“Where are you going, baby doll?” tanong niya sa akin nang sinubukan kong bumaba sa kama. Pero nahawakan niya ang aking kamay at hinila niya ako pabalik sa kanya. Buong maghapon kaming nag-stay sa kanyang kwarto at nang tumingin ako sa labas, napansin ko na magga-gabi na. Isang napaka-amazing na brunch ang aming pinagsaluhan, tapos pinagsaluhan namin ang isa’t-isa buong hapon. Sa tingin ko mababali na yata ang aking balakang dahil wala siyang kapaguran. Napatawa ako at tinulak ko siya. Mabilis akong lumayo para hindi na niya ako mahuli at ikulong na talaga rito sa kanyang kwarto. “Daddy… Hindi mo ba nakita na gabi na? Baka dumating na si Klensy at maabutan na tayo ng ganito. Isa pa, wala akong nagawa ngayong araw. Dapat nagtatrabaho ako, pero kinulong mo ko rito sa kwarto mo.” bahagya si

