"Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ni Mariel sa Adonis.
Tumingin ito sa kanya. "Sumasakay, ano pa ba?" pilosopo nitong sagot.
Sinamaan niya ito ng tingin. "I mean, sinusundan mo ba ako?"
Umismid ito. "Ba't naman kita susundan? Artista ka ba?" tugon nito at ngumiti pa ng nang-uuyam.
Bigla siyang napahiya sa naging sagot nito. Kaya umurong na lang siya sa kabilang side para hindi madikit ang katawan niya dito. Pero hindi rin siya nakatiis at muling nagsalita.
"'Di ba nga? Kahapon ka pa sunod nang sunod sa akin? Tapos pinagpipilitan mong ako 'yung babaeng hinahanap mo!" mataray niyang bigkas dito.
"Kahapon 'yon. Hindi na ngayon." mariing sagot nito na ikinalungkot ng puso niya bigla nang ganoon naman kabilis magbago ang isip nito.
Kaagad itong sumuko sa paghahanap sa kanya. Pero naisip niyang, mas maigi na rin 'yon para hindi na siya umiiwas dito. Ngunit totoo kaya na hindi na siya sinusundan nito? Na hindi na siya pilit pinapaamin kung siya nga 'yon.
"Mabuti naman at natauhan ka na," sa halip ay sabi niya na hindi na ito nilingon pa.
Pero may isang bahagi sa puso niya ang nalungkot dahil sa kaprangkahan nitong sagot.
"Sabi mo nga na hindi ikaw 'yun, 'di ba? Kaya bakit pa kita susundan, kung hindi nga ikaw 'yun? That is a waste of time, you know," tugon nito na ikinasimangot niya.
"E, 'di maganda?! Para matahimik na na rin ako." matigas niyang sambit na may kasamang ekspresyon ng mukha at mabilis na lumingon sa bintana.
"So, saan ka pupunta?" tanong niya.
Todo bihis kasi ito at amoy na amoy niya ang pabango nito na lalakeng-lalake talaga.
"Kailangan ko bang sagutin 'yan? E, sa pagkakaalam ko…asawa at girlfriend lang ang may karapatan na magtanong ng ganyan," nakangisi nitong sabi.
"Hindi bale na," pahiyang-pahiya niyang saad.
Pakiramdam niya ay kutang-kuta na siya sa pagiging assuming niya dito. Porke't sinusundan siya nito kahapon at pinapaamin ay feeling niya ganoon pa rin ito ngayon. E, siya din naman ang may kasalanan dahil todo tanggi siya. Kaya ano pa ang inaasahan niya? Siyempre iisipin din nito na baka nga hindi siya 'yon at napagkamalan lang. Lalo pa't lasing ito nang may mangyari sa kanila. Nawala lang saglit dahil sa kabaliwan nilang dalawa na gustong higit pa sa halik ang matikman noong gabing 'yon.
Pumikit siya nang mariin at humugot ng hangin para alisin ang mabigat sa kanyang dibdib.
"Pero sa ikatatahimik mo, sasagutin ko na rin. Nakita ko na ang 'yung babae, kaya pupuntahan ko siya." maya-maya ay dugtong nito na bigla na lamang kumirot ang puso niya.
'E, 'di puntahan mo?! Wala akong pake!' gigil na gigil niyang sabi sa isip.
Sa tingin niya, tumaas yata ang dugo niya sa mga oras na iyon. Nagngingitngit ang puso niya nang marinig niya ang sinabi nito.
'Gusto mo pa, samahan kita, e!'
Sa sobrang talim ng tingin niya sa labas ay hindi niya nakita ang malawak na pagngisi ng Adonis nang makita nito ang repleksiyon niya sa harap at itaas ng driver. Kanina pa ito tuwang-tuwa sa itsura niya na akala mo ay tigreng mangangalmot na.
"Ikaw? Saan ka pupunta? Papasok ka na ba?"
Narinig niyang tanong nito. Ngunit hindi niya ito pinansin at nagbingi-bingihan na lamang at baka kung ano pa ang masabi niya dito.
"Para po, Manong!" aniya sa driver nang makita na ang kompanyang pinagtatrabuhan.
"Ako na ang magbayad." alok sa kanya ng Adonis.
"Hindi na at nakakahiya. May pambayad naman ako," badtrip niyang tugon at mabilis na binigay ang pambayad sa driver at agad na lumabas.
Ni hindi niya na ito tinapunan pa ng tingin dahil sa inis niya dito na hindi niya maipaliwanag. Diri-diretso siyang naglakad at pumasok sa main entrance ng kompanya.
Nang makarating sa kanyang pwesto, pabagsak niyang ibinaba ang kanyang bag at umupo. Hindi pa rin humuhupa ang inis niya sa Adonis.
Nanggigil talaga siya dito. Gigil nga ba? O, selos.
"Bwisit!"
"Sinong bwisit?"
Biglang tanong sa kanyang harapan kaya nag-angat siya ng tingin dito.
"Ako ba?" nakangiting tanong ni Jake sa kanya.
Ka-officemate niya ito at matagal ng nanliligaw sa kanya. Gwapo at matangkad din ito. Pero nagdadalawang isip siyang sagutin ito dahil mas bata ito sa kanya ng limang taon kaya ayaw niya. Dahil hindi niya pinangarap na magka-boyfriend na mas ahead siya. At syempre, priority pa rin niya ang kanyang pamilya. Kaya mas magandang single na lang siya forever para wala siyang problema. Pero bakit nanggagalaiti siya kanina kay Adonis na may pupuntahan itong babae?
'Ay, s**t!'
"Hindi, ah. May nakasagutan lang ako kanina, kaya naiinis ako. Kaya yawa siya kasi bastos, e." Pagsisinungaling niya dito.
"Hmmm..lalake?"
"Bastos na lalake."
Pagtatama niya pero ang mukha ng Adonis ang nasa isip niya habang sinasabi iyon.
Totoo naman kasi na kasagutan niya ito pero siya nga lang ang pikon.
"Then, good for him. Here, mag-coffee ka na lang muna," anito at binigyan siya ng coffee na lagi nitong ginagawa tuwing umaga.
"Thanks! Pero hindi ka ba nagsasawa sa kalilibre mo sa akin?" tanong niya dito.
May laman ang tanong niyang iyon para malaman nitong ganun pa rin ang sagot niya.
Tumawa ito. "Nope! Hinding-hindi ako magsasawa. Baka ikaw ang nagsasawa na sa pagmumukha ko." anito at ngumisi.
Gusto niyang sumagot ng oo pero, ayaw niyang maging harsh dito sa ganito kaaga. Kaya ngumiti na lang siya ng peke dito.
"Hindi pa naman. Pero malapit na.." biro niya at tumawa rin para hindi halatang totoo 'yun.
Tumitig ito sa kanya na para bang iniisip nito ang sinabi niya.
"Uy, joke lang! Kaw naman hindi na mabiro.." ngisi niya.
"Akala ko totoo." Kumamot ito sa batok.
"Mag- umpisa na nga tayo." natatawang sabi niya.
"Okay.." tipid nitong sagot at akmang babalik na sana ito sa pwesto nito nang muling humarap sa kanya.
"Siya nga pala, Mariel. B-Birthday ko ngayon," nahihiyang sabi nito na ikinagulat niya.
"Ha? Talaga? Happy birthday kung gano'n!" manghang bati niya dito.
Ngumiti naman ito ng matamis. " Thank you! Pero gusto sana kitang imbitahan na kumain sa labas. Kung okay lang sana sa 'yo," alanganing sabi nito.
Bigla siyang napaisip. Since wala naman siyang ot at wala rin siyang lakad, kaya why not? Kain lang naman sa labas, e.
"O, sige ba! Basta busugin mo 'ko, ha?" ngiti niyang biro dito.
"Sure! Akong bahala!" Masayang bulalas nito.
Ngumiti rin siya dito. "O, sige na. Baka pagalitan pa tayo."
"Thank you.." pacute pa nitong wika.
"Ako dapat magpasalamat dahil may kape na ako...imbitado mo pa ako.." namumulang saad niya.
"No, it's okay. Gusto ko naman ito."
"..at ikaw gustong-gusto pa rin kita.." dugtong pa nito at seryosong tumingin sa kanya.
Nawala agad ang ngiti niya nang marinig ang sinabi nito. Bumilis ang t***k ng puso niya...pero walang dating. Hindi siya excited nang marinig 'yon. Kinabahan siya dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya nang hindi ito nasasaktan.
Para kasi siyang na-guilty dahil hinayaan niya lang itong manligaw nang hindi niya iniintindi.
"Na-tense ba kita?" sa halip ay tanong nito at tumawa.
Sinimangutan niya ito.
"Handa pa rin akong maghintay, Mariel, kung kailan ka handa.." ngiti nito bago tumalikod.
Kaya nasundan na lamang niya ito ng tingin pero na-stress din siya konti, ha. Hanggang sa nawala na ito sa paningin niya. Kaya agad niyang itinuon ang isip niya sa trabaho dahil marami siyang tatapusin na trabahong iniwan noong isang araw.
Hanggang lumipas ang ilang oras at mag-tatanghalian na ay hindi nawaglit sa isip niya ang sinabi kanya kanina ni Jake. Iniisip niya kung ano ang gagawin niya para hindi siya ma-guilty kung babastedin niya na ito. Pero bigla-bigla na lang sumisingit sa utak niya ang Adonis. Lagi itong umi-epal tuwing iniisip niya ang sasabihin niya kay Jake. Kaya hindi tuloy siya makapag-focus dahil sa epal na Adonis na iyon.
"Mariel! Tara na at kumain." biglang yaya sa kanya ng boses babae.
Gulat pa siyang lumingon dito nang tapikin nito ang balikat niya. Nakita niyang ang kaibigan niyang si Glenda ito.
"Ha? Anong oras na ba?"
"Alas dose na. Tara na at nagmamadali din akp dahil marami pa akong tapusin mamaya," tugon naman nito.
"Okay."
Tumayo na rin siya at sabay na silang naglakad pababa para kumain sa cafeteria.
"Buti ka pa at walang hahabulin.." malungkot na wika nito nang kumakain na sila.
"Anong wala? E, hingal kabayo na nga ako, e. Para lang matapos na iyon," tugon naman niya at nagpunas na ng bibig matapos uminom ng tubig.
"Meron ka din? Akala ko kasi wala. Nakatulala ka lang kasi kanina. Kaya hindi mo ako napansin," anito at tumingin sa kanya.
"Natulala ako sa sobrang dami." maktol niya at tumayo na para itapon ang basura sa basurahan.
"Tara na at lulusob na uli tayo.." dugtong niya pang yaya dito.
Kaagad naman itong tumayo at naglakad na rin sila paakyat sa office nila. At gaya nang sinabi niya kanina, nag-focus muna siya ng trabaho. Lahat ng iniisip niya kanina ay inalis muna sa isip niya para matapos niya ang lahat ng naka-pending na trabaho. At bago sumapit ang alas kwatro na uwian nila, tapos na niya lahat-lahat.
"Hay, sa wakas! Natapos rin kita!" aniya at sumandal ng marahas sa kanyang upuan.
Pumikit pa siya para ma-marelax ang utak niya.
"Shall we?" untag sa kanya ng pamilyar na boses. Kaya agad siyang dumilat.
"Okay Jake. Let's go!" Masayang sagot niya.
Inayos niya lang ang kanya table bago kinuha ang kanyang bag at niyaya niya na ito palabas.
Kaagad silang sumakay ng taxi at sa may malapit na dagat siya nito dinala.
"Wow! Ang ganda naman dito.." bulalas niya at tumingin sa dagat.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nito sa kanyang likuran.
"Oo naman! Ang ganda kaya dito." sagot niyang naiilang dahil nakakatitig ito sa kanya.
"Mabuti naman at nagustuhan mo, Mariel. Alam mo bang ito ang kauna-unahang nagdala ako dito ng babae.."
Sumeryoso na naman ito nang tumitig sa kanya. Dahilan na magising na naman ang mga alaga niya.
"Here is your order, Sir.." ngiti sa kanila ng waiter.
Kaya agad niyang binati ito para maiba ang topic nila.
"Happy birthday, Jake! Pasensya ka na at wala akong regalo sa 'yo." aniya at ngumiti.
"Ang pagsama mo sa akin dito ay sobra-sobrang regalo na Mariel. At saka, hindi ko na kailangan pang regalo dahil hindi naman ako mahilig sa bagay.." ngiti nito sa kanya na labis na ikinainit ng pisngi niya.
"Grabe ka naman. Pero promise reregulahan kita.." ngiti niya dito.
"Talaga ba?"
"Yes."
"Then, salamat in advance.." Bakas sa mukha nito ang labis na tuwa sa sinabi niya.
"Magustuhan mo kaya? Baka hindi" taas kilay niyang tanong.
"Kahit ano pa 'yan. Magugustuhan ko basta libre.." anito at nagsimula na rin silang kumain.
Hindi naman nagtagal ay natapos na rin sila. Ngunit nagyaya pa itong maglakad sila sa may park kaya pinagbigyan niya na rin ito. Dahil sa tingin niya, ay wala nama itong pangit na sinasabi. At sa tingin niya ay napasaya niya ito sa gabing ito dahil pumayag siya.
Maya-maya ay tumingin siya sa kanyang cellphone. At ganoon na lamang ang pagdilat niya nang makitang mag-alas diyes na pala ng gabi.
"Uwi na tayo. Mag-alas diyes na pala. May pasok pa tayo bukas." yaya niya dito.
"Okay. Thank you so much, Mariel. Sinamahan mo 'ko sa birrthday ko. Ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko."
Bakas sa mukha nito ang saya at pait. At alam niya kung ano 'yon.
"Masaya rin ako, Jake, at napasiya kita sa kaarawan mo ngayon.." ngiti niya dito.
At sa gulat niya, inakbayan siya nito.
"Let's go." anito at naglakad na nga sila sa may sakayan.
Kaagad silang sumakay ng taxi nang may huminto sa tapat nila. Gusto nitong ihatid siya nito kaya hinayaan na lamang niya at sinagad ang kaligayahan nito na makasama siya dahil balak niya na itong bastedin para hindi na umasa pa.
Nang nasa tapat na ang taxi nila, kaagad siyang nagpaalam at bumaba agad. Hindi na niya ito pinapapasok pa dahil anong oras na din.
"Bye, Jake! See you tomorrow. Thank you!" nakangiti niyang kaway dito.
"Thank you," anito at naihatid na lamang niya ito nang tingin hanggang sa mawala.
Nakangiti pa siyang naglakad papunta sa bahay nila. Ayaw niya sanang tumingin sa katabi ng bahay nila Pero nagulat siya nang nakatingin sa kanya ang Adonis habang nagyoyosi at may hawak na beer in can.
Bigla siyang kinabahan at mabilis na naglakad papunta sa bahay nila. Wala ang mga kasama niya dahil mga midnight na ito magsi-uwian. Halos magkamahog na siya sa pagpasok ng susi pero ayaw pang makisama.
"Sino siya? Bakit ngayon ka lang!!" Biglang tanong sa kanya ng Adonis sa mataas na boses.
Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito sa kanya.
Kaagad siyang lumingon dito. At gano'n na lamang ang takot na bumalot sa katawan niya nang makitang madilim na madilim ang mukha nito at halos nag-aapoy na rin ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.