Kabanata 64

2358 Words

Kabanata 64 Buong maghapon kong inisip ang tungkol sa sinabi sa akin ni Ms. Grace. Pinagnilay-nilayan ko talaga ang bawat puntong sinabi niya. Inisip ko rin si Enzo. Sumakit na lang ang ulo ko kakaisip sa kanilang dalawa. “Ligaya, are you listening?” Napatingin ako sa may sofa nang magsalita si Sir Alonzo. “Iligpit na natin ‘tong mga gamit ni Uno at nang makapag-half bath na siya,” aniya. “A-Ah, okay po,” tugon ko at mabilis na lumapit sa kanila. “Okay ka lang?” tanong niya sa akin. “Mukhang may malalim kang iniisip,” dugtong niya. Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako, “Oh, that reminds me of what Antonette told me earlier. She said Enzo’s manager came to see you?” Mabilis akong tumango. “Opo, sir. Kinausap niya po ako tungkol kay Enzo,” sagot ko habang inilalagay sa box ang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD