Napangiti ako nang makapasok ako sa sarili kong kwarto dito sa mansion. Huminga ako ng malalim at agad akong umupo sa aking kama. Ilang araw na akong nakauwi sa ospital at gumagaling na rin ng maayos ang sugat ko sa aking noo. Naalis na nga ang tahi nito at bumalik na rin ako sa aking pagtatrabaho. Pero lihim ko itong ginagawa dahil inutos sa akin ng aking amo na magpahinga lang ako. Pinayagan niya ako na ipagluto sila kagaya ng aking request. Ayaw niya akong maglinis, at gawin ang mag tasks ko dito sa bahay kahit magaling na ko. Eh, hindi ako sanay na walang ginagawa at ilang tatlong araw din kami sa ospital kaya. Gusto kong gumalaw at ito lang ang alam kong paraan. Isa pa, hindi niya ako pinabalik sa aking kwarto. Hinanda niya ang isang guest room para sa akin na kalapit lang ng kanyan

