" We don't meet people by accident, they are meant to cross our path for a reason" - unknown
***
"Sinong matutuyo?" salubong ng kilay ng taong nasa harapan kong nakasandal sa hamba ng pinto.
Napalunok akong ramdam ang pagtulo lalo ng pawis ko sa leeg at sentido.
"U-uhm, s-sir..." halos utal kong paliwanag.
"Who are you?" kunot noo niyang tanong.
"Reece po" sagot kong napahigpit sa hawak kong pamunas. Napatingin ako sa sahig na medyo basa pa.
Napahinga siya ng malalim ng akmang paglakad papasok ng kwarto.
"Naku..naku Sir saglit po!" saway kong muwestra sana ng kamay kong mapigilan ngunit umiling lang itong dumiretso malapit sa gawi ko ko.
Basa pa at madulas ang sahig!
"Oh s**t!" aniyang nadulas nga ang isang paa, nagmadali akong papunta sa gawi niya para mapigilan at masuportahan ang di niya tuluyang pagbagsak sa sahig.
"Sir!"
"f**k!"
Napahawak ako sa braso at kabilang balikat niya, ngunit napatid ako ng isang paa niyang lalong napasubsob sa kanya. Masyadong mabilis ang pangyayari! Sa isang iglap ay bumagsak kami pareho. Napapikit na lamang akong hinintay ang sarili kong pagkabagsak!
"f**k!" aniyang napadilat na akong nakapatong sa kanya na hawak ang magkabilang baywang ko.
Napalunok akong nanlaki ang mata ko.
"You okay?" tanong niyang napabalik ako sa ulirat.
"Sorry po! sorry!" Dali dali akong tumayo.
Umiling itong dahan dahang tumayo. Umalalay akong humawak sa siko nya, namula iyon marahil sa pagkakatukod.
"I'm fine" seryosong sagot niyang nakakunot noo.
Akma akong akay patayo sa kanya ng umiling ito.
"No need, sa liit mong iyan hindi mo ako kayang akayin patayo" masungit na sagot niya.
Napakunot noo ako. Umupo siya ng ayos na ginalaw galaw ang palapulsuhan, namula din iyon.
"S-sorry po, saglit kukuha po ako ng yelo" ani kong lumabas ng kwarto. Nagmadali akong bumaba na kumuha na rin ng tuyong basahan.
"Oh, Reece, anong nangyari sayo?" salubong ni Ate Nena.
"A-ano po eh" sagot kong kumukuha ng yelo.
"Saglit, nakita mo ba si Landon sa itaas? Siya ang unang dumating" dagdag pa ni Ate Nena.
"Landon po?"
"Yung isa sa kambal" sagot ni Ate Nena.
Siya siguro iyon.
"O-opo, eh-" ani kong bago pa ako makapagpaliwanag ay lumabas na si Ate Nena muli.
Umakyat akong dala ang yelo at basahan.
Nakabukas pa ang pinto. Nadatnan ko siyang sinusuri ang siko. Medyo namumula pa iyon.
"Sir, e-eto po ang yelo" kabado kong abot.
Umangat ito ng tingin na kinuha iyon mula sa akin at idinampi sa siko niya.
Mabilis kong pinunasan ang basa pang sahig. Kinuha ko ang lagayan ng kurtina na napatingin muli sa kanya. Tumingin siya ng bahagya sa akin at saka bumaling muli sa siko. Sana nga lang ay walang bali iyon!
"U-uhm, Sir...sorry po talaga" ani kong kabado.
"I'm fine" sagot niyang seryosong muli.
"U-uhm, n-namamaga po ba? s-sa tingin niyo po w-wala namang bali?" tanong kong nagaalala, lagot nito ako kay Ate Nena at nakakahiya kay Mam Cielo.
"I'm good" tipid na sagot niya.
"A-ano po eh, baka po may bali yan, gusto niyo po akong kumuha ng bandage para maikabit yung yelo?" tanong kong muli.
"No need, 'm okay" lingon niya sa gawi kong kunot noo pa rin.
"Sorry po talaga Sir"
"I said I'm good, pwede ka ng lumabas" masungit na sagot niya.
Lumabas akong hinila ng marahan pasara ang pinto.
Bumalik ako sa gawa sa kusina. Tumulong akong muli sa kusina sa paghahanda ng ilang kakailangain para sa party. Mga plato, kutsara at mga lalagyan ng pagkain. Dumating na ang ilang pagkaing cater mula sa labas.
"Reece, nakahanda na ba ang mesa?" rinig kong tanong ni Ate Nena.
"Opo" maagap na sagot ko. Inabot sa akin ni Shiela ang ilang mantel na kakailanganin para sa labas.
"Ang bongga ng party na 'to" komento niya ng matanaw ko ng tingin ang pababa sa hagdan.
"Shemay! ang gwapo talaga" ani ni Shiela. Napailing akong napangiti kay Shiela, pansin kong medyo namumula pa ang siko niya. Tumingin siya sa gawi namin pagkuwa'y dumiretso sa kusina.
"Sandali, susundan ko tatanungin ko lang baka may kailangan" ani ni Shiela na tinanguhan ko.
Lumabas akong tumungo sa ilang mesang nag lagay ng mantel. Siguro ay dito iinom ang ilang bisita. May mini bar ding nakaassemble sa gilid.
Bumalik ako sa kusinang tumulong sa pagluluto at paghahanda.
"Reece"
Napalingon ako sa tawag. Si Mam Cielo.
Nakangiti siyang tumungo sa gawi namin. Medyo nahiya akong sumalubong. Alam kong meydo madungis ang hitsura ko samantalang siya ay mukhang mabango at napakaganda niya. Isang simpleng bestida lamang ang suot niya ngunit silay mo sa kanya ang pagiging sopistikada.
"K-Kamusta po?" magalang na bati kong nagpunas sa gilid ng apron kong suot.
"Maayos naman, kamusta na ang lola mo?" aniyang ngiti.
"O-okay naman po si Lola, pinagpahinga ko po muna eh" nahihiya kong sagot.
"Naku! naku! medyo matigas ang ulo ng Lola mo eh" aniyang napangiti ako ng pumasok si Sir Liam sa kusina.
"Mahal, naandyan na sina Marcus" aniyang tungo sa asawa niya. Nakakatuwa silang pagmasdan na halata ang pagmamahal ni Sir Liam sa asawa.
"Sige susunod na ako" sagot ni Ma'm Cielo.
"Oh, Reece kamusta ang Lola mo?" bati ni Sir Liam.
"Okay naman po si Lola Sir" sagot ko.
"Saglit, naandito na si Landon diba? nakita ko ang sasakyan niya sa labas" baling ni Mam Cielo sa akin na siyang pasok naman ni Ate Nena na siyang sumagot sa tanong niya. Bumati sina Mam Cielo sa kanya, sinundan ko sila ng tingin. Nakakahanga silang mag asawang tingnan na masyadong down to earth at hindi nanginming makihalubilo sa katulad namin. Nakakatuwa ring pagmasdan si Sir Liam na laging nakasunod lang din sa asawa.
Bumalik ako sa gawa sa kusina.
Medyo marami rami na rin ang bisita nilang pakiwari kong malalapit nilang kaibigan kasama ang mga anak.
"Okay na ba lahat?" aligagang tanong ni Ate Nena. Napatango ako, ganundin si Shiela at ibang kasambahay.
"O siya, magsiayos muna kayo ng sarili at medyo dumadami na ang bisita" ani ni Ate Nena na sumunod kami. Nag suot din ako ng panibagong apron.
Nakaayos na rin ang lahat, mga nakahandang pagkain sa mahabang mesa. Ang ilan sa kanila ay nasa pool at ang ilan ay nag swiswimming sa malapit na beach.
"Asan na ang birthday celebrants?" tanong ng isang bisita.
"Si kuya na sa itaas pa, kakatukin ko" prisintang isang babaeng mas bata siguro sa akin ng ilang taon.
"I'm here," ani ng isang kahawig nga ni Sir Landon. Nagkaiba lang sila sa ayos ng buhok, mas matangkad lang at mas matipuno ng kaunti si Sir Landon sa kanya.
"Where's Lex?" tanong ni Mam Cielo.
"Sinundo si Eli Mommy, they'r e on the way" sabad ni Lance na siyang kilala ko lamang sa kanilang magkakapatid.
Bumaba si Sir Landon na kasunod ang batang babae. Napatingin ako kay Ate Nena
"Si Lian yan" ani ni Ate Nena na katabi ko.
"Po?"
"Siya ang bunsong anak ng mag asawa, tapos yung isa si Logan yung kakambal ni Landon... yung isa si Lance" turo niya kay Lance.
"Si Lex lang ang wala diyan" aniya pangmuli.
"Ang gwagwapo nila, walang itulak kabigin kasama na ang tatay!" tawang bulong ni Shiela na sinaway ni Ate Nena. Napangiti ako.
Nag umpisa ang party nila. Naging abala na rin ang trabaho namin.
"Reece, pakidala nga ito sa labas" abot ni ate Nena sa isang pulutan.
Kinuha ko iyon mula sa kanya. Maingat ko iyong binitbit na inilapag sa gilid ng nagiinuman sa labas.
"Hi," ani ng isang mamang lalake habang kumukuha ng bote ng beer.
Ngumiti ako ng tipid.
"You looked familiar" aniyang humarap sa akin na humawak ng marahan sa braso ko, kumalas akong lumayo ng kaunti.
"U-uhm, "
"Do i know you?" aniyang medyo inaaninag ako sa hindi maliwanag na ilaw.
"H-hindi po" sagot kong paalis sana ng humablot muli sa kamay ko.
"Kilala kita eh" aniyang kumalas akong muli. Ramdam ko ang kaba sa dibdib,hindi ito maari, sana lang ay hindi niya ako nakita sa isang part time na trabaho ko.
"N-nagkakamali po kayo" ani kong patalikod sana ngunit humablot muli sa kamay ko.
"I think I know you pero hindi ko lang maala-" aniyang hawak sa palapulsuhan ko. Pilit kong kumalas ngunit mas malakas ang hawak niya sa akin.
"Bitawan niyo ako" kalas ko.
"Let her go Martin" baritonong boses sa likuran kong bumitaw ang lalakeng bisita sa kamay ko.
"Anong nangyayari dito?" seryosong pumagitna si Sir Landon.
"Oh, nothing pare... nakikipagkilala lang ako sa kanya" ngisi ni Martin.
"Don't bring your antics here, wag dito" seryosong ani ni Sir Landon muli.
"Kuya, anong-"
"Lex, paalisin mo itong bisita mo... ayaw ko siyang makita rito" aniyang baling sa kapatid na napatingin sa kaibigan.
"What did you do man?" hila ni Lex kay Martin na nilingon akong muli ng isang beses. Napatungo ako. Ayaw ko din naman ng eskandalo.
"And you... go back to your work and tell Nanay Nena na wag nang ikaw ang pagdalahin ng kung anu-ano dito sa labas" masungit na sambit nitong baling sa akin.
***