Kabanata 63 Umakyat na ako sa second floor at dumiretso sa kwarto ni Uno. Nadatnan ko ang mag-ama na nakaharap sa salamin. Inaayos ni Sir Alonzo ang buhok ng bata. Napatingin na lang ako sa kanila at napasandal sa may pintuan. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila, lalo na ang makitang nakangiti at tumatawa si Uno. Nakaka-proud lang dahil alam kong isa ako sa mga taong nakatulong para unti-unti siyang bumalik sa dati. Sana ay tuluyan na siyang makapagsalita at nang magawa na rin niyang mamuhay nang normal—makapasok sa tradisyunal na paaralan, magkaroon ng mga kaibigan, makalaro ang ibang mga bata, at higit sa lahat, masabi ang nararamdaman niya. “Ligaya, kanina ka pa riyan?” Hindi ko napansing napatitig na pala ako sa kanila nang matagal. Ngumiti lang ako bago lumapit

