Chapter 10

1028 Words
CELINE FRANCISCO ) Seryosong pinang mamasdan ni Celine ang binata na seryoso din nakikinig kay Chino na habang ipinapaliwanag nito ang nilalaro nila ng mga bata. Matapos e-explain ni Chino ang lahat sa binata ay agad nito inaya ang binata na makipaglaro sa kanila. "Kuya. Ano gusto mo bang sumali sa amin nila ate Celine na makipaglaro?" Tanong ni Chino sa binata na bakas sa mukha nito na naguguluhan pa sa mga sinabi ng bata. Nang dahil sa nakikita ni Celine sa mukha ni Enzo ay agad na nagsalita ito, at tinanong kung kailangan pa nito na ulitin ang mga ipinaliwanag dito. “Sir. Gusto mo ba na ulitin ko ang mga ipinaliwanag ni Chino sa inyo na tungkol sa laro.” Wika ni Celine sa binata. “Hindi na kailangan mukhang alam ko naman laroin yang laro na yan." Wika ni Enzo kay Celine. "Kung ganun kuya sali ka samin maglaro." Sagot ni Chino sa binata. Habang hinihintay na sumagot sa tanong si Enzo ay Isa-isa naman ito tumingin sa mga bata na nasa karapan nito. "Sasali ka ba kuya?" Tanong muli kay Enzo ng isang bata. "Okay. Makikipag laro ako sa inyo." Nang dahil sa sinabi ni Enzo sa mga bata ay agad naman nagtatakbuhan ang mga bata at naag kanya kanyang pulot ng mga chinilas ang mga ito. Habang si Chino naman ay agad na pinulot ang lata upang itayo ito sa lupa at gumuhit ng isang bilog dito. Nang maayos na ang lahat ay agad na rin lumapit ang mga bata upang luminya sa guhit, ng maayos na ang mga ito ay sabay sabay na tumingin ang mga bata kay Enzo upang ipaalam na handa sila sa laro. Nang maintindihan ni Enzo ang mga tingin ng mga bata ay agad na rin siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan at nagtungo na rin siya sa mga bata. Nang makalinya na rin si Enzo ay bigla na lang nagtatawanan ang mga bata sa kanyang tabi ng dahil sa mga tawanan ng mga bata ay agad na napalingon si Enzo sa mga bata at kay Celine na maging ito ay hindi maitago ang kanyang mga ngiti sa kanyang labi. “Bakit? Anong nakakatawa.” Wika ni Enzo. Habang nakatingin kay Celine. “Sir. Mali kasi ang puwisto niyo.” Wika ka ni Celine sa binata. “Saan ba dapat ako.” Tanong ni Enzo sa dalaga at maging sa mga bata. Nang dahil sa tanong ng binata sa mga ito ay mabilis naman itinuro ng mga bata, kung saan nga ba dapat ito nakatayo. Nang sabay sabay na itinuro ng mga bata, kung saan nga ba dapat ito naka puwisto ay mabilis na umalis sa kanyang kinatatayuan si Enzo at nagtungo ito agad sa lugar, kung saan itinuro ng mga bata. Habang nakapwesto na ang lahat ay agad na inaangkat ng mga bata ang kanilang mga chinelas upang ihanda sa pag bato ng mga ito sa lata na nakatayo. Nang magsimula ng ihagis ng mga bata ang kanilang mga chinelas ay ganun na lang ang pag-ilag ni Enzo sa ng mapansin nito na ang lahat ng chenelas ng mga bata ay patungo sa kanya. "Ano ba naman kayo ni isa sa inyo ay wala man lang nakapatumba sa lata." Wika ni Chino ng mapansin nito na isa man lang sa mga kaibigan nito ay hindi man lang napatumba sa lata. "Ganito kasi, panoorin niyo ako." Mayabang na wika nito sa kanyang mga kalaro. Agad na itinaas ng bata ang kanyang braso at agad na inihahanda ang kanyang sarili upang ihagis ang chinelas na hawak nito. "Ready ka na ba kuya?" Tanong ni Chino Kay Enzo. "I'm always ready." Wika ng binata. Nang ihagis na ni Chino ang kanyang chinelas ay mabilis na nagtatakbuhan ang mga bata ng dahil doon ay agad na lumapit si Enzo sa lata at agad nito ipinatayo sa loob ng bilog at hinabal na nito ang mga bata. ( CELINE FRANCISCO ) Masayang nakatingin si Celine sa mga bata na naka ngiti sa kanyang tabi, habang ang mga ito ay may kanya-kanyang pagkain sa kanilang mga kamay. "Ate Celine. Salamat po sa pagkain na ginawa niyo." Wika ni Chino sa kanya. "Hindi naman ako ang gumawa ng mga yan, kung hindi si nanay Lupe." Natatawa na wika ni Celine sa mga bata na nasa kanyang tabi. Habang ng uusap ang mga ito ay biglang napatingin si Celine sa binata na si Enzo na tahimik na kumakain sa kanilang tabi. "Kuya Enzo." Tawag ng isang bata kay Enzo. "Bakit po. Ang tahimik niyo? Hindi niyo po ba nagustuhan ang gawang pagkain nila ate Celine." Tanong ng bata kay Enzo. Nang dahil sa tanong na iyon ay agad na napatingin ang binata kay Celine. "Masarap." Seryosong sagot ng binata kay Celine. Nang dahil sa sinabi ng binata ay mabilis na umiwas ng tingin si Celine dito at muling nagpatuloy sa kanyang pagkain ng sandwich na isa sa gawa ni nanay Lupe. Matapos makapag pahinga ng lahat ay isa-isa na rin ng paalam ang mga bata, hanggang si Celine at si Enzo na lang ang naiwan sa lugar. "A-ah. Mauna na rin ako sayo Sir." Wika ng dalaga kay Enzo. Nang hahakbang na ito ay agad na kinausap siya ng binata. "Ihahatid na kita." Agad na napatingin si Celine sa binata, dahil sa sinabi nito sa kanya. "Hindi na kailan sir. Malapit lang naman ang kubo na tinutuluyan namin ni nanay Lupe dito sa lugar ninyo. Kung tutuusin nga ho ay pwede ako umuwi sa aming lugar dito sa Batangas." Nang marinig ng binata yun ay agad na nag iba ang aura nito at mabilis na lumapit sa kanya ang binata. "Ihahatid kita sa kubo at hindi sa lugar nyo. Hindi ka pwede umalis ng Villa ng hindi nagsasabi sa akin." Nang dahil sa sinabi ng binata ay bigla na lang nagtaka si Celine ng ganun na lang kung makapag react ang binata sa kanyang harapan na para bang napakalaki ng kanyang nagawang kasalanan. Sir. Kaya ko maglakad. Pwede mo na binitawan ang aking kamay upang makapag lakad ako ng maayos." Nang masabi yun ng dalaga ay ganun na lang kabilis bitawan ni Enzo ang kanyang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD