“Love looks not with the eyes, but with the mind,
And therefore is winged Cupid painted blind.”
― William Shakespeare, A Midsummer Night's Dream
***
"Mauna na ako Reece" paalam ni Trina.
Tumango akong kumaway. Nakaupo ako sa bangkong nagliligpit ng gamit. Nagtanggal na rin ako ng suot kong net stockings, at nagbihis. Medyo nakakailang ang suot kong maigsing palda, at hapit na blusa sa trabaho.
"Oh, Reece aalis ka na rin?" tanong ni Mamita.
"Opo" paalam ko. Tinanaw ko siya ng tingin na kausap ang isang kasamahan ko.
*
"Oh, ngayon ka lang?" medyo pagkusot ni Noreen na nagbukas ng pinto.
"Oo, nag overtime ako eh. Wala naman akong pasok ngayong umaga" sagot kong dumiretso sa banyo. Kailangan kong maglinis ng katawan.
"May almusal na diyan Sis, init mo na lang. Puyat din kasi akong nag aral, may klase at exams ako mamaya" aniyang dumiretso na sa kwarto.
Ramdam ko ang hapo at pagod. Halos nakalahati na rin ako sa unang semester ng klase. Konting tiis pa at tiyaga at makakaalis na rin ako sa club na iyon, makakapagtrabaho at mamuhay ng maayos.
Pagod akong nahiga na napatingin kay Noreen na mahimbing ng natutulog sa sariling kama.
Pumikit ako dahil kailangan ko na ring makapagpahinga at mag aaral pa. Kahit papaano ay napupunan ko ang kailangan namin sa pagtratrabaho ko club na iyon, sa pagiging scholar ko, at natatanggap na allowance mula sa eskwelahan. Tinantya kong kapag nasa kalagitnaan nang kolehiyo si Makoy ay tapos na rin ako sa pag aaral.
*
"I'll borrow this book"
Napatingala ako ng tingin.
"Sir Lance" bati ko. Ngumiti rin ako sa katabi niya.
"Lance, Reece" tawa ni Sir Lance. Napakamot ako ng ulo na nahiya, nakasanayan ko na siyang tawagin ng ganoon.
"Si Migs, hindi mo ba babatiin?" aniya sa katabi niya.
"Dude, stop it" ani ni Migs na ngumiti sa gawi ko.
"Don't mind him Reece, nagtritrip lang yan" ani pang muli ni Migs. Napatango ako kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya. Papaanong nangtritrip?
"Tss.. trip daw" sabad ni Lance.
"Mauna na ako pare, Reece" kaway ni Lance na nagmamadaling lumabas ng library. Naiwan si Miguel sa harapan ko.
"Anyway, I'll take this one" aniyang naglabas ng ID. Kinuha ko iyon mula sa kanya na humarap sa computer.
"Araw araw ba ang shift mo dito?" tanong niyang napatingala akong muli.
"Hindi naman po, depende sa sched ko" sagot kong napangiti siyang muli na kita ang maputi at pantay pantay nyang ngipin.
"Wag mo na akong pinopo, si Lance na lang ang po- po in mo" biro niya.
Napangiti ako ng tipid.
"Nasabi ko na ba sayong Nursing ang premed ko?" aniyang muli habang iniiscan ko ang librong hinihiram nya.
Tumango ako.
"U-uhm, kung may kailangan ka...I mean" aniyang tumingala akong muli ng tingin.
"I m-mean... may mga notes at libro kasi ako dati, baka gusto mong hiramin" aniyang diretso.
"Po?"
"I mean may mga hindi na akong ginagamit na libro at mga notes at review materials, baka gusto mong hiramin. Saka yung mga ibang referrals na study notes ni Dean Santiago-" aniyang pinanlakihan ko ng mata.
"Talaga?" ani kong napalakas ang boses na napatakip ako ng bibig. Mahirap magbigay ng exams ang Dean namin at maswerte ka na kung may makukuha kang notes mula sa seniors para makapag advance study.
Ngumiti siyang napatango.
"Talaga po?" ulit ko.
"Oo naman, hindi ko na ginagamit ang mga iyon, might as well give it to you kasama na ang ilang books ko at review materials" aniyang muli.
"Huh? Ah eh hindi na po yung books nakakahiya naman" tanggi ko. Alam kong mahal ang mga libro namin na kung minsan ay inoorder pa online.
"Nah, I'll give it to you" ani ni Migs muli.
"Naku hindi na Migs, okay na sa akin yung ibang review materials. Ipapa photocopy ko na lang" ani kong umiling ito.
"No, I insist besides hindi ko naman na talga iyon ginagamit, hindi mo na kailangang I photo copy pa" aniyang ngiti.
"Sigurado ka?"
"Oo naman, I'll meet you here tommorow" aniyang ngiting abot niya sa libro na nasa kamay ko.
"Nakakahiya man, salamat na rin" sagot ko.
"You're welcome, and wag mo ng tanggihan kahit yung libro" aniya bago nagpaalam.
Napangiti ako, kung sakali ay malaking tulong iyon sa pagaaral ko.
*
"Why are you in a hurry?" gulat akong napahawak sa dibdib. Nagmamadali akong lumabas ng condo ni Sir Landon.
"May trabaho pa po kasi ako" ani kong ng masalubong ko siya sa lift.
"This hour?" aniyang napatingin sa relo. Halos alas otso na ng gabi.
"Opo eh"
"Ah ganoon ba, okay ingat ka" aniya.
"Late ka Reece" ani ni Mamita na napasimangot.
"Pasensiya na Mamita, mag eextend na lang po ako ng isang oras" sagot kong umayon naman ito.
Nagbihis ako ng madalian.
"Shit...nakalimutan ko" bulong ko sa sarili.
"Anong nakalimutan mo?" tanong ni Trina
"Yung stockings ko" sagot ko.
"Reece!" ani ni Mamitang muli.
"Andyan na po" sagot kong nagmadaling magbihis.
Halos hilahin ko ang palda ko pababa sa igsi. Naglagay na rin ako ng makapal na make up. Medyo hapit rin ang blusa kong suot na halos masisilip na ang cleavage ko.
"Tsk!" inis ko sa sarili.
"Maglagay ka na lang ng panyo sa leeg" suhestiyon ni Tina.
Kumuha nga ako ng panyo para sa leeg ko.
"Reece!" si Mamita na salubong na ang kilay.
"Sorry po" ani kong napakunot noo ito.
"Tanggalin mo yang panyo Reece, hindi iyan ang uniporme ninyo" ani ni Mamita na nilagpasan ako.
Napabuntong hininga kong kumalma. Inilugay ko na lamang ang mahaba kong buhok.
Napailing si Trina kay Mamita na wala ring magawa.
"Mag ingat ka na lang sa VIP room baka makorner ka" aniyang nilagpasan ako.
Halos nailang ako sa bawat mesa na hinahatiran ko ng inumin, ang ilan pa sa kanila ay halos sadyain na hipuin ako sa hita.
"Bago ka dito no?" ani ng isa na humaplos sa hita ko. Umatras ako ngunit humawak siya sa palapulsuhan kong pinilit kong kumalas.
"Hindi po" sagot ko.
Halata sa mukha ng kostumer ang pagnanasa bumaba muli ang hawak sa binti ko. Umatras akong tinabihan ni Trina. Mas sanay si Trina sa akin sa ganoong klaseng kostumer.
"Ako na dito" aniyang napabuntong hinga ako. May apat na oras pa akong bubunuin.
Pagkatapos kong mag serve sa ibang mesa ay halos tumalilis akong makaalis. Karamihan sa kostumer nagyon ay mga lalake.
"Reece, pa akyat na naman ito sa itaas" ani ng bartender sa akin.
Kinuha ko iyon mula sa kanya.
Maingay sa loob ng kwarto na halos lahat ay kalalakihan.
"Whoah, sorry miss" ani ng isang mamang alam kong sinadyang mahipuan ako sa hita. Hindi ako umimik, sa hitsura niya ay halata ang kalasingan.
Inabot ko ang walang lamang bote para maialis sa mesa nila. Napatayo ako ng mabilisan ng mapansin ko ang nakakalokong tingin nila sa aking dibdib.
"Miss eto pa oh" ngisi ng isa.
Inabot ko iyon na hindi ako yumuko.
"Putik! Ang ganda na ng view kanina eh" bulong ng isa napailing ako ng irap.
Paalis na akong humarang naman ang isa. Isinangkalan niya ang isang kamay sa pinto. Rinig ko ang halakhakan ng mga kasama nito.
"Alam kong may extra service kayo dito" aniyang hawak ko mahigpit ang tray.
"Hindi ako kasama doon" sagot ko.
"How much?" aniyang umiling ako.
"Magkano? Kilala ko rin ang manager dito. Magkano ang isang gabi sayo? " aniyang bulong na lumapit pang amoy ko ang alak sa kanya.
"Solve ka diyan pare, ang kinis" rinig kong ani pa ng isa. Dapat sanay na ako sa ganitong senaryo ngunit mayroon pa rin sa akin ang manliit sa sarili.
"Sorry po, hindi ako kasama doon" ani kong lumusot sa nakaharang niyang kamay.
"Damn!" ani ng isa na nagmadali akong bumaba.
Minadali ko ang bumabang hindi ko na alintana ang kasalubong ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Trina na makarating kami ng counter.
"Oo" sagot kong napabuntong hininga. Napatingin ako sa orasan na parang gusto kong umikot ng mabilis.
"Reece, padala na lang ito" ani ng bartender naming muli. Order iyon sa itaas muli.
Napatingin ako ibang kasamahan kong abala rin sa kani kanilang trabaho. Wala akong choice kundi bumalik sa kwartong iyon.
Pagpasok ko pa lang ay kita ko ang kostumer na nakatitig sa akin, ngumiti siyang hindi ako umimik.
"Tulungan na kita" aniyang tumayo na humawak sa kamay ko sa ilalim ng tray. Paalis na sana ako ng napahawak siyang muli sa palapusuhan ko.
"Bitawan mo ako" ani kong humarang sayang muli sa daraanan ko sa pinto.
"Tell me how much, magbabayad ako kahit magkano. I want you for a night" bulong niyang halos kilabutan akong masyado na siyang malapit sa akin. Napatingin ako sa mga kasamahan niyang patay malisyang hindi nakatingin sa amin.
"Don't mind them, magkano?" aniyang muli na inilingan ko.
"Hindi ako kasama doon, magsabi po kayo sa manager namin marami siyang maiirerekomenda sa inyo" ani kong napaatras na nahulog ang hawak kong tray.
"Ikaw ang gusto ko" aniyang bumaba ang kamay na humaplos sa hita ko.
Pinalis ko iyon.
"Damn! You're playing hard to get Miss" aniyang itinulak ko iyon.
"Marami akong pera, kaya kitang bayaran!" aniyang medyo lumakas na ang boses, ramdam ko ang kaba. Umisod ako ng kaunti malapit sa pinto.
"Magkano?!" aniyang ipinihit ko ang serdura ng pinto at palabas na sana ng napahawak siya sa kamay kong muli.
"Bitawan mo ako!"
"Pakipot ka masyado! Alam ko ang trabaho mo dito!" aniyang pumiglas akong tinuhuran ko siya.
"Damn!" aniyang minadali kong makalayo. Ang lakas ng pintig ng puso ko.
"Damn it! You slut!" aniyang pasigaw na mas binilisan kong makatungo sa hagdan na bumangga ako sa matigas na bagay.
"Uhm, sorry po! Sorrypo!" ani kong nagmadaling umiwas ng humawak ang kasalubungan ko sa palapulsuhan kong muli.
" f**k!' mahinang mura ng kasalubungan ko.
Rinig ko ang tawag ng isang kostumer mula sa likuran ko.
"U-uh, sorry sir. Hindi ko sinasad-" ani kong napatingala ko ng tingin.
"Reece?" aniyang napalunok ako.
"S-sir landon" halos bulong ko.
"You work here?" aniyang napakunot noo. Napalunok akong ramdam ko ang kaba. Mahigpit din ang hawak niya sa palapulsuhan ko.
"f**k that slut!" Galit na sigaw mula sa likuran kong halos sabay kami ni Sir Landon na napatingin sa mamang lalaki na nakahawak sa tinuhuran ko kanina. Isang mahinang mura ang lumabas kay Sir landon.
***