Chapter 8

1196 Words
( ENZO MULTI FALCO ) Habang papalayo ang dalawang babae ay hindi maiwasan ni Enzo na sundan ng kanyang paningin si Celine. “Enzo.! Tawag ng ina ng binata sa kanya, Ngunit kahit tinatawag na ito ng kanyang ina ay nasa babae pa rin ang paningin nito. “Enzo..?!” Muling tawag ng ginang sa binata. Nang hindi pa rin pinapansin ng binata ang kanyang ina ay ang mismong ama na nito ang tumawag sa kanyang pangalan. “ENZO…!!!” Malakas na tawag ni Al capone sa binata. Nang dahil sa lakas ng pagtawag ng ama ni Enzo sa kanyang pangalan ay bigla na lang ito napabalikwas sa kanyang kinatatayuan, agad napatingin si Enzo sa kanyang ama na may pagtataka sa kanyang mukha. “Dad.?” Tawag ng binata sa kanyang ama. “Enzo, kanina ka pa tinatawag ng mommy mo. May nangyari ba sa inyo, bago kayo makarating dito?.” Tanong ng ama ng binata sa kanya. “Wala naman Dad, napaisip lang ako. Kung bakit at paano nalaman ng ibang pamilya, kung nasaan tayo.” Mabilis na pag sagot ni Enzo sa kanyang ama. Kahit malayo sa sagot nito ang tanong sa kanya. “Dad. Ano nga pala ang pinag uusapan nyo kanina.” Tanong ng binata sa kanyang ama. Agad rin naman sumagot ang ama ni Enzo ng tanungin niya ito. "Pina alam ko na kay Enrico ang lahat ng nangyayari ngayon, inaalam na niya kung sino nga ba ang may gawa ng pagsugod sa mansion." Matapos sabihin ng ama ni Enzo yun ay agad na tumango ito at mabilis na nagpaalam sa ama na aasikasuhin lang nito ang mga dapat na gawin. Nang sumang ayos ang kanyang ama ay agad na rin ito na umalis sa harapan ng kanyang ina at ama. Habang patungo sa kanyang kwarto ay muli niya nakita si Celine na may kausap na isang lalaki. Ang kanyang pagtungo sa kanyang kwarto ay hindi na natulog ng dahil sa kanyang pagtitig sa dalaga at sa lalaki na kausap nito. "Salamat, Celine. Sa totoo lang sa tagal ko na nagtatrabaho sa mansion ng mga Multi Falco, ngayon ko lang naranasan ang mga ganun pangyayari." Wika ng matandang lalaki kay Celine. "Nako tay baka naman nagkataon lang ang mga nangyari kanina, hindi natin alam pero kayo na ho ang nagsabi na matagal na kayo ng t-trabaho sa pamilya. Kung kaya alam niyo na kung ano nga ba ang mga ugali ng pamilya ni sir, Enzo.” Wika ni Celine sa matandang lalaki. Nang marinig ni Enzo yun ay alam niya sa kanyang sarili na, hindi lahat ng kanilang mga tauhan ay alam. Kung ano nga ba ang meron ang pamilya nila ng matapos marinig ni Enzo, ang usapan ng dalawa ay agad na rin ito umalis sa kanyang kinatatayuan. Habang inaasikaso ni Enzo. Kung saan papatuluyin ang ibang mga tauhan ng kanilang pamilya na ngayon ay walang matutuluyan ay isang katok ang bigla na lang niya narinig na nagmula sa kanyang pintuan. Agad niyang inihinto ang kanyang ginagawa sa kanyang laptop at agad na sumagot sa taong kumakatok mula sa pinto ng kanyang kwarto. "Bukas ang pinto." Wika ni Enzo sa kung sino man ang taong nasa labas ng kanyang kwarto. "Alam mo na ba. Kung saan mo pansamantalang patutuluyin ang ibang mga tauhan natin na may mga pamilya." Tanong ng ama ni Enzo ng makapasok ito sa loob ng kwarto ng binata. Nang marinig ni Enzo ang boses ng kanyang ama ay agad nito itinigil ang kanyang ginagawa at mabilis ito tumingin sa kanyang ama. "Ang balak ko sana dad ay gumawa muna pansamantala ng kubo sa Ilang bahagi ng kinatatayuan ng acting Villa. Habang narito tayo sa Batangas, para kahit papaano ay may matirahan muna ang iba nating mga tauhan." Nang mai paalam ni Enzo ang kanyang mga naisip sa kanyang ama ay agad naman sinang ayunan ni Al Capone ang mga sinabi ng kanyang anak. "Kung ganun ipapahanda ko na, ang mga kailangan upang simulan na Ang lahat ng sinabi mo sa akin." Ilang minuto pa ang lumipas ng may isa sa mga tauhan ni Al Capone ang bigla na lang tumawag sa kanyang pangalan ng dahil doon ay agad na nagpaalam, ang ama ni Enzo sa kanya upang kausapin ang tauhan ng kanyang ama. Kinaumagahan ay nagmamadali na lumabas ng Villa si Enzo upang alamin ang kasalukuyang lagay ng lugar na kanilang tinuluyan. Habang nililibot ni Enzo ang kabuuan ng Villa ay kapansin pansin na halos lahat ng kanilang tauhan ay busy sa kanilang mga ginagawa, maging ang mga bata ay kapansin pansin ang kanilang pagtulong sa mga kababaihan sa maliit na mga bagay. Nang mapansin ni Enzo si Celine sa hindi kalayuan ay pinakatitigan niya ito. Kapansin pansin sa dalaga ang kakaibang mga pagkilos nito na para bang may iniinda itong sakit. Nang dahil doon ay dahan-dahan na lumapit si Enzo dito. Nang nasa harapan na siya ng dalaga ay seryoso siyang tinitigan ni Celine na may pagtataka sa isipan ng dalaga, at ng dahil sa pagtingin ng seryoso ni Enzo ay agad na tinanong ni Celine ang binata. "A-Ah. May kailangan po ba kayo Sir?" Tanong ng dalaga dito. Habang pinang mamasdan ni Celine si Enzo ay bigla na lang siya hinila nito at agad na dinala sa Villa. Nang makapasok na sila ni Enzo sa loob ay agad siyang pinaupo sa sofa ng binata. "Wag kang aalis dyan. Hintayin mo lang ako." Wika ng binata kay Celine. Habang papalayo ay agad sinundan ng paningin ni Celine ang binata patungo sa kung saan. Nang hindi na makita ni Celine ang binata ay mas minabuti ni Celine na mag relax sa kanyang pagkakaupo sa sofa ng Villa ng mga Multi Falco. Habang nakasandal ang likuran ni Celine sa may sofa ay bigla na lang siyang nagulat ng paglingon niya ay agad niya napansin si Enzo na nasa kanyang tabi. Ganun na lang ang kanyang pagka gulat ng makita niya ang binata. Ang kaninang panatag ng t***k ng kanyang dibdib ay bigla na lang lumakas na para bang may ilang mga hayop na naghahabulan sa loob ng kanyang dibdib. "Sir.? Ano po ba kailangan niya at dinala niyo pa ako dito sa loob ng Villa?" Tanong ni Celine kay Enzo. Mabilis na umupo si Enzo sa tabi ng dalaga at dahan-dahan nito binoksan, ang dala nitong medical kit at dinilabas nito ang ilang mga gamit sa paglilinis ng mga sugat. Nang makita ni Celine ang daladala ni Enzo ay agad siyang nagtaka sa binata. "Lumapit ka dito at gagamutin ko, ang sugat na Meron ka." Wika ng binata kay Celine. Nang marinig ng dalaga yun ay muling rumehisro sa kanyang mukha ang pagtataka. "Hindi ka pa ba lalapit dito." Muling wika ng binata kay Celine. Nang dahil sa sinabi ni Enzo kay Celine ay agad na lumapit ang dalaga. Dahan-dahan na umupo muli si Celine sa kanyang inupuan, kung saan siya nakaupo kanina bago pa man dumatin ang binata. Dahan-dahan inilapit ng binata ang kanyang kamay sa talampakan ni Celine, kung saan may galos ang kanyang paa. Ganun na lang ang gulat ni Celine ng maramdaman nito, ang paghawak ng binata sa may galos na kanyang paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD