"Okay lang ba itong suot ko, Irene?" Alanganing tanong ni Mariel kay Irene nang makita niya ito sa may sala na nakaupo habang nanunuod ng TV. Hindi kasi siya sigurado kung bagay ba sa kanya ang suot niyang dress. Saka naaasiwa siya dahil medyo mababa ang neckline nito at kapag yumuko siya konti ay makikita agad ang dibdib niya. Tumingin ito sa kanya. " Wow! Ang sexy mo, Ate Mariel! Bagay na bagay sa 'yo! Ang init!" manghang bulalas pa nito sa kanya nang nakanganga. "Okay lang ba?" Muling tanong niya at hindi mapakaling tiningnan ang sarili. "Okay na okay, Ate. Bagay na bagay nga sa 'yo, e." masayang sang-ayon naman nito. "Sigurado ka, ha?" taas kilay niya pang tanong. "Oo, naman!" mabilis pang sagot nito. "Bakit saan ka ba pupunta, Ate Mariel?" balik-tanong nito sa kanya at nakit

