Kabanata 54 Hindi ko nagawang i-enjoy ang day-off ko dahil sa umaaligid kong amo. Plano pa naman namin ni Enzo na maglibot sa village nang magkasama at maghanap ng lugar kung saan pwede kaming magpalipas ng oras at mag-practice para sa shoot, pero dahil kay Sir Alonzo ay hindi na natuloy dahil naiilang ako. “We can still practice if you want, Joy. Mas mabuti nga ‘yon para masanay kang may nanonood sa ‘yo,” sabi sa akin ni Enzo habang kumakain kami ng meryenda sa ilalim ng puno. Hindi ko alam na nag-prepare pala siya ng makakain namin. Tumingin ako kay Sir Alonzo na nakasandal sa puno at nakapikit. Pulang-pula na ang mukha niya, siguro dahil sa init at pagod. Napailing na lang ako bago bumaling kay Enzo, “May point ka rin. Mas mabuti nga siguro ‘yon,” pagsang-ayon ko sa kanya. Napagtanto

