Kabanata 62 “I won’t stop proving you that you’re more than just a toy to me, Ligaya. I promise. I won’t stop ‘til I make you feel that.” Nayakap ko ang aking unan nang muli kong maalala ang sinabi sa akin ni Sir Alonzo. Ilang oras na nang makauwi kami ng bahay pero pakiramdam ko’y kasama ko pa rin siya. Ramdam ko pa rin ang init ng presensya niya. Nakagat ko na lang ang labi ko nang mag-init ang aking pisngi at kumabog nang malakas ang aking dibdib. Pakiramdam ko’y nagugustuhan ko na si Sir Alonzo. Pero ayoko rin namang sabihin sa kanya agad ang nararamdaman ko dahil natatakot ako na bigla siyang tumigil sa ginagawa niya dahil para saan pa ang mga effort niya kung nabihag na niya ang puso ko, ‘di ba? Gusto ko munang makita kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para iparamdam sa akin

