niya. "I knew it, kaya hinanda ko na ang lakas ko," natatawa pang saad nito at lalo pa siyang ginitgit, dahilan na lalo pa siyang mainis dito. "Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" galit niyang sigaw at muli itong tinulak. "Aminin mo muna, na ikaw ang babaeng iyon." Pamimilit pa nito. "Hindi nga ako sabi 'yun! Ang kulit mo rin ano?!" Pulang-pula ang kanyang mukha nang sabihin niya iyon. "Then kiss me!" Muling hamon nito at bigla na lang dumilim ang mukha. "Kapag hinalikan mo 'ko... saka pa lang ako maniniwala." dugtong pa nito. Tinaliman niya ito ng tingin. Parang gusto na niyang kagatin ang hamon nito para matapos na ang lahat. Pero paano kung mapatunayan nito? Paktay na talaga. At isa pa, hindi pa siya nag-toothbrush. Ni mumog nga hindi pa. Tapos kanina pa siya nakipagbangayan dito. s**t. Hindi ba nito naamoy ang hininga niya? Nang maalala iyon, bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig na ikinataas ng sulok ng labi nito. "Why? Natatakot ka na malaman, kung ikaw nga 'yon? Ang babaeng hindi marunong humalik?" sambit nito at ngumisi pa sa kanya. Nang marinig iyon, parang gusto na niyang lumubog sa kanyang kinatatayuan. Hiniling niya pang isama ang Adonis na ito para matapos na ang pangungulit nito. "Ano na? Game?" untag pang hamon nito at ngumuso. "Kiss me, now. Let's see… kung nagkamali nga ba ako," maangas pa nitong wika. "Ate Mariel!" Biglang tawag sa kanya ni Irene sa labas kaya agad siyang nag-panic dahil sa ayos nila at baka mahuli sila nito. Ngunit mabilis ang kamay ng Adonis, nang agad nitong ni-lock ang pinto nang hindi humiwalay ang tingin sa kanya. Kaya nang pihitin nito ang seradura, hindi nito mabuksan. "Ate Mariel!" muilng tawag sa kanya ni Irene na lalong ngumisi sa kanya ang Adonis. "Paano ba 'yan? Makikita nila na nandito ako sa loob kasama mo," mayabang nitong saad na hindi man ito makitaan ng pagkabahala. Nang marinig niya iyon, bigla na lang nag-init ang kanyang ulo sa mayabang na pananalita nito. Talaga bang hinahamon siya nito? Pwes, ipapakita niya dito kung paano niya paninindigan ang kasinungalingan niya para lang tigilan na siya nito. "E, ano ngayon? Wala naman akong ginawang masama. Dahil hindi sabi kita kilala. Kaya buksan mo 'yan at lumabas ka na." mahina pero madiin niyang sabi. Tinulak niya ito nang buong lakas sabay binuksan ang pinto. "Oh, Ate? Okay ka lang?" Bungad sa kanya ni Irene. Nilakihan niya ang pagbukas ng pinto at ganon na lang ang mulagat nito nang makita ang Adonis na kasama niya sa loob. "Third?" gulat nitong tanong at palipat-lipat ang tingin sa kanila. "Ahmm.. nagpatulong ako sa kanya na ayusin itong pintuan. Bigla na lang kasing na lock kanina at hindi ako makalabas. E, sakto narinig niya ako kaya tinulungan niya ako." mabilis niyang alibi dito at tumingin kay Adonis na Third pala ang pangalan. "A-Ah, oo!" sagot naman nito at napakamot sa batok. "Ah, ganoon ba? Akala ko kasi…" Pabitin nitong sabi. "Akala mo, ano?" taas kilay niyang tanong dito. "Ah, hehehe. Wala!" Ngisi nito kaya dinilatan niya ito. "Akala ko bibili siya ng pagkain. Iyon kasi ang sabi niya kanina.." biglang segway nito nang makitang ang pagiging maldita niya. "Bibili sana ako, kaso hindi ko alam kung saan pwedeng makabili ng pagkain." sakay din nito sa kanya na ikinataas ng kilay niya. 'Aba teka! Marunong din.' aniya sa isip. "Sige, ano...salamat sa tulong," sa halip ay sabi niya dito at tinalikuran na ang mga ito. Diretso siya sa kanyang kwarto. Ni hindi na siya lumingon pa dahil ramdam niyang nakasunod ang tingin ng mga ito. Kaya agad siyang pumasok saka ni-lock ang pinto. "Shittttt! Nakakainissss!" Walang boses na sigaw niya at pabagsak na humiga sa kama. Ngunit muli siyang bumangon at idinikit ang tainga sa pinto para pakinggan ang mga ito kung nasa sala pa ba. Pero sakto lang dahil sumara na ang pinto at biglang tahimik. Kaya mabilis niya itong sinilip para siguraduhin. At tama siya, wala ng tao sa may b****a ng pintuan. Kaya agad siyang lumabas at pumasok na ng banyo para maligo. Habang nasa banyo at nagsasabon, naalala niya kung gaano sila kalapit kanina. At napamura na lamang siya sa kanyang isip nang ni hindi man lang talaga niya naisipan na mag-toothbrush kanina. O, kaya ay mag-mumog man lang. "Jusko! Hindi kaya siya nawindang sa morning breath ko? E, paano kung may panis na laway ako? Nayawa na talaga!" bigkas niya at paulit-ulit na sinasabon ang katawan dahil sa magkahalong inis at pagkapahiya kanina. Naka-limang beses yata siyang nag-sabon sa katawan niya bago naisipang lumabas na ng banyo. Inamoy-amoy niya pa ang kanyang sarili para malaman niyang hindi na siya amoy higaan. Bahayagya pa siyang sumilip at baka nasa sala na naman ang mga ito. At nang masigurong wala, kaagad siyang lumabas at tumawid papuntang kwarto. Mabilis siyang nagbihis at kung anu-ano pang seremonyas ang ginawa niya sa sarili bago natapos. Ganito talaga siya, maalaga siya sa kanyang sarili. Kaya sa edad niyang thirty-five years old, ay napagkakamalan pa siyang tweenty's dahil sa younger looking niya. Lagi siyang napagkakamalan na twenty-six o tweenty-seven . Malayo sa tunay niyang edad. Lalo pa't ang isip niya ay hindi rin matured. Kasi wala naman siyang pino-problema bukod sa Mama at mga kapatid niya sa probinsya. Na kayang-kaya naman niya itong tustusan. Wala rin siyang lovelife, kaya hindi siya stress. Wala siyang boyfriend na pinoproblema gaya ni Rachel at Irene. Kung tutuusin, mas bata pa siyang tignan sa dalawa. Matangkad lang siya sa mga ito kaya iyon na lang ang pinagbasehan. Kaagad siyang pumunta sa kusina para tingnan kung nagluluto na ang mga ito. At nang makita ang kanin at ulam, ay napangiti siya. "Buti na lang at may pagkain na, kundi isusumbong ko talaga kayo sa boyfriend niyo." Nakangisi niyang bulong at kumuha na ng pagkain. Nang matapos sa pagkain, naisipan niyang bumili ng soft drinks sa kaharap na tindahan. Kaagad siyang kumuha ng pera at lumabas ng bahay. "Hi, Mariel!" bati sa kanya Saniel. Ang matagal ng nagpapalipad hangin sa kanya pero hindi naman nanliligaw. "Hi…" ganti niya at ngumiti ng tipid. Nakatambay ito sa tindahan dahil kaibigan nito si Alvin. Anak ng may-ari ng tindahan. Na lagi rin niyang nahuhuling nakatitig sa kanya. Tapos kapag nahuli naman niya, umiiwas ng tingin. Pakiramdam niya tuloy ay pinagnanasaan siya nito nang palihim. "Pabili po!" Katamtamang sigaw niya para marinig ng tao sa loob. "Ano 'yon, Mariel?" Gulat siyang napatingin kay Alvin dahil sa wakas ay kinausap na siya nito at binigkas pa ang pangalan niya. Hindi na rin ito umiwas ng tingin nang titigan niya ito sa mga mata. "Sprytt nga. Maliit lang," tugon niya. Kaagad naman nitong kinuha ang bibilhin niya at tumaas ang kilay niya nang buksan at pinunasan nito bago iabot sa kanya na may straw pa. 'Wow, ha? Special?" sa isip-isip niya at lihim na napangiti sa kilig dahil crush niya ito, matagal na. Pero kunwari deadma lang siya kaya ang ending, nawala rin ang nararamdaman niya magmula nang may nangyari sa kanila ng Adonis. Dahil ito na lagi ang bumibisita sa kanyang isipan. Tumatambay pa nga ng isang buwan sa galit. "Here! Libre ko na.." anito at ngumiti ng matamis. Napatulala na lamang siya sa sobrang pagkagulat niya sa pagngiti nito. 's**t! Ang gwapo pala nito kapag ngumingiti?' bulalas niyang tanong sa isip. Kaya wala sa sariling tinanggap niya iyon sabay subo sa straw. "Thank you.." aniya at tumalikod na rin. At sa hindi sinasadyang mapatingin siya sa bahay ng Adonis na katabi lang sa kanila. Nasamid siya bigla nang makitang madilim ang mukha nitong nakatingin sa kanya habang nagyoyosi ito at masama naman ang tingin sa dalawa. "Mariel, okay ka lang?" Nag-alalang tanong pa sa kanya nina Saniel at Alvin na ngayon ay parehong nasa labas na. "O-Oo! Okay lang ako." tugon niya at napaubo. Napatayo ang dalawa para sana lapitan siya. Pero mabilis siyang tumawid papunta sa kanila kaya naihatid na lamang siya ng tanaw ng dalawa. Nang maubos at makadighay siya ay nagdesisyon siyang matulog muli para masulit ang buong hapon niya. Kaya agad siyang pumasok sa kwarto at humiga. Hindi naman nagtagal, ay nakatulog na rin siya dahil bagong ligo lang siya. Gabi na nang magising siya. Kaya nagulat pa siya nang makitang mag-alas otso na ng gabi. Kaagad siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa sala. "Saan na sila?" tanong niya nang tahimik ang buong kabahayan. Kaya madali niyang tiningnan ang mga kwarto ng dalawa. At napamulagat siya nang makitang tulog na ang dalawa na wala sa ayos dahil mukhang nalasing na ito ngayon. "Anyare? Nakipag-inuman sila sa mga bagong kakilala lang nila?" hindi makapaniwalang sambit niya dahil mukhang tama nga siya. Lasing na lasing ang mga ito at natulog na lang bigla nang hindi kumakain. Kaya sa inis niya ay natulog na lang din siya uli. Tutal, wala rin naman siyang makausap dahil ayaw niyang lumabas at baka makita na naman niya si Adonis. Madaling araw na uli siyang nagising dahil kumulo na ang kanyang tiyan sa gutom. Bumango kaagad siya at pumunta sa kusina para kumain. Mabuti na lang, adobo ang ulam na niluto ng dalawa kaya hindi ito napapanis. Matapos kumain ay umupo muna siya sandali habang nagpapababa ng kinain. Alas otso pa naman ang pasok niya kaya pwede pa siyang magbabad ng ilang oras sa social media. Ilang saglit pa, hindi niya namalayan ang oras kaya halos nagmamadali na siya nang makitang kalahating oras na lang at mag- alas otso na pala ng umaga. Parang ang bilis lang dahil nanuod siya ng palabas sa kanyang cellphone at nawala sa isip niya dahil sa ganda ng pinapanuod niya. Kaya halos magkumahog pa siyang maligo at magbihis dahil gagahulin na siya ng oras sa paghanda sa kanyang sarili para sa pumasok sa trabaho. Nang matapos sa pagbihis, kaagad siyang lumabas ng bahay at nagmamadaling pumara ng taxi. Meron naman siyang nakita sa may di-kalayuan dahil kasalukuyan itong naka-park sa gilid. Kaya pinuntahan niya ito at agad pumasok sa loob. Isasara na sana niya ang pinto nang magulat dahil biglang pumasok si Adonis at tumabi sa kanya. "Let's go, Manong!" Nakangisi nitong utos sabay kindat sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD