Kabanata 53 Hindi ko mapigilang mailang habang tinuturuan ko si Uno ng lessons niya. Pansin ko kasi ang tingin sa akin ni Sir Alonzo. Hindi lang basta tingin, kundi titig talaga. Ni hindi siya umiiwas kapag tumitingin ako sa kanya. Sinasalubong niya pa ang mga mata ko. Napabuga na lang ako ng hangin bago itinuon ang atensyon ko sa anak niya. Ilang araw ko na ‘tong napapansin. Sa tuwing may pagkakataong nagkakasama kami sa isang lugar ay tinititigan niya ako. Iyong titig na tila sinusuri ang mukha? Gano’n na gano’n. “Sir, may problema po ba?” tanong ko sa kanya nang hindi na ako nakatiis. Nadi-distract na kasi talaga ako. “What do you mean?” pagmamaang-maangan niya. Kumunot pa ang noo niya na wari mo’y nagtataka. “Ilang araw ko na kasi kayong napapansing tumititig sa akin. May gusto po

