Chapter 6

1129 Words
Habang nakatingin si Celine sa lalaki na nasa kanyang harapan ay unti-unti naman ito lumalapit sa kanya. "Bakit nasa labas ka!?" Tanong ng lalaki kay Celine. Nang marinig ng dalaga ang boses nito agad siyang natauhan sa kanyang pagkakatingin dito. "Ah..Gusto ko lang magpahangin dito sa labas." Wika ni Celine kay Enzo ng makalapit na ang lalaki sa kanyang harapan. Habang titig na titig ang binata kay Celine ay ganun na lang ang ginawang pag layo ng dalaga sa lalaki. "Jusko, Celine. Bakit bigla ka na lang umalis sa harapan ng amo mo.” Wika nito sa kanyang sarili. Nang malayo na siya sa lalaki ay agad niya tinignan ang paligid. Isang waterfall ang kanyang napansin ng makita niya ang buong lugar. "Wow. Ang ganda naman dito. Sa sobrang lawak ng pag-aari ng mga Multi Falco ay hindi na talaga ako magtataka, na mayroon ganito sa kanilang lugar. Habang patuloy pa rin si Celine sa pagmamasid ay ganun na lang ang kanyang gulat ng maramdaman niya sa kanyang likod ang isang bulto ng katawan. Pag harap niya dito ay ganun na lang ang kanyang gulat ng makita nang kanyang mga mata si Enzo. "Sir.? Bakit niyo ako sinundan?" Tanong ni Celine sa lalaki. "Bakit. Hindi ba pwede ako magpunta rin dito sa lugar na ito.?" Muling lumingon si Celine sa paligid, kung nasaan sila ngayon ng lalaki. “Matagal na bang nakatayo ang waterfalls na yan dito.” Tanong ni Enzo kay Celine. Bigla na lang napaisip si Celine sa tanong nito. “Sir, Enzo. Hindi naman tumutubo ang mga bato na yan dito sa parte ng inyong mansion. Kung sa malamang hindi pa kayo sinisilang ay narito na ang waterfalls na yan." Nang sabihin yun ni Celine sa lalaki ay kitang kita pa rin dito, ang pagiging seryoso. "If in another country, you can make waterfalls inside the yard that you own." Bigla na lang na tahimik si Celine sa mga sinabi ni Enzo. "Ganun siguro talaga ang mga mayayaman, pwede magpatayo ng waterfalls, kung gugustuhin nila ang mga bagay na imposible." ( ENZO MULTI FALCO ) Titig na titig si Enzo kay Celine ng tahimik lang nito pinang mamasdan ang paligid ng waterfalls. "Siguro nga tama ka, sa mga sinabi mo dyan." Wika ni Enzo kay Celine. Muling bumalik ang paningin ng dalaga sa kanya, at sabay na nagtama ang kanilang mga paningin. "Sige, Sir. Babalik na ako sa mansion." Nang sabihin yun ni Celine ay agad itong umalis sa harapan ni Enzo, at dahil din sa pag-alis din ni Celine ay agad rin naman sumunod dito ang binata. Kinaumagahan ay isang tawag ang natanggap ni Enzo mula kay Enrico. "Hello." "Matthew Velasco, 33 years old, FBI Officer, Based in the Philippines and He has been investigating families that he knows are involved in drugs for 4 years." "Enrico. Send me all the information. Gusto, kung pag aralan ang lahat ng background na meron siya." Matapos sabihin ni Enzo yon kay Enrico ay agad na rin niya pinatay ang tawag sa kanya. Habang pababa ng hagdan si Enzo ay siya naman pagtawag ng kanyang ama sa kanyang pangalan. "Enzo. Come here first and I want to talk to you." Agad na sumunod si Enzo sa kanyang ama ng makababa ito sa hagdan ng kanilang mansion. Habang nakasunod ang binata sa kanyang ama ay isang alarm ang bigla na lang tumulong sa loob ng mansion, kung kaya ang lahat ng kanilang mga tauhan ay bigla na lang nagkagulo at naag kanya kanya. "Enzo, go to your mom and protect her." Nag Sabihin ng ama ni Enzo yun ay agad na kumuha ito ng baril sa loob ng kabinet na nadaanan nito, patungo sa kwarto ng kanyang magulang. Pagbukas palamang ni Enzo ng pintuan ng kwarto ay agad niya napansin ang kanyang ina na may hawak na baril sa mga kamay nito, at parang bali wala lang dito ang mga nangyayari sa labas ng mansion. "Mom are you okay?" Tanong ng binata sa kanyang ina. "I'm okay. I should be asking you, are you okay. Does your head hurt?" Nang tanungin siya ng kanyang ina ay seryoso na lumapit ito dito. "Mom. Let's go. I'll help you with what you're doing." Habang papalapit pa lang ang binata sa harapan ng kanyang ina ay agad naman sinabi nito na wag na siyang alalahanin. "Help our other housemates, they are the ones who need help." Matapos sabihin ng ina ni Enzo yun, agad na rin nito sinunod ang utos ng kanyang magulang at hinanap agad ng mata nito ang mga kasambahay nila. Isang malakas na putok ang bumalot sa loob ng mansion ng Pamilya, Multi Falco. Habang patingin-tingin si Enzo sa paligid ay isang babae ang kanyang nakita sa isang tabi at nakaupo ito sa may sahig tapat ng pintuan ng mga kasambahay. Mabilis na lumapit si Enzo sa babae at agad niya itong kinausap. "Ayos ka lang ba?" Tanong ng binata sa babae. Nang umangat ang ulo nito ay ganun na lang ang pagkunot ng kanyang nuo ng makita nito si Celine. Agad na lumapit siya dito upang tanungin ito. "Ayos ko lang ba?" Mabilis na lumingon si Celine kay Enzo. Nang makita nito ang lalaki ay mabilis nawala ang takot sa mukha nito. "Kanina lang ayos pa naman ako, pero ngayon mukhang malabo na maging maayos ako. Ramdam ko yung paa ko nagiging, hindi makagalaw." Muling pinang masdan ni Enzo ang dalawa na nakaupo pa rin sa lapag, habang ang kanang kamay naman nito ay naka hawak sa door knob ng pintuan. "Ride behind me." Wika ng lalaki kay Celine. Nang dahil sa sinabi ng binata ay mabilis na tumanggi si Celine dito. "Hindi na kailangan kaya ko maglakad." Ang kaninang seryoso na mukha ng lalaki ay mas lalo pang naging seryoso ng marinig ng lalaki ang mga sinabi nito. "Kung ganun ay tumayo ka na dyan. Kailangan ko pa hanapin at tulungan ang iba pa." Papalayo na sana si Enzo ng marinig nito ang isang mahinang ingat sa kanyang likuran, pagtingin niya dito ay agad niya napansin na nakasandal na si Celine sa pintuan. Nang dahil sa nakita ni Enzo na ayos ng babae ay mabilis na lumapit ito sa kinatatayuan at agad na binuhat ni Enzo si Celine ng walang pasabi sa dalaga. Habang buhay ni Enzo si Celine ay isang lalaki ang bigla na lang nila nakasalubong, mabilis na nakapag tago si Enzo at maingat na ibinaba nito ang dalawa sa kanyang tabi at kinuha niya ang isang Springfield Armory XD at mabilis nito ikinasa ang baril na nasa kanyang kamay. Nang maramdaman ni Enzo na papalapit na ang lalaki sa kanilang kinatatayuan ay agad siyang lumabas sa kanyang pinang tataguan at mabilis na itinutok nito ang baril sa lalaki na ngayon ay nasa kanyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD