Para akong baliw na naglilinis ngayon sa kwarto ng aking lalakeng amo. Nai-imagine ko kasi lahat ng ginawa namin rito especially sa kanyang malambot at malaking kama. Ihhh! Ano ba! Kinikilig na naman ako! Hay naku! Marami pa akong gagawin kaya dapat hindi na ako nadi-distract ng ganito. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito. Masaya at kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Basta pag nakikita ko si jeremy, gusto ko kaagad na malapit sa kanya. Gusto ko siyang hawakan, yakapin, halikan at kung ano pa na pwede kong maisip. Lagi na lang akong sabik sa kanya at siya na lang ang iniisip ko araw-arw na hindi dapat healthy para sa akin. Hindi dapat ako nagiging ganito sa isang lalake lalo na at wala namang kasiguraduhan ang aming relasyon. Ang sabi niay seryoso siya na boyfriend ko

