"Love has nothing to do with what you are expecting to get, only with what you are expecting to give — which is everything." — Katharine Hepburn *** "Ate, yung telepono mo" abot ni Ringo sa telepono ko. Mga tawag iyon at mensahe galing kay Landon. Isinara ko iyon at bumalik sa pagluluto. Ayaw ko munang makausap o makatanggap ng kahit anong mensaheng galing sa kanya. Napaupo akong napatingin sa palapulsuhan ko, bakas pa doon ang higpit ng pagkakahawak niya noong magtalik kaming nasa bahay ng mga magulang niya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay maaga akong umalis ng bahay nina Mam Cielo. Hindi na rin ako nakapagpaaalam pa lalo na kay Landon. Ilang araw ko siyang iniiwasan. Gusto kong magkaroon ng sariling espasyo kahit sandali lang, makalaya sa kung anong meron kaming ugnayan, alam kong

