What is meant to be will always find its way - unknown
***
"Ayaw mo ba talaga Reece?"
Umiling ako.
"Sayang naman, matagal ng pabalik balik ang kostumer na iyon"
"Hindi ko kaya Mamita" sagot ko sa Manager namin, na ang ibig niyang sabihin ay nag aalok ng ekstrang serbisyo.
"Magbabayad daw siya kahit magkano, at may ekstrang tip daw" aniya pang muli na pangungumbinsi.
"Pasensiya na po, hindi po talaga" sagot ko.
"O siya ayos lang , bumalik ka na sa trabaho mo. Ako na ang bahalang magsasabi" aniyang ngiti. Hindi naman iyon pilitan.
"Salamat po" sagot ko bago lumabas ng opisina niya.
"Ano yun?" pasalubong ni Trina ng makita akong papalabas sa opisina.
"Katulad ng dati " sagot ko. Hindi lang naman yun ang unang beses na may inalok ako ni Mamita ng ganoon.
Napailing si Trina na tumapik sa balikat ko.
"Tama yan, hanggat kaya mo pa. Wag kang gumaya sa iba rito" aniyang ngiti.
Katulad ng dati ay masyadong abala sa club. Maingay, masikip, madilim at maraming kostumer dahil sa katapusan ng linggo, nagsasayang kasama ang mga kaibigan. Kahit ang gitnang dancefloor ay puno rin kahit ang sa itaas na lugar na para sa mga VIP ay punuan rin.
Halos manlata akong napaupo sa bangko pagkatapos ng shift ko. Nagtanggal ako ng stockings na suot. Napatingin ako sa ibang kasamahan kong nagbihis na rin.
"Uwi na Reece?" tanong ng isang tinanguhan ko. Naghilamos akong nagtanggal ng makapal na makeup. Nag suot ako ng pantalon, bakat pa doon ang pagkakasuot ko ng stockings na tanging ako lamang ang nagsusuot ng ganoon sa amin. Alam kong madaling mabastos ang klase ng trabaho namin.
"Reece, mauna na ako" paalam ni Trina.
"Nagmamadali ka ba?" tanong ko sanang sasabay na sa labasan.
"Oo eh, may raket akong kasunod" aniyang tinanguhan ko na lamang. Naintindihan ko siyang kailangan niyang kumita ng ekstra dahil sa pangangailangan din sa pamilya.
Lumabas akong dumaan sa staff exit. Halos alas tres na ng madaling araw.
"Ingat Reece"
"Salamat kuya" sagot ko sa guard.
Napakapit ako sa dyaket kong suot, ramdam ko ang hamog. May mga ilang kostumers na rin na palabas ng club, ang ilan pasuray suray na rin sa kalasingan. Napailing ako, maswerte silang pwede silang magsaya o mag aksaya ng perang ganyan. Sa akin bawat sentimo ay mahalaga.
*
Itinabi ko ang perang nakuha ko mula sa trabaho. Medyo malaki ang ekstrang kita ko ngayon sa tip mula sa ilang kostumer. Inilagay ko iyon sa kanya- kanyang envelop, ang ipon ko para sa pangangailangan namin sa bahay, para sa mga kapatid ko, at sa gamot ni Lola.
May ilang oras pa ako para makapagpahinga bago pumasok sa eskwela.
*
"Pwede bang gawin ko na lang ito sa bahay?" akma kong patayo.
"Reece hindi pwede, group reseach yan. Kailangan nating mag group study at brainstorming" kontra ng isang kaklase ko. Napanguso ako, mahuhuli ako sa pagpunta sa condo ni Sir Landon para maglinis. Kailangan kong maglinis doon habang nasa opisina pa siya.
"Matagal ba yan?" tanong kong muli sumunod sa kanila.
"Magmi meeting muna tayo then paghahatian natin ang project" sagot ng isa.
Halos takbuhin ko ang sakayan ng dyip pagkatapos, lagpas ala una na ng hapon. Kailangan kong matapos iyon ng agaran.
"Magandang hapon Kuya" bati ko sa guard.
"Ikaw pala" anilang bati pabalik.
"Maglilinis lang po" sagot kong nag abot muli ng ID sa kanila. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik dito para magligpit, may mga araw na nadadatnan ko si Sir Landon at may mga araw naman na nadadatnan niya akong patapos na. Alam kong mas convenient para sa kanya ang tapos na ang paglilinis ko bago pa siya makauwi.
Minadali kong naglapag ng bag, pansin ko ang kalat sa kusina at sala. Nagpalit ako ng tshirt at naglagay ng apron, ipinusod ko rin pataas ang buhok ko. Makalat katulad ng inaasahan ko ang unit niya.
Isa isang kong inilagay ang kalat sa itim na plastic. Kailangan kong matapos bago mag alas singko ng hapon.
Hinugasan ko na rin ang ilang hugasan sa lababo at nag vacuum ng alikabok at nagligpit ng kalat na gamit sa sala.
"Y-you're here" mahinang boses sa likuran kong ikinagulat ko. Si Sir Landon na nakapajama pang suot at gusot gusot ang buhok.
"Uh, sorry po Sir, hindi ko po alam na naandito kayo" hingi ko ng paumanhin.
Hindi ito umimik na nilagpasan ako patungo ng kitchen.
"Nagising ko po ba kayo?" tanong kong napatingin sa orasan. Mukhang hindi siya pumasok sa opisina.
Hindi siya umimik na kumuha ng pitsel at nagsalin ng tubig.
Pansin ko ang sandaling pagkaputla niya ngunit medyo namumula ang pisngi.
"Uh, okay lang po ba kayo?" tanong kong lumapit ng kaunti.
Umiling lang ito na halos nanginig na ibinaba ang baso. Napahawak ako sa kanya.
"M-mainit po kayo" ani kong inalalayan siyang maupo.
"Okay ka lang Sir?" tanong kong muli ng ibinaba ko na ang hawak kong duster.
Napapikit itong umiling. Hinaplos ko ang noo niyang may mataas nga siyang lagnat.
"Naku Sir, mukhang nilalagnat kayo" ani ko.
"I want to rest" aniya patayo ngunit parang mabubuwal kaya inalalayan kong papunta sa kwarto niya. Inilagay ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Cold" aniyang muli habang tinutulungan kong mahiga sa kamay.
"Mukhang nilalagnat po kayo, sandali iaadjust ko ang AC ninyo"ani kong humiwalay sa kanyang inadjust ang lamig ng kwarto. Napatingin ako muli sa kanyang nagbalot ng sarili sa makapal na comforter.
"Uminom na po kayo ng gamot?" mahinahong tanong ko.
Umiling itong nakapikit.
Pumasok ako sa banyo niyang hinanap ang medicine cabinet.
"May laman ba ang tiyan mo, kumain ka po kanina?" tanong kong hawak na ang paracetamol.
Hindi siya umimik na nagtalukbong lang.
Napabuntong hininga akong bumaba.
Mukhang kahit ang ref niya ay wala ring masyadong laman bukod sa ilang instant noodles, isang balot ng manok at ilang gulay.
Kumuha ako ng tubig at biscuit.
Inakyat kong nakabalot pa rin siya ng kumot. Hinaplos ko ang noo niyang mainit parin.
"S-sir Landon" tapik kong dumilat siya ngunit pumikit muli.
"Sir, kailangan mong uminom ng gamot pero kailangan mo rin kumain muna kahit ito lang" tukoy ko sa biscuit ngunit umiling lang ito tanda ng pagtanggi.
"O sige Sir, itong gamot na lang po muna" ani kong medyo nanginginig siya. Dumilat siyang sinubo ko ang paracetamol at inalalayan siyang uminom ng tubig at saka siya humiga muli ng ayos.
Hinaplos kong mataas talaga ang lagnat niya kaya kumuha akong thermometer para makasiguro.
"Sir, itstseck ko lang po ang temp mo" tapik ko ng kaunti.
Ikinabit ko ang iyon sa bandang kilikili niya. Hindi nga ako nagkamaling lagpas 39 c iyon.
Kumuha ako ng tubig at bimpo.
Inilagay ko iyon sa noo niya.
Nanginginig siya ng kaunti marahil dala ng taas ng lagnat niya.
"Sir, gusto mo bang magpadala sa ospital?" mahinang tnaong ko ngunit umiling ito, kumuha uli ako ng isang bimpo para sa leeg at kamay niya. medyo namumula pa ang pisngi niya.
"C-cold" aniyang kinumutan ko saglit. Pinagpalit palit ko ang bimpo para sa noo niya. Pinatay ko na rin ang AC.
Pinalitan ko ang comforter ng kumot. Lalong makukulob ang init sa kapal ng comforter.
"Palitan natin" bulong kong hindi naman siya nagprotesta. Inilagay kong muli ang bimpo sa noo niya at ipinunas ang isang leeg at pingi niya ganundin sa bandang kilikiling isinuksok ko sa loob ng tshirt niya. Tinanggal ko ang medyas niyang suot.
"Mamya po eepekto ang ang gamot" mahinang wika kong ipinagpatuloy ang gawa ko.
Kumuha ako ng panibagong tshirt niyang pamalit.
Ibinalik ko ang bimpo sa noo niya. at saka siya kinumutan muli.
Nakapikit siyang marahil nakatulog. Hinaplos ko ang noo niyang mainit pa rin.
Bumaba ako sa kusina, hindi ako mapakaling tinawagan ang numero ni Mam Cielo ngunit out of reach din, wala rin akong numero ni Lance.
Kailangan niyang uminom muli ng gamot maya maya.
Sinilip ko siyang tulog na tulog na kahit may bimpo pa rin sa noo.
Hindi ako makaalis, halos maghahapunan na. Nagluto ako ng kung anong laman lamang ng ref niya. Isang simpleng sopas.
Umakyat akong muling dala iyon kasama ng susunod na ganot niya.
"S-Sir" tapik kong mahina lamang itong umungol.
"Sir Landon" tapik kong marahan itong dumilat.
"Kailangan niyo po kasing kumain para makainom ng gamot" ani kong pumikit itong muli.
"Sir Landon" tapik kong muli na hinaplos ang noo niya, medyo mainit pa rin siya ngunit mas mababa na kaysa kanina. Hinawi ko ang kumot na pansin kong medyo pawisan siya ng kaunti.
"Naku Sir, kailangan niyo pong magbihis uli" ani kong kumuha ng bagong tshirt niya. Dumilat naman siyang medyo hapong umupo ng kaunti. Itinaas ko ang kamay niyang dahan dahang inalis ang tshirt niya, halata pa sa mukha niya ang hapo, ibinigay ko ang bihisan niyang isinuksok ko sa bawat manggas ganundin sa ulunan niya.
"Ops, sandali po wag ka munang humiga" saway kong kinuha ng mangkok ng mabilisan.
"Kumain ka muna" ani kong abot iyon sa kanya. Medyo malamlam pa ang mata niya halata ang panghihina.
Kinuha ko ang kutsarang inamba ng subo sa kanya, tinanggap niya iyon.
"Isa pa po" ani ko pang muli.
Umiling ito pagkatapos ng subong iyon.
"Sir, konti pa" ani kong halos nakalahati na niya ng mangkok.
Kumuha ako ng tubig na inalalayan siyang uminom kasama ng gamot.
"T-thank you" aniyang humiga muli. Kinuha ko ang bimpong inilagay iyon muli sa noo niya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Gusto mo bang magpadala sa ospital?" tanong kong umiling ito.
"Hindi ko makontak si Mam Cielo eh"ani kong umiling ito.
"They're out of town" mahinang sagot niya.
"Thank you Reece, pwede ka ng umuwi" aniya pang muli.
"Hintayin ko lang pong bumaba ng kaunti ang lagnat mo" sagot kong hindi ito umimik.
Pinalitan ko ang bimpo niyang inilagay iyon muli sa noo niya.
Pumikit itong tumagilid.
Ibinalik ko ang thermometer ngunit medyo mataas pa rin ang lagnat niya. Hindi ko siya pwedeng iwan.
Tulog siyang hindi pa rin bumaba ang lagnat. Binanyusan kong muli siyang basang bimpo, binihisan at pinainom ng gamot.
Akmang patayo ako ng marinig kong mahina itong umungol, marahil dala ng taas ng lagnat niya.
"D-Don't l-leave me p-please" aniyang parang nagdedeliryo.
Hinaplos ko ang noo niyang mainit pa rin. Lagpas hatinggabi na rin, at inaantay ko pang makainom siyang muli ng gamot ng isa pang beses.
Naglagay akong muli ng panibagong bimpo.
Hinaplos ko ang noo niyang bumaba na ng kaunti ang lagnat niya.
Napainat ako, hindi na ako nakapasok sa part time ko. Sumandal ako sa sofang pumikit at dinala ng antok.
***