bc

Landon and Reece

book_age18+
5.9K
FOLLOW
26.5K
READ
possessive
family
dominant
CEO
student
drama
sweet
bxg
realistic earth
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

An indecent proposal.

A woman who needs him, his money.

A man who needs her to satisfy his needs.

A story of Love, sacrifice and family.

How far can you sacrifice for your love?

How far can you go to hope for love?

chap-preview
Free preview
Landon and Reece 1
Once in a lifetime, you meet someone that takes your breath away,                       not because you want them to, but because they were meant to"                                                                                                        - unknown Simula "Ako na 'La, kaya ko na po" pagpipilit ko sa kay Lola Rina. Katatapos lang ng operasyon niya ng ilang buwan, alam kong hindi pa niya kayang magtrabaho at gumalaw sa bahay. "Sigurado ka Reece?"  aniya. "Opo, marami pa naman akong oras mag aaral mamya" sagot ko. "Pasensya ka na Apo, hindi ka pa ba pagod?, kagagaling mo lang sa part time mo kagabi, at halos madaling araw ka na nakauwi?" aniyang may himig ng pag aalala. "Okay lang po ako, nakapagpahinga na po ako... eh ang gawin niyo na lang po ay magpahinga muna okay?" ani kong lumapit sa kanyang humawak sa braso niya. Ngumiti si Lola Rina ng pilit, bakas sa mukha niya ang awa at pagaalala. "'La, okay na okay po ako, magpahinga na lang po kayo para hindi ako masyadong mag aalala habang nasa trabaho, at binilinan ko na po si Makoy sa gagawin niya mamya" sagot kong tukoy sa kapatid kong sumunod sa akin. Tumango ito. "Napakabait mong bata, napakaswerte ko sayo at ng mga kapatid mo" aniyang medyo nangingintab ang mata. "Mas maswerte po kami sayo, kami ng mga kapatid ko" sagot kong yumakap dito. Mahirap man ang buhay na kinalakhan ko ay napakaswerte namin kay Lola Rina na siyang tumayong magulang namin magmula ng mawala si Tatay at iniwan kami ni Nanay. Siya ang nagpalaki sa amin at iginapang sa hirap. Namasukan siya bilang katulong kina Ma'm Cielo. Sa hindi inaasahan pagkakataon ay nagkasakit siyang inoperahan dahil sa sakit sa puso. Maigi na lamang at mabait at matulungin ang Amo nina Lola na siyang sumagot sa lahat ng gastusin namin sa ospital kabilang na doon ang tulong sa pagpapaaral sa akin at sa mga kapatid ko. Malaki ang utang na loob namin sa kanilang mag asawa. At kahit tumigil si Lola sa trabaho ay patuloy pa rin itong binibigyan ng sweldo ni Ma'am Cielo, kaya nagpupumilit pa rin si Lola na pumasok sa trabaho paminsan minsan kahit anong tanggi ni Ma'am Cielo. "Tinawagan ko na si Ma'am Cielo. Alam niyang ikaw ang pupunta sa resthouse nila kapalit ko, saka hindi naman sila magtatagal doon, sabi niya" aniyang tinanguhan ko ng inihatid ako sa labasan. "Yung gamot niyo po wag ninyong kalimutan, saka kung may problema patawagan niyo na lang po ako sa telepono ko. Nakapagluto na po ako, wag ho kayong magpapagod. Hayaan niyo na si Makoy sa ibang gawain sa bahay, alam na po niya yun" sagot ko. "Oo na, ang bait ng apo ko. Maganda na, matalino pa" ani ni Lola. Napangiti akong kumaway para magpaalam. Ako ang panganay sa apat na magkakapatid. Lumaki akong dala at alam ko ang responsibilidad ko sa buhay. Sabi nga nila, matanda daw ako pagiisip sa edad ko, aminado ako doon. Wala akong panahong gawin ang normal na ginagawa ng mga kabataan, nakapokus ako sa pamilya, trabaho at pagaaral. Sila ang prayoridad ko. Dumaan ako sa kaibigan kong matalik bago tumungo sa sakayan papuntang resthouse nina Ma'am Cielo. "Noreen, dating gawi ha, pakisilip silip sina Lola" ani kong tumango itong humihikab pa. "Ang aga pa te, raraket ka na naman?" aniya. "Kailangan eh" sagot ko. "O siya, siya ako na ang bahala sa lola mo" aniyang kumumpas ng kamay. "Salamat sister" sagot kong napangiti. "Sa sweldo na lang kita ililibre" ani kong nagpaalam. Sumakay ako ng bus. Kahit papaano ay makakapagpahinga ako habang nasa byahe. Napatingin ako sa gara ng bahay. Pangalawang beses pa lang akong napunta dito. "Good morning po" ani ko ng pinagbuksan ako ng guard. Nagpakilala ako. Pinapasok akong sinalubong ng isang kasambahay doon. "Andyan ka na pala Reece" ani ni Ate Nena na siyang kasambahay na nangangalaga doon. "Kamusta ang Lola mo?" aniyang iginiya ako sa loob. Napatingin ako sa loob, kung gaano kagara sa labas ay ganundin sa loob ng bahay na mas lalo pa yatang gumanda kaysa ng huling punta ko dito. "Maayos naman po, wala po kasi akong pasok ngayon kaya ako muna ang pumalit" sagot ko. Ngumiti ito. "Nasabi na nga ni Ma'am Cielo" ani ni Ate Nena. "O siya, magbihis ka muna at kumain bago magtrabaho" aniya giya sa kain papuntang kitchen at maid's quarter. "Dito mo muna ilalagay ang gamit mo" aniyang turo sa bakanteng cabinet katabi ng pang isahang kama. Binigyan ako ng unipormeng suot at isang apron. "Para hindi masyadong marumihan ang damit mo" aniyang ngiting tinanggap kong iginiya ako sa labasan. Pansin kong mas madami ang kasambahay ngayon. "M-may okasyon po ba?" tanong ko ng mapansin ko ang pagiging abala ng ilan. "Oo, bakasyon ng pamilyang isinabay sa kaarawan ng panganay ng mag asawa" aniyang sagot. Mukhang malaking okasyon ang magaganap mamya. "M-madami po bang bisita?" tanong ko. "Mga kaibigan lang ng may birthday at yung pamilya" aning muli ni Ate Nena na iginiya ako sa hapag. "Sino pong may birthday?" tanong kong muli dahil hindi ko masyadong kilala ang pamilya na pinagsisilbihan ni Lola bukod kay Mam Cielo at sa bunso niyang anak na lalake na nagaaral sa pinapasukan kong unibersidad rin. "Yung kambal" sagot ni Aling Nena. Napatango ako. "Hindi ko po kasi sila masyadong kilala bukod kay Lance lang" sagot ko. Naglabas ng pagkain si Ate Nena, nakaramdam akong gutom ng makita iyon. Naalala kong ito ang mga paborito ng mga kapatid ko at madalang lang akong makabili na tuwing sweldo ko lamang iyong nabibili. "Kumain ka muna" aniya. Tinitigan ko iyon, kung ang bunsong kapatid ko lamang ang naandito ay magtata talon na iyon sa tuwa kapag may nakitang ganito sa hapag. Bacon, hotdog, ham at itlog na may kung ano anong sahog at espesyal na tinapay. Kumain ako ng mabilisan. Binigyan ako ng tratrabahuhin. "Ito muna ang gagawin mo" ani ni Ate Nena na binigyan ako ng mga gulay na tatalupin. Kinuha ko itong pumwesto sa gilid. "Bago ka?" Gulat akong napatingin sa gilid ko. "Eh, opo" sagot ko. Ngumiti ito. "Ah, ako si Shiela" aniyang lahad ng kamay. "Reece" sagot ko. "Part time lang ako dito" aniya. "Ako din, pinalitan ko lang ang lola ko" sagot kong tumango ito. Matanda lang ng kaunti si Shiela sa akin, pares ko ring nasa kolehiyo na. "So magiging future nurse ka pala" aniyang tinanguhan ko. Pangarap kong maging doktor ngunit alam kong imposible kaya ito ang pinakamalapit para sa akin na kurso sa pangarap ko. Kahit papaano ay hindi ko masyadong namalayan ang oras na lumilipas sa pagkukuwento ni Shiela, madali kong naiayos ang mga gulay at rekadong pinatalupan at pinahugasan sa akin. "Reece" ani ni Ate Nena. "Po" sagot kong lumingon dito. Katatapos ko lang ayusin ang ilang mga kaldero na kakailangan ng magluluto. "Nakalimutang palitan ang kurtina sa ilang kwarto sa itaas, pwede mo bang gawin iyon?" ani ni Ate Nena na abala rin. "Opo" ani kong nagpunas ng kamay. Sinamahan niya ako sa store room na kinuha ang malaking kahon na may lamang kurtina. Nagpunas ako ng tsinelas ng madaan ako sa sala. Nakakamangha ang laki ng bahay at ganda. Kinuha ko ang kahon na iginiya ako ni ate Nena sa hagdan. "Pwede ba kitang iwanan?" tanong nito. "Opo" sagot kong hawak ang isang portable na ladder. "U-uhm, pwede bang ingatan mo ang ilang gamit dito sa mga kwarto?" tanong niyang muli. "Opo" sagot ko, naintindihan ko ang pinupunto niya, alam kong mamahalin ang mga gamit dito. "Pasensiya ka na, ikaw lang kasi ang higit kong kilala sa ilang kasambahay dito, kaya sayo ako nagsabi, saka patingnan na rin kung may alikabok ang bintana ha?" aniyang muling nginitian ko. "Naintindihan ko po, salamat po sa tiwala" sagot kong tumango itong nagpaalam. Nagpalit ako ng kurtina sa bawat kwarto. Nagpunas ako ng pawis sa pinakahuling kurtinang ikinabit ko sa huling kwarto. Narinig kong may bumusina na sasakyan sa labas. Nagmadali akong palabas na sana ng mapansin ko ang alikabok sa gilid ng bintana kaya kumuha akong basang basahan at tabo.   Pinunasan ko iyon ng madalian. Patapos na ako ng hindi ko sinasadyang matabig ko naman ang tabo na may tubig. Napapikit akong nataranta. Dali dali akong kumuha ng basang basahan at pinunasan ang sahig at piniga pabalik sa banyo. Pilit kong pinunasan iyon upang matuyo agad. Ramdam ko ang pawis kong pagtulo. "Bakit ayaw mong makisama... matuyo ka na please" ani ko sa sariling nagpupunas ng sahig. Ayaw kong magtagal sa kwarto na ito, ayaw kong may isipin si ate Nena. Piga punas ang ginawa ko, at wala na akong panahong  bumaba pa para kumuha ng tuyong basahan at kung iiwanan ko naman ay baka madulas ang may ari ng kwarto na ito. "Matuyo ka na, please" ani kong ng may narinig akong tikhim. "U-uhm" baritonong boses sa likuran ko. Gulat akong napatayong kinabahan. "Sinong matutuyo?" tanong sa harapan kong nakasandal sa pintuan na nakapamulsa. Napaawang ang bibig kong hindi nakapagsalita agad. Napalunok ako, napatingin ako sa sahig na basa pa, at sigurado akong mawawala ang pagkakaintab nun pag natuyo. Ramdam ko ang pawis lalo na tumutulo sa gilid ng leeg ko. Napalunok akong napatingin sa taong nasa harapan kong nakakunot noo at napakaseryoso. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko sa takot at taranta. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook