Maaga nga akong ginising ni Jeremy kinabukasan. Medyo nagulat nga ako nang magising ako at nakita ko siyang natutulog sa tabi ko. Nakalimutan ko na pinuntahan niya na naman ako kagabi at dito siya natulog. Ang sabi niya hindi daw siya makatulog na hindi ako katabi kaya pinagbigyan ko na lang. Matapos niya akong gisingin umisa pa nga siya sa akin na tinatawag na quikie. Syempre hindi na ako tumanggi, dahil gusto ko rin naman. Then, lumabas na siya ng kwarto pagkatapos niya akong bigyan ng matamis na halik. Binigyan niya rin pala ako ng isang concealer na kinuha niya palihim sa bag ni Klensy para maitago ko daw yong mga tsikinini sa aking leeg. Nakatulong naman ito na jiatago at hindi ito gaanong halata. Sana lang at hindi mahalata ni Klensy. Naihain ko na ang pagkain sa mesa nang marinig

