CELINE FRANCISCO )
Hindi maiwasan ni Celine na hindi pagmasdan ang likot ng binata na nasa kanyang harapan.
Habang tinitigan niya ito ay hindi niya maiwasan mamangha sa lapat at tikas ng pangangatawan nito.
"Nakikinig ka ba?"
Bigla na lang natauhan si Celine ng malakas na boses ang bigla na lang niya narinig sa kanyang harapan.
"A-ah.. Sorry. Ano nga ulit ang sinasabi mo?" Tanong ng dalaga.
"Kunin mo yan at isama mo yung mga bata. Susunduin ko kayo sa mansion bukas ng hapon." Agad na napatingin si Celine sa binata."
Habang pinang mamasdan niya ito ay agad na rin ito tumalikod sa dalaga at unti-unti naman lumayo mula sa kanyang kinatatayuan.
"Sir..!?" Tawag ni Celine dito.
Agad naman tumingin ang binata sa dalaga ng tawagin siya nito.
“May sasabihin ka pa ba?” Tanong ni Enzo kay Celine.
Habang hinihintay ng binata na sumagot si Celine ay agad naman nito napansin na para bang, wala na itong balak magsalita sa kanyang harapan. Nang dahil doon ay muling tumalikod ang binata at iniwan na lang si Celine sa kanyang kinatatayuan.
Nang dahil sa ginawa ni Enzo kay Celine ay napa buntong hininga na lang ang dalaga, habang nakatingin kay Enzo na papalayo sa kanyang harapan.
Nang hindi na mapansin ni Celine ang binata ay siya naman pagpasok niya sa loob ng tinutuluyan nila ni manang Lupe.
Pag pasok pa lang ni Celine sa loob ng kubo ay agad niya napansin si manang Lupe na nag aahin na sa hapag kailan.
"Nay tulungan ko na po kayo." Wika ni Celine.
Agad na lumapit si Celine sa matanda upang kunin pa ang iba pang mga ulam na malapit sa kalan.
Habang inililipat ng dalaga ang lahat ng ulam sa lamesa ay bigla na lang tinawag ni nay Lupe ang kanyang pangalan.
"Celine…"
Agad naman napalingon ang dalaga dahil doon.
"Bakit po.?"
May lakad kayo ni Sir. Enzo. Tama ba." Bigla na lang napaisip si Celine dahil sa sinabi ng matanda na nasa kanyang harapan.
"Opo, Nay Lupe." Wika ng dalaga kay Nay Lupe.
Habang nakatingin pa rin si Celine sa matanda ay hindi niya maiwasan isipin, kung paano nito nalaman na sinabihan siya ng binata na may lakad sila bukas.
At dahil sa malalim na pag iisip ni Celine ay muling ng salita si manang Lupe, na nasa kanyang harapan.
"Hindi mo kailangan mag taka ng ganyan Celine, pinang paalam ka ni Sir, Enzo sa akin. Kung kaya alam ko na may lakad kayo bukas." Wika ni Manang Lupe kay Celine.
"Pero na bisita mo na ba yung pamilya mo Celine?" Tanong ni Manang Lupe sa dalaga.
"Hindi pa po ako nakaka bisita sa amin." Wika ni Celine sa matanda.
"Kung ganun ay bisitahin mo muna ang mga magulang mo Hija. Bago kayo umalis ni Sir. Enzo dito sa Villa."
Agad naman na tumango si Celine kay manang Lupe, matapos nito na paalalahanan siya na dalawin ang kanyang mga magulang kinabukasan.
Habang kumakain sila Celine at manang Lupe ay isang katok ang bigla na lang nilang narinig mula sa labas ng kanilang pintuan, agad naman nagkatinginan ang dalawa dahil sa katok na kanilang narinig ng dahil doon ay mabilis tumayo sa kanyang upuan si Celine at nagtungo sa pinto.
Ngunit bago pa man siya makalapit sa pintuan ay agad na tinawag ni manang Lupe, ang kanyang pangalan.
"Celine. Teka lang ako na ang mag-bukas ng pinto."
Nang sabihin yun ni manang Lupe ay mabilis na tumayo ito at nagtungo sa pinto, at ng dahil sa wala na rin nagawa si Celine ay agad na rin siya bumalik sa lamesa upang ipang patuloy ang kanyang pagkain.
“Celine..” Tawag ni manang Lupe sa dalaga, habang tahimik na kumakain ito sa hapag kainan.
Nang dahil sa sa narinig na boses ng dalaga ay agad na tumingin ito sa kanyang likuran.
“Nay.?” Bakit po.” Wika ni Celine, Pagharap nito.
“Nandito si Sir. Enzo.” Bigla nalang kumunot ang noo ng dalaga ng sabihin ng matanda, kung sino ang taong kumakatok mula sa pinto ng kanilang tinitirhan.
Agad na tumayo si Celine sa kanyang kinauupuan ng mapansin niya ang binata sa likod ni manang Lupe.
"Sir.? Bakit po na pabalik kayo?" Tanong ni Celine sa binata ng makita niya ito.
"May gusto lang akong sabihin sayo." Tinitigan ni Celine ang binata, habang hinihintay nito ang sasabihin nito sa kanya.
"Nakalimutan ko lang sabihin sayo na magbaon ka ng makakain para bukas." Wika nito sa kay Celine.
Nang marinig ng dalaga ang mga sinabi ni Enzo ay ganun nalang ang kanyang pagtataka. Kung bakit nagpunta pa si Enzo sa kanila upang sabihin ang mga bagay na iyon. Kung pwede naman sabihin nito bukas ng umaga.
"A-ah. Sir. Yan lang po ba ang pinunta ninyo dito?" Tanong ni Celine kay Enzo.
Habang pinang mamasdan ni Celine ang binata ay kitang kita naman nito ang biglang pamumula ng mukha at maging ang tinga nito ay napansin ni Celine na namumula rin.
"Oo. Yun lang naman ang pinunta ko rito, nakalimutan ko kasi sabihin sayo bago ako umalis."
Mas nagtaka si Celine sa sinabi ng binata sa kanya.
"Pwede naman nito itawag yun sa cellphone, pero bakit nagtungo pa ito dito." Wika ni Celine sa kanyang isipan.
"Sige. Mauuna na ako, yun lang naman ang gusto ko sabihin sayo."
Matapos sabihin yun ni Enzo sa dalaga ay agad na rin ito nagpaalam sa dalawang babae na nasa kanyang harapan.
May pagtataka man sa mga mukha ng dalawa ay isinawalangbahala na lang ng mga ito ang naging reaksyon ng binata sa kanilang harapan.
Nang makaalis na ang binata ay agad na rin ng paalam si Celine kay manang Lupe, upang magpahinga na rin ito.
Kinabukasan ay agad na rin naghanda si Celine sa lahat ng kailangan niya dahil sa kanilang lakad ni Enzo.
Ngunit habang ng aayos ay bigla na lang pumasok sa loob ng kwarto na kanilang hinahangaan si manang Lupe.
"Hija. Anong oras ba, Ikaw pupunta kila Sir. Enzo?" Tanong ni Manang Lupe kay Celine ng nasa harap na ito ng dalaga.
"Mga hapon pa naman po Nay Lupe. Yun po kasi ang sabi ni Sir. Enzo kagabi bago siya umalis." Wika ni Celine.
"Kung ganun hija. Puntahan mo muna ang iyong mga magulang sa inyo. Para kahit papaano alam nila na nasa maayos ka lang."
Nang sabihin ni manang Lupe yun ay agad rin naman nagpaalam si Celine dito.
"Nay Lupe, pwede po akong umalis ngayon?" Tanong ni Celine dito.
"Hija. Kung pupuntahan mo ang mga magulang mo. Sige lang pwedeng pwede, basta bumalik Ka lang ng maaga alam mo naman na may lakad pa kayo ni Sir, Enzo. Sige na ako na bahala sa mga dadalhin mo mamaya."
Matapos ng mga sinabi ni Manang Lupe kay Celine ay agad na rin ito umalis upang makabalik din ito ng maaga.
Habang nasa harap ng bahay ng mga magulang ni Celine ang dalaga ay mga boses ng kanyang mga kapatid ang una niya narinig at ng dahil doon ay mabilis na kumatok si Celine sa pintuan ng kanilang bahay ang dalaga. Habang naghihintay ay na buksan ang pintuan ay isang boses ang kanyang narinig.
"Sino yan?" Tanong ng isang boses na nasa loob ng bahay.
"Tay..! Ako po ito si Celine." Wika ng dalaga ng marinig nito ang boses ng kanyang ama.
Nang bumukas ang pintuan na nasa kanyang harapan ay isang maaliwalas na mukha ng kanyang ama ang bumungad sa kanyang harapan.
"Tay. Kamusta po kayo " Tanong ni Celine sa kanyang ama.
"Maayos naman kami dito anak." Agad na niyakap ni Celine ang kanyang ama.
Habang nasa harap ng hapagkainan sila Celine ay hindi maiwasan ng kanyang mga magulang na magtanong ng magtanong ang mga ito. Kung maganda ba sa Manila at Kung ano ano pang mga tanong ang gustong malaman ng kanyang mga kapatid.
Nang matapos kumain ang lahat ay ilang minuto pahinga ang ginawa ni Celine upang bumaba ang kanyang kinain.
Matapos na makapag pahinga ang dalaga ay agad na rin ito nagpaalam sa kanyang mga magulang upang makabalik sa Village na pag mamayari ng mga Multi Falco.
"Tay……Sige ho. Mauuna na Tay." Paalam ni Celine sa kanyang ama.
Nang bubuksan na ng dalaga ang pintuan ng kanilang bahay ay isang katok ang narinig nila mula sa labas.
Agad na lumapit ang ina ni Celine upang pagbuksan nito ang tao na nasa labas.
Nang tuluyan na bumukas ang pintuan ay ganun na lang ang kanyang gulat ng makita ni Celine, Kung sino ang nasa pinto.
"Si-sir. Enzo? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Celine sa binata na nasa kanyang harapan.
"Nandito ako para sunduin ka, diba may lakad tayo." Wika ni Enzo sa dalaga.