Chapter 7

1145 Words
( CELINE FRANCISCO ) Bigla na lang nagulat si Celine ng bigla na lang siyang buhatin ni Enzo sa kanyang kinatatayuan. Habang naglalakad ay ganun na lang ang gulat nito ng bigla na lang nagbago ang derection ng binata sa paglalakad. Dahan-dahan naman ibinaba ni Enzo si Celine ng makapag tago ang mga ito. "Dito ka lang, wag kang lalayo sa akin." Wika ni Enzo kay Celine. Agad naman sinunod ni Celine ang sinabi ng binata sa kanya. Habang nakatago ang dalawa ay bigla na lang napansin ni Celine na naglabas ng baril ang binata. "Sir. Anong gagawin mo?" Tanong ng dalaga kay Enzo. Seryosong tumingin ang binata kay Celine na parabang may hindi tama siyang gagawin. "Itatanong mo ba talaga sa akin, kung ano ang gagawin ko, o kung para saan ko gagamitin ang baril na hawak ko." Wika ng binata kay Celine na seryoso pa rin sa kanyang expression. Habang nakatingin pa rin si Celine kay Enzo at sa baril na hawak nito ay isang putok ang bigla na lang narinig ni Celine mula sa hindi kalayuan. Kung kaya ay bigla na lang natakpan ni Celine ang kanyang tinga dahil sa lakas ng putok ng baril na kanyang narinig. "Dito ka lang sa tabi ko. Wag kang lalayo sa akin, para walang mangyaring masama sayo." Nang sabihin yun ni Enzo sa dalaga ay ganun na lang ang pagkagulat ni Celine ng maramdaman nito na yakap-yakap na siya ng binata. Muling may narinig na putok si Celine at si Enzo. Nang dahil doon ay nararamdaman ni Celine ang pag galaw ng buong katawan ni Enzo at mabilis na nakipag palitan ng putok ng baril ang binata. Nang matapos makipag palitan ng putok ng baril si Enzo ay mabilis naman hinila nito, ang kamay ni Celine papalayo sa kanilang kinatatayuan. Habang nagkakagulo pa rin sa buong mansion ay isang lalaki ang bigla na lang lumitaw sa kanilang harapan. Nang makita ni Celine ang lalaki na nasa kanyang harapan ay agad nito nakilala ang lalaki. Ito ay walang iba, kung hindi si Mateo. "Boss.!" Tawag nito kay Enzo. "Look at the other housemates and find out. If they are fine, take them to the beach resort in Batangas." Wika ni Enzo sa lalaki. Matapos sabihin ni Enzo yun agad naman hinila nito si Celine at nagmamadali na makaalis ng mansion. Habang papalabas ng mansion ang mga ito ay ganun na lang ang pagkagulat ni Celine ng makita nito ang ibang mga tauhan ng pamilya Multi Falco na may mga tama ng bala sa ibang bahagi ng mga katawan at may iba naman na wala ng buhay na nakahandusay sa labas ng mansion. "Ano bang nangyari at bakit may mga tao na gustong makapasok sa loob ng mansion?" Tanong ni Celine kay Enzo ng makasakay sila sa sasakyan. Tinitigan ni Enzo si Celine bago nito sagutin ang tinatanong ng dalaga. "Gusto ng ibang pamilya na pabagsakin ang aming pamilya." Wika ni Enzo kay Celine. Habang seryoso pa rin itong nagmamaneho. "Bakit nila gustong gawin yun?" Isang buntong hininga ang ginawa ni Enzo, bago muling sagutin nito ang mga taong ng dalaga sa kanya. "Mas mabuti na wag mo muna alamin ang mga bagay-bagay Celine. Para hindi ka mapahamak." Nang sabihin ni Enzo yun kay Celine ay agad na rin tumahimik at hindi na muling nagtanong ang dalaga. Ilang oras rin ang nakalipas ng makarating ang dalawa sa probinsya ng batangas, kung saan may pag-aari ang mga Multi Falco. Habang palabas ng sasakyan si Celine ay agad niya napansin ang isang matanda babae sa hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Nang makilala nito ang babae ay agad tinawag ni Celine ang matanda sa pangalan nito. "Nanay Lupe..!!" Malakas na tawag ng dalaga sa pangalan nito. Nang marinig ng ginang ang kanyang pangalan ay agad itong humarap kila Celine at Enzo. "Celine.!" Tawag nito sa dalaga. "Ano ka bang bata ka, alam mo ba na kanina pa ako ng aalala sa'yo" Habang pinang mamasdan ni Celine sa nanay Lupe ay kitang kita nito ang pag aalala ng matanda sa kanya. Nang dahil doon ay agad na niyakap nito si nanay Lupe upang mawala man lang ang kaba na nakikita ni Celine sa matanda. "Nay Lupe. Alam ko po na ng alala kayo. Pasensya na at bigla na lang akong nawala ng hindi nagpapaalam sa inyo, Hindi na po kasi ako nakapag isip sa mga nangyari at bigla na lang rin po ako dinala ni Sir, Enzo dito. Matapos mag paliwanag ni Celine kay nanay Lupe ay agad na inaya ni Enzo ang mga ito na magtungo sa loob ng Villa. Habang naglalakad ay pansin ni Celine ang ibang mga tauhan ng mga Multi Falco na nagkakagulo. Habang ang iba naman ay hindi maiwasan na umiyak na lang sa isang tabi. Nang makapasok na ang tatlo sa loob ng Villa ay agad na napansin ni Celine ang mag asawa na sila Al Capone at si Griselda Multi Falco. Nang makita ni Enzo ang kanyang mga magulang ay agad na lumapit ito dito. "Mom, Dad." Tawag ni Enzo sa kanyang mga magulang. Agad naman tumingin ang mga ito sa gawi ni Enzo. Nang makita ng mga ito, ang binata ay mabilis tinapos ng mag asawa ang kanilang mga kausap sa kani kanilang mga cellphones. "Enzo." Sabay na tawag ng mag asawa sa kanilang anak. Nang makita ng mga ito ang binata ay agad na rin ang mga ito na lumapit rin dito. "Mabuti at ayos ka lang anak." Wika ng ina ng binata. Matapos kamustahin ng ginang ang kanyang anak na si Enzo ay agad naman nito napansin ang mga kasama ng binata. "Nay Lupe. Mabuti at kasama kayo ni Enzo." Mabilis na lumapit ang ginang dito at niyakap ang matanda. "Nako po ma'am, dito na lang po kami nagkita nitong si Enzo. Ang kasama ho talaga nitong anak niyo ay si Celine." Nang sabihin ng matanda yun sa ina ni Enzo ay muling ibinalik ng ginang ang kanyang paningin sa kanyang anak na para bang may pagtataka ito. ( ENZO MULTI FALCO ) Seryoso tinitigan ni Enzo ang kanyang ina ng makita nito sa labi ng ginang ang pang iinis sa kanya, kung kaya dahil doon ay agad na tinanong nito ang kanyang ama. Kung ano ang nangyayari kani kanina lang sa kanilang mansion at kung bakit may nakakaalala kung nasaan ang pamilya nila. "Dad. Ano bang nangyari?" Magsasalita na sana si Enzo ng mabilis na nakatingin ang mag asawa kay nay Lupe at kay Celine. Nang dahil sa sabay na pagtingin ng mag asawa sa matanda ay agad naman naiintindihan ni nanay Lupe ang ibig sabihin Ng mag asawa. Agad na nagpaalam ang matanda sa mag asawa na mauuna na ang mga ito. "Griselda at Sir. Al Capone. Mauna na ho muna kami nitong si Celine at kung may ipag uutos pa ho kayo ay tawagin lang ho niyo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD