Landon and Reece 5

1785 Words
“Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage.” ― Lao Tzu *** Naalimpungatan akong nakahiga sa sofa na may balot ng kumot. Napabangon ako, sinilip ko si Sir Landon na nakahiga at balot pa rin ng kumot. Hinipo ko ang noo niyang mababa na ang kanyang temperatura. Iniligpit ko ang ilang kalat na ginamit ko sa pagbanyos sa kanya. Alas otso na rin ng umaga, kailangan kong makaalis din bago magtanghali, may klase ako at shift sa library sa hapon. Inayos ko ang ilang gamit sa bahay niya, pansin ko ring walang laman ang ref niyang nasip ko na rin bumili sa kalapit na supermarket. Bumili na rin ako ng prutas, at gulay. Nagluto rin ako ng agaran. "U-uhm" boses sa likuran ko. Nagliligpit ako ng gamit na palabas na. "Sir!" bati ko. "Kamusta na po?" "I'm better, salamat" aniyang mas maaliwalas na ang mukha kaysa kahapon. "Mabuti naman po, pasensiya na po kayo hindi na po ako magtatagal. May klase po kasi ako ngayon" paalam kong hawak ko na rin ang bag ko. Napatingin siya sa mesa. "Nagugutom po ba kayo? nagluto po ako ng may sabaw diyan tapos may kanin din po sa rice cooker ninyo" ani ko. "Naggrocery ka? walang laman ang ref ko" aniyang papunta ng kitchen. Napatingin siya sa prutas sa mesa. "Eh opo, konti lang naman yung pang ngayong araw lang na ito" sagot ko. Napatingin ako sa orasan ko. "Mauna na po ako" paalam kong muli. "Wait, Reece" aniyang lingon sa gawi ko. "I don't have cash right now, iaabot ko na lang ang bayad mamya, padadaanin ko ang sekretarya ko sa tinutuluyan mo" aniyang lumapit sa gawi ko. "Ho? okay lang po, kahit sa susunod na lang na punta ko dito" sagot kong umiling ito. "Salamat pala, thank you for taking care of me last night" aniyang muli. "Walang anuman Sir, hindi ko ho kasi makontak ang Mommy ninyo at wala rin akong numero ni Lance" sagot ko. Napakunot noo ito. "Magkakilala po kami ni Lance, kasi sa Nursing Department po ako. Magkatabi lang po ang building namin sa University" paliwanag ko. "Salamat uli... pasensiya ka na at naabala ko. I'll repay you next time" aniyang muli. 'Naku Sir, okay lang po... kung medyo masama pa rin po ang pakiramdam ninyo o bumalik  ang lagnat ninyo magpatingin na po kayo sa doktor baka po kailangan ninyo ng antibiotics" ani ko pang muli. Tumango ito. "Thanks again" aniyang muli. "Opo, mauna na po ako" sagot ko. * "Hindi ka nakapag aral no?" sambit ng kaklase ko. Umiling ako. "Halata naman, ang tagal mong nagpasa ng papel, kasi madalas kase ikaw ang unang natatapos tuwing may exams tayo" aniyang sinabayan ko palabas. "Nahirapan nga ako sa exams" hinga ko ng malalim. Hindi ako nakapag aral, dagdag pang puyat ako kagabi. Pabagsak akong humiga sa kama. Marami akong kailangang tapusin na gawa sa University. Hindi pwedeng bumaba ang grades ko, malaking tulong ang pagiging scholar para sa akin. Naalimpungatan  akong nagising sa buzzer sa pinto. Wala pa rin si Noreen na umuwi ng Laguna. "Sino po sila?" tanong ko sa medyo may edad ng babaeng may dalang groceries "Hinahanap ko si Reece" aniyang napakunot noo ako. "Ako po iyon" "Ako si Annie, sekretarya ni Sir Landon" aniyang lahad ng kamay. "T-tuloy po kayo" papasok ko sa maliit na apartment na tinutuluyan namin ni Noreen. Lumibot ito ng tingin. "Hindi na ako magtatagal Reece, iaabot ko lang ito, ipinapaabot ni Sir Landon" aniyang lapag sa isang malaking basket na puno ng groceries. "Po?" ani kong naalala nga ang sinabi ni Sir Landon. "Bilin kasi niya ito,eh medyo masama pa ang pakiramdam kaya di niya madala ng personal" aniyang abot kasama nun ang isang box ng tsokolate at cake. "Naku Ma'am, parang sobra naman po yata ito, konti lang naman ang binili kong pagkain sa bahay niya" tanggi ko. "Hindi ko po ito matatanggap" ani ko pang umiling ito. "Naku Reece  tanggapin mo na... magagalit kasi si Sir sa akin kapag nalaman niyang hindi ko naibigay sayo ito" aniyang halos pakiusap. Napabuntong hininga ako. "Pakisabi na lang po salamat" sagot kong napabuntong hininga. "Okay, eh ganun talaga si Sir, mukhang masungit lang pero may bait namang itinatago lalo na kung napakitaan mo ng maayos, ayaw kasi niyang nagkakaroon ng utang sa ibang tao" aning muli ng sekretarya ni Sir Landon. "Pakisabi na lang po, salamat. Papaano niyo nga po pala nalaman ang address ko?"tanong ko. "Pinatawagan sa akin ni Sir ang Lola mo" tugon niya bago nagpaalam. Binuksan ko ang nasa basket. Puno iyon ng groceries, at mukhang imported pa ang ibang nakasalansan doon. * "Galante ng boss mo" tawa ni Noreen na pinapapak ang mga tsittsiryang kasama ipinadala ni Sir Landon. Napangiti ako ng tipid. "Ang mamahal kaya nito, ganito ang mga pasalubong ni Papa" aniyang muli na nagbukas ng tsokolate. Napatango akong itinuloy ko ang gawa ko. "Gwapo ba?" pangungulit ni Noreen. "Mas gwapo kay Lance o Migs?" ani ni Noreen na tumabi pa sa akin. Napatawa ako. "Magtigil ka Noreen" saway ko. Hindi pa siyang nakuntento at lalong idinikit ang katawan sa akin na nangungulit. "Pihadong gwapo yun, eh si Lance nag makalaglag panty na eh, siguro ganundin ang kuya" aniyang muling napailing akong natawa sa komento niya. "Ano teh, gwapo nga?" tanong muli ni Noreen na isinara pa ang librong hawak ko. "Noreen!" "Hmp, sagutin mo muna ako, gwapo?" aniyang muli. Napakunot noo ako. "Gwapo nga ba? eh oo... may hitsura, matangkad matangos ang ilong, basta yun hindi ko maipaliwanag eh, kaya lang nakakatakot, kasi mukhang istrikto, masungit...yun parang hindi marunong ngumiti," ani kong binuklat muli ang librong hawak ko. "Oh, ganun? parang yung mga bida sa romance novel yan ah, ayie!  nakakinlove kaya ang ganon teh" aning tili ni Noreen na napailing ako. "Ewan ko sayo" sagot kong natatawa sa kanya. "Teh, baka siya na ang hinihintay mo!" tukso niya. "Naku magtigil ka, wala akong panahon sa ganyan. Wala na nga kong panahong kumain at matulog ng ayos, hahanap pa ako ng isang iuuntog ko sa ulo ko" sagot kong napanguso ito. "Marami akong problema para magisip pa ng ganyan, kailangan ko lang makatapos na agad para makapag abroad, yun! yun ang sasagot sa problema ko, okay?" ngiting sagot ko. "Hmp! KJ ka kamo" irap niya. "Nga pala, uuwi ka ba sa weekend?" tanong niyang tinanguhan ko. "Oo, hinahanap ka ng bunso ninyo" aniyang napangiti ako. "Uuwi ako, babalik din ako kinabukasan" sagot ko. "Iuwi mo na ang iba dito, hindi naman ito mauubos, tsaka matutuwa mga kapatid no dito" aniyang tinanguhan ko. * Bumalik ako sa condo ni Sir landon pagkatapos ng dalawang araw. Nagligpit ako at nagsalang ng ibang labahin niya. Mabilis ko ring natapos ang gawa ko. "Sir" bati ko ng palabas ako ng unit niya. Ngumiti naman ito at bumalik sa pagiging seryoso pagkatapos. "U-uhm, Salamat nga po pala sa ipinadala ninyo" ani kong tumango ito. "Okay na po kayo?" tanong kong muli. "Yeah, okay na ako... tapos ka ng naglinis?" tanong niya. "Opo, tska nakapagsalang na rin po ako ng labahan ninyo, yung iba po naplantsahan na" ani ko pang muli. Napatango naman ito. "Mauna na po ako" paalam ko. Naging ganoon ang routine ko sa isang linggo, mga tatlo o apat na beses akong maglilinis sa condo ni Sir landon. Ilang oras lang naman ang bubunuin ko doon, may klase ako sa umaga at nag tratrabaho bilang library assistant at part time sa gabi. * "Salamat Reece ha" ani ni Mam Cielo. Nagpatulong siyang magpagawa ng buko pie para isang dadaluhan nilang handaan. "Walang anuman po, magsabi lang po kapag kailangan niyo po uli ako" sagot ko. "Pasensiya ka na, request kasi ito ng isang kaibigan ko, naglilihi eh, ang Lola mo ang masarap gumawa nito. Hay, buti na lang marunong ka din" aniya pang muli. "Ayos lang po" sagot ko. "Mommy!" "Oh Lian" ani ni Mam Cielo na humalik ang anak. Napatingin siya sa akin na ngumiti. "Siya si Ate Reece mo" pakilala ni Mam Cielo "Hello" ngiti niyang kumaway saka bumaling agad sa ina. "Si Kuya ang sumundo sa akin" angkla ni Lian sa Mommy niya. "Asan ang Kuya mo?" tanong ni Mam Cielo. "Nasa labas Mommy, may kausap sa phone tapos-" "Lian!" baritonong boses sa likuran namin. "Oh Landon" "My" ani ni Sir Landon na umirap sa kapatid at saka humalik sa pisngi ng ina. Tumingin siya sa gawi kong napangiti ako ng tipid. "You're here" aniya. "Oo, nagpatulong akong gumawa ng buko pie para sa Tita Sophie mo" sabad ni Mam Cielo. "Yun Mommy, si Kuya kanina may kaaway na girl nang pauwi kami, hinarang yung sasakyan niya tapos-" ani ni Lian na halos takpan ni Sir Landon ang bibig nito. "Landon!" "Ang daldal mo" ani ni Sir Landon ng pilit na pumiglas si Lian. "Totoo naman eh" irap ni Lian na nagtago sa likuran ng ina. "I'm not lying Mommy, sabi pa nga ng girl panagutan daw siya ni Kuya" diretsong ani muli ni Lian na lalong ikinanuot noo ni Sir Landon. "Lian!" Si Sir Landon na sigaw. "Landon!" Saway naman ni Mam Cielo. Nagpunas ng kamay si Mam Cielo na nagpaalam saglit. "Kaya ganyan yan Mommy masyadong ninyong iniispoiled" rinig kong reklamo ni Sir Landon. "Hindi mo kailangang sigawan ang kapatid mo, tsaka anak pwede bang tama na yang gawa mo, pang ilang babae na yan, tandaan mo may kapatid kang babae" rinig kong ani ni Mam Cielo. Lumabas ng kitchen si Lian na sinundan ni Landon at Mam Cielo, rinig ko ang pagtatalo ng magkapatid. Napailing ako. Naisip ko ang mga kapatid kong lalake. Maigi na lamang at responsable sila lalong lalo na si Makoy na kumportable akong medyo malayo sa kanila, dahil alam kong kung gaano sila ka responsable. Alam niya ang sitwasyon namin na kailangan kong magtrabaho, at isang beses lang sa weekdays at weekend lang ako pwedeng umuwi ng probinsiya. Halos patapos na ang buko pie. Nagligpit ako ng gamit, at naisip kong magpaalam na rin. "Landon, isabay mo na si Reece" Si Mam Cielo na tinanggihan ko. Ayaw kong mang abala ng tao saka hindi naman kalayuan ang tinitirhan ko. "Naku Mam, wag na po" tanggi ko. "Reece, paalis na rin ang anak ko, sumabay ka na" pilit ni mam Cielo. "Bye Ate" kaway ni Lian na sumabay maghatid sa labasan. "Let's go" seryosong sambit ni Sir Landon na nakasunod. Wala akong nagawa kundi sumunod. Medyo nailang pa ako sa gara ng sasakyan niya. "Sir, baka po may lakad kayo, ihatid niyo na lang po ako sa sakayan" ani kong kumunot  ang noo niya. "I'll drop you off, ayaw kong magalit si Mommy sa akin" sagot niyang hindi ako nilingon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD