Kabanata 60 Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko dahil sa kalokohan ni Alexander. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko. Mabuti na lang talaga at nasuntok ko siya dahil kahit papaano ay nakabawi ako sa kalokohan niya. Medyo nawala na rin ang inis ko sa kanya dahil sa tuwang nararamdaman ko. Kung hindi lang sana sa kalokohan ni Alexander, malamang ini-enjoy ko na ngayon ang set-up na inihanda ni Sir Alonzo para sa date namin. Dahil sa totoo lang ay nasorpresa talaga ako nang malaman kong naghanda siya ng surprise date namin. Aaminin kong natuwa ako roon at kinilig dahil mukhang siniseryoso niya talaga ang sinabi niya sa akin. “What cuisines do you prefer, Ligaya?” tanong sa akin ni Sir Alonzo habang bumabiyahe kami. “Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong

