*** "You okay?" Tumango akong nagpunas ng bibig. "Nahilo lang siguro ako sa byahe, bukod doon ay first time kong sumakay ng eroplano" tugon ko. Kabado akong sumakay ng eroplano lalo ng nagtake off ito at palanding. Isang private plane ang sinakyan naming hindi naibsan ang kaba at takot ko kahit halos nakayakap na ako kay Landon na inalo ako. "Masasanay ka din" ngiti niyang humawak ng marahan sa braso kong lumabas ng banyo. Nasa loob kami ng isang magarang villa, may katabi iyong private na resort na tanaw mo mula sa terasa sa labas. "Ang gara ng villa na ito" puna kong papasok sa living room.Malaking espasyo iyon na minimal lang din ang pagkakainterior ngunit halatang mamahalin ang muwebles. "Did you like it?" ngiti ng katabi ko. "Oo maganda, saka ang presko ng hangin...anlayo sa M

