Landon and Reece 3

1607 Words
Love moves in mysterious ways - Julia Fordham  original song and recorded by Nina (local filipino artist) *** "Nagmamadali ka na naman te" habol ni Noreen. "Oo, kailangang maaga ako sa library may duty ako ngayon doon, at may aaralin ako" ani kong kinuha ng mabilisan ang gamit kong patungo sa library. Student Assistant ako, kasama iyon sa scholarship ko. Malaking unibersidad ang pinapasukan namin ni Noreen na siyang kumukuha ng kursong Bussiness management at ako nama'y Nursing. Wala naman akong masyadong bayarin sa tuition ko, kailangan ko lang magmaintain ng grades at magtrabaho na tutulong sa librarian na aasikaso sa ibang pangangailangan ng mga estudyante. Malaking tulong sa akin ang natatangggap kong stipends para sa allowance at ibang pangangailangan ko dito sa university. "Ang sipag mo te" habol ni Noreen na sumabay sa akin ng lakad. "Wala kang klase ngayon?" baling ko. "Walang akong last subject, magmimiron na lang ako sa gawa mo" ngiti niya. "Reece" tawag sa pangalan kong ikinalingon namin pareho ni Noreen. Si Sir Lance, kasama ang isa pang lalakeng nakaputi ring unipormeng pares niya, nasa Medicine department sila. "Sir Lance" bati kong napatingin sa orasan ko. "Nagmamadali ka ba?" aniyang lapit sa gawi namin. Panay naman ang kalbit ni Noreen sa gilid ko. "Te, sino sila?" bulong niya. Sinaway ko si Noreen. "H-hindi naman po" sagot kong napatingin muli sa orasan ko. May ilang minuto pa naman ako. "Saan ang punta ninyo?" tanong niyang muli. "Library Sir" sagot kong umiling itong ngumiti. "Wag mo akong tawaging sir, Lance lang o Kuya Lance" aniya napangiti ako ng tipid ng pansin ko ang pagkalbit ng katabi niya. "Uh, by the way... this is my bestfriend Miguel" pakilala niya sa katabi niyang naglahad ng kamay. "Reece po" sagot ko. "... si Noreen kaibigan ko po" pakilala ko kay Noreen na hindi naman magkamayaw sa ngiti. "Miguel or Migs na lang, nursing din ang premed ko " aning pakilala ni Miguel. Napatango ako marahil napansin niya ang uniporme kong suot. "Hindi kita nakausap nung birthday nina Kuya, ang dami kasing inutos eh" sambit ni Lance. Napatango ako. " Eh abala rin ako nun Sir" sagot kong napailing ito. "Lance lang Reece" tawa niya. "Busy ka ba? Gusto niyo bang mameryenda saglit?" tanong muli ni Lance. Panay ang kalbit ni Noreen na pinipilit akong pumayag. "Naku Lance pasensiya na, may trabaho kasi ako sa library" tanggi ko. Napatingin si Lance kay Miguel. Napakamot naman ng ulo ang isa. "Pasensiya na talaga" ani ko pang muli na tumingin sa relo ko. "Okay, no worries...we understand, next time" sabad ni Miguel na napangiti. Nagpaalam ako ng mabilisan na hinila na si Noreen. "Sino sila teh?!" pangungulit ni Noreen. "Anak ni Mam Cielo si Lance" sagot ko. "Ang gagwapo teh, tsaka ang KJ mo tumanggi ka pa, minsan lang iyon baka hindi na ulit magyaya tapos pinalagpas mo pa, hmp!" aniyang humalukipkip na umirap. "Ewan ko sayo Noreen" sagot ko. "Tsaka libre yun teh, libre! Tapos ang popogi pa! kakainis ka talaga, sayang yung opportunity!pakiramdam ko nga nasira yung garter ng panty ko!lumuwag!" aniya pang muli na ikinatawa ko. "Baliw" wika kong papasok ng library. "Diyan ka lang, wag kang istorbo marami akong gagawin" bulong ko kay Noreen na sumunod sa akin sa area ko. "Opo Ma'am" sagot niya. Umiling na lamang ako. Alam ko namang hindi siya tatagal dito sa library. Naglabas siya ng telepono niyang kumalikot doon, mainipin si Noreen, siya ang pinakamalapit kong kaibigan at kapitbahay, hindi naman siya hirap sa pera na katulad ng sa akin. Nasa ibang bansa ang ama niya bilang OFW at tanging nanay lamang niya ang kasama sa bahay. Siya rin ang kasama ko sa dormitoryo na inuupahan namin pareho dahil medyo malayo ang bahay namin sa University na may araw na hindi ako nakakauwi dahil sa trabaho at pagaaral. "Uuwi ako mamaya, sasabay ka?" bulong niyang bitbit ang bag na handang paalis na. "Hindi, bukas na ako uuwi. May trabaho ako mamaya" bulong na sagot ko rin. "Nagtutulog ka pa ba? Baka naman magkasakit ka na niyan Reece" aniyang may himig ng pag aalala. "Okay ako" sagot ko. Napahinga ito ng malalim. "Madaling araw ka na umuwi kanina tapos natulog ka lang sandali tapos diretso dito sa school, paalala lang friend... kapag nagkasakit ka, lalong kawawa ang Lola at mga kapatid mo" aniyang irap na humalukipkip. Natigilan ako. "Okay lang ako Noreen, salamat sa concern" ngiti ko. "...kailangan eh, marami nang kailangan si Makoy at yung dalawa pa, tapos may maintenance pang gamot si Lola" dagdag ko. "Reece..." "Ayos lang ako, sanay na ako" ngiti ko. "Ang swerte nila sayo" "Mahal ko sila at sila ang buhay ko, pasalamat na lang ako at responsable ang mga kapatid ko lalo na si Makoy na hindi sakit sa ulo" sagot ko pabalik. "Siya nga pala, pwedeng pakidala na lang yung ibang binili ko para kina Lola at yung pinapabili ni Russel para sa project niya" ani kong tumango itong nakatingin pa rin, halata sa mukha niya ang awa. "Noreen..." Umirap ito. "Ayos lang ako, kaya nga nagsisikap ako sa pagaaral para kapag nakatapos ako. Mag aabroad din ako agad " ani kong kumurot sa pisngi niya. "Hmp! siya aalis na ako, ingat ka na lang sa raket mo mamya. Sisilip ako sa lola mo, naandon naman si Mama lagi naman din niyang kinakamusta sila" sagot niyang nakanguso pa rin. "Salamat, buti na lang naandyan kayo ng mama mo" lambing kong umangkla na inihatid sa labas. * "Reece, pakidala sa table 2 sa itaas!" ani ng manager namin. Isa ito sa part time ko, isang club. Nagmadali akong inabot ang tray. Umiwas ako sa karamihan ng tao, masyadong maingay at mausok ang lugar. Hinapit ko paibaba ng kaunti ang maigsing palda ko. Medyo asiwa ako kahit may net stockings akong suot. Medyo hapit rin ng kaunti ang pangitaas kong suot. Paakyat akong mas tahimik sa itaas. Mga pang VIP na costumer na pwedeng umokupa ng sariling kwarto. Pumasok akong tanaw ang grupo ng kalalakihan. Inilapag ko ang tray. "Bago ka?" ani ng isang humawak sa palapulsuhan ko ng akmang paalis na ako. "H-hindi po" sagot ko. Pilit kong kinakalas ang kamay niyang hindi ko makalas sa higpit ng pagkakahawak niya. "Ngayon lang kita nakita dito" aniyang muli. "Madalas po ako sa ibaba" mahinahong sagot ko. "What's your name?" ani ng lalake na ipinagpasalamat kong kumalas. Iniyakap ko sa dibdib ko ang tray. "Alexa po" sagot ko. Madalas iyon ang ibinibigay kong pangalan. "Pwede ka ba Alexa ?" ani ng mamang lalake na tumayong lumapit sa gawi ko. Umatras ako ng kaunti. "Sorry Sir, server lang po ako dito" sagot ko. "Name your price" ani pang muli ng lalakeng pursigidong makalapit sa akin. Lumapit pa itong bumulong muli. "Kahit magkano" aniyang halos kilabutan ako. Umiling ako. "Hindi po ako kasama sa ganoon, sorry po" sagot kong lumabas ng kwarto. Napahinga ako ng malalim na bumaba. Hindi na bago sa akin iyon. Madalas pa nga ay mas malala pa doon. Inaasahan ko na iyon sa klaseng trabaho dito na hindi naman mababang klase ng club ngunit alam ng karamihan na maraming nagbibigay ng ekstrang serbisyo sa ilang kostumers dito. Kahit ako ay sumubok isang beses ng nangailangan ako ng mahigpit nuon pero hindi ko kinayang umatras ako bago pa makapasok sa hotel na pagkikitaan sana namin ng isang kostumer nuon at saka ko ipinangako sa sarili kong hindi ko na iyon uulitin, ang kumapit sa patalim. Nanghihinayang lang ako sa kita dito na mas malaki kaysa sa regular kong trabaho sa araw kasama pa ang tip na natatanggap ko. "Okay ka lang? namumutla ka" tanong ni Trina, isa sa kasamahan ko. "Oo " sagot kong ngumiti ng tipid. "Bwisit talaga ang mga iyan, kung di lang kailangan ng pera eh,wala tayo dito" iling niya. "Oo nga" ayon kong napabuntong hininga. Pabagsak akong napaupo sa bangko. Halos alas singko na ng umaga. Nagmadali akong naligo para makapagpahinga saglit. Naligo akong nagtanggal ng dumi sa katawan, pakiramdam ko kumapit na ang amoy ng sigarilyo sa balat at buhok ko. Pabagsak akong nahiga sa kama pagkatapos. * "La, ako na po wag na po kayong lumuwas" ani ko sa telepono. Napaangat ako ng tingin sa matayog na building. "Reece, kaya ko naman" ani ni Lola. "Wag na po, naandito na po ako" sagot kong papasok sa condo. "Sir" bati ko sa guard. "Oh, ikaw pala" ani ng guard. "Maglilinis lang po" sagot kong muli na pumindot papuntang penthouse suite sa condo ng isa sa anak ni Mam Cielo. Ibinigay ko ang ID ko, pangalawang beses ko ng nagpunta dito, na noong una ay sinamahan ko si Lola para magligpit. Maluwag ang kabuuan ng condo unit na ito. Halata rin sa gamit ang pagiging mamahalin. Nagtanggal ako ng cardigans na suot, nagpusod ako ng buhok upang makalinis at makaalis din ng agaran. "Ang ganda nga, ang kalat naman" sambit kong napailing sa dami ng liligpitin. Lagpas tanghali na ako halos natapos. Nagsalang din ako ng labahan na nakita ko sa banyo. Naghilamos akong nag ayos ng sarili makalabas na ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Si Sir Landon. "What are you doing here?" kunot noong tanong niyang gulat sa presensiya ko. Mukha siyang galing sa opisina sa suot niya. "Naglinis lang po Sir" sagot ko. "Why? Where's nanay Rina?" aniyang nilagpasan ako. Pansin kong may nakakabit na parang plaster sa bandang siko niya. Mahigit isang linggo na ang nakalipas magmula ng aksidenteng iyon. "U-uhm, hindi po kasi pwede si Lola" sagot kong lumingon sa kanya. Dumiretso siya ng dining area niyang kumuha ng inumin sa fridge. Napatingin ako sa orasan ko. "U-uhm, mauna na po ako" paalam ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD