Malakas akobng bumuntong hininga habang nakaupo ako sa kama at kaharap ko ang isang TV kung saan may movie na palabas. Pero hindi ko naman ito pinapansin at nakatulala lang ako. Kasi naman! Hindi ako sanay sa ganito na walang ginagawa! Matapos akong dalhin ni Jeremy dito sa ospital kahapon, hindi pa ako pinapauwi. Siya ang nagbantay sa aking buong gabi hanggang umaga. Kanina lang ay umalis siya at nagpaalam sa akin na may kakausapin lang siya at kukunin. Okay naman ang pakiramdam ko pero in-explain na sa akin ng doctor na isa sa mga kaibigan pala ni Jeremy na kumplikado pag natamaan ang ulo. Kaya hindi ko alam kung kailan pa ako makakauwi. Nahihiya na rin kasi ako kaya medyo naiilang ako sa sitwasyon ko ngayon. Sino ba namang maid ang mananatili sa isang private room at inaalagaan pa ng

