Chapter 9

1297 Words
ELINE FRANCISCO ) Seryosong pinang mamasdan ni Celine ang binata, habang nililinis nito ang kanyang sugat. Nang dahil sa ginagawa ng binata ay hindi maiwasan ni Celine ang mapaisip kung bakit at paano nito, nalaman ang kanyang sugat sa kanyang paa. "Paano mo nalaman na may sugat ang aking paa?" Tanong ni Celine sa binata na seryosong ginagamot ang paa ni Celine. "Nakita ko lang na nahihirapan ka sa pag kilos mo." Wika ni Enzo sa tanong ng dalaga. "Hindi mo naman kailangan gawin yan Sir, Enzo. Ako na ang gagawin nyan." Nang masabi yun ni Celine sa binata ay agad nito kinuha ang medical kit na nasa sofa upang siya na ang maglinis ng kanyang sugat. Nang dahil sa ginawa yun ni Celine ay pinakatitigan ito ng binata. "Kaya ko naman gamutin ang sarili ko Sir. Hindi na kailangan na Ikaw ang gumamot sa akin." Matapos ang paglilinis ni Celine sa kanyang sugat ay mabilis na rin ito nagpaalam sa binata at agad na tumayo ito sa kanyang kinauupuan. Habang papaalis na si Celine ay agad na rin tumayo si Enzo sa sofa upang asikasuhin ang iba pang mga kailangan nitong gawin. Nang naramdaman ni Celine na tumayo na rin ang binata sa sofa ay ganun na lang ang kanyang pagtataka ng mas nauna pa ang binata na maka alis sa kanya sa may sala. Habang pinang mamasdan ni Celine ang papalayong binata ay hindi niya maiwasan na hindi maramdaman ang kakaibang kaba mula sa kanyang dibdib na ipinaparamdam sa kanya ng binata sa tuwing ito ay lumalapit sa kanya. "Ate Celine..!" Isang malakas na pagtawag sa kanyang pangalan ang bigla na lang narinig ni Celine. Habang seryosong naglalakad ito sa gilid ng bakuran ng Villa ng mga Multi Falco. Nang dahil doon ay agad niyang nilingon, kung sino ang tumawag sa kanyang pangalan. "Ate Celine.." Pagharap niya sa tumawag sa kanya ay isang ngiti ang bigla na lang ang romehisro sa kanyang mukha ng makita niya, kung sino ang tumawag sa kanyang pangalan. Ganun na lang ang pagkakayakap ni Celine kay Chino ng makita niya ito. "Chino. Mabuti at nakita mo ako.” Tanong ni Celine kay Chino na ngayon ay tuwang tuwa na nakayakap sa kanya ang bata. “Ate Celine. Tara maglaro tayo.” Wika ng bata sa kanya. “Nako ikaw na bata ka. Hindi mo man lang sinagot ang tanong ko sayo. Hindi mo ba ako ka- kamustahin man lang?” Tanong ni Celine kay Chino. Mabilis na lumayo si Chino sa kanya at pinakatitigan siya nito. “Ate. Alam ko na ayos ka lang, nakita kasi kita kanina. Kung kaya hindi na kita tinanong, kung kamusta ka po.” Nang dahil sa narinig ni Celine dito ay agad siya napailing dahil sa dahilan nito sa kanya. “Ate Celine..! Ano makikipag laro ka po ba samin.?” Tanong muli ni Chino kay Celine. Nang sabihin nito yun sa akin ay ang isang kamay nito ay nakatuto sa harapan namin, kung saan nakatayo rin ang mga kalaro nito. "Okay. Makikipag laro na ako sa inyo, pero bago yun. Magpaalam muna kayo sa mga nanay niyo. Okay lang ba yun." Tanong ko sa mga bata na nasa aking harapan. Nang sabihin ko yun sa mga bata ay mabilis na ang takbuhan ng mga ito sa kani kanilang mga nanay upang makapag paalam ang mga ito. Habang tinititigan ni Celine ang ibang mga bata na patungo sa mga magulang ng mga ito ay muling ibinalik ni Celine ang kanyang paningin sa ng i-isang bata na nasa kanyang harapan. Walang iba kung hindi si Chino. "Chino? O, bakit hindi ka pa magpunta sa tatay mo?" Wika ni Celine sa bata, na hanggang ngayon ay nasa harapan pa rin niya na nakatayo. Nang tanungin ni Celine si Chino ay bigla na lang ito nalungkot sa kanyang harapan. Habang pinang mamasdan ni Celine ang bata ay bigla na lang nagbago ang expression ng mukha nito. Ang malungkot na mukha nito ay tuluyan na kumawala ang mga luha na kanina pa nito pinipigilan. Nang dahil doon ay bigla na lang nataranta si Celine. Hindi nito malaman kung bakit bigla na lang ganun ito, kung umiyak sa kanyang harapan. "Chino.? May problema ba sa inyo?" Tanong ko dito. "Ate Celine. Wala na po si Tatay iniwan na po niya ako." Wika nito sa akin. Nang dahil sa sinabi nito ay agad ako lumuhod sa kanyang harapan upang magpantay kaming dalawa. "Bakit saan ba nagpunta, ang tatay mo Chino?" Tanong ko dito. "Wala na siya ate, namatay na si tatay noon gabi na nagkakagulo sa mansion." Nang sabihin yun ni Chino ay ganun na lang ang aking pag aalala sa bata na nasa aking harapan. "Sino na ang nag aalaga sayo ngayon?" Tanong ni Celine kay Chino. "Ngayon po si aling Marta po ang kumomkop po sa akin" Bigla na lang naawa si Celine kay Chino ng sabihin nito na wala na ang kaisa isang tao na ng aalaga dito. "Chino. Sorry, kung pina alala ko pa sayo. Ang mga nangyari, sige na tumahan ka na nariyan na rin ang mga kalaro mo. Wag ka na umiyak maglalaro na Tayo." Wika ni Celine kay Chino. ( ENZO MULTI FALCO ) Nang Makabalik si Enzo sa Villa ay mga tawanan at mga naghahabulan mga bata ang bigla na lang napansin ng kanyang mga mata, at ng dahil doon ay agad na napansin nito na naglalaro ang mga bata at maging si Celine ay nakikipaglaro sa mga ito. "Mga bata halina muna kayo dito at ng makapag pahinga muna kayo." Wika ni Celine sa mga bata na nakikipaglaro dito. Nang dahil sa sinabi ng dalaga ay agad na nag silapitan ang mga ito. Habang papalapit ang mga bata kay Celine ay isang batang lalaki ang bigla na lang bumangga sa kanya, kung kaya agad napatingin si Enzo dito. "Okay ka lang ba.?" Tanong ni Enzo sa batang lalaki, habang seryoson ang expression nito na makikita sa mukha ng binata. "Okay lang po." Natatakot na sagot ng batang lalaki kay Enzo. Matapos sumagot ng bata sa tanong ni Enzo ay nagmamadali na umalis ito sa harapan ng binata at mabilis na tumakbo, kung nasaan si Celine at ang iba pang mga bata. "Ate Celine..! Ate Celine..!" Malakas na sigaw ng batang lalaki sa pangalan ng dalaga. "Oh. John?" Tanong ng dalaga sa batang lalaki na ang pangalan pala ay John. "Okay lang po ako ate Celine. Takot lang po ako sa mamang yun ate Celine." Wika ni John sa talaga habang itinuturo ng kamay nito si Enzo na seryosong nakatingin sa kanila. Habang naglalakad papalapit si Enzo sa kung nasaan si Celine at ang mga bata ay ganun na lang ang pagtago ng mga bata sa ligot ni Celine. "Sir.?" Tawag ni Celine sa binata ng makalapit ito sa harapan nila ni Chino. "May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Celine sa binata na nasa kanyang harapan. "Anong ginagawa niyo?" Wika naman ni Enzo kay Celine. Habang hinihintay ni Enzo na sagutin ng dalaga ang kanyang tanong ay mabilis na tumingin sa paligid ang binata at agad nito napansin ang ilang mga chinilas na nakakalat sa puting buhangin at isang lata na nakatayo sa loob ng isang bilog. Matapos mapansin ni Enzo ang mga yun ay muli niyang ibinalik ang kanyang pangin kay Celine at sa mga bata na nasa kanyang harapan. "A-ah. Naglalaro lang kami Sir, ng mga bata." Wika ni Celine sa binata. "Kung ganun. Ano naman ang nilalaro niyo?" Muling tanong ni Enzo kay Celine. Nang muling magsasalita na si Celine sa tanong ni Enzo ay mabilis na sumagot si Chino. "Naglalaro po kami ng tumbang preso." Wika nito. Agad naman kumunot ang noo ng binata ng sabihin ni Chino, kung ano nga ba ang laro na binanggit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD