Kabanata 59 Napagod na akong magpumiglas. Nakatingin na lang ako sa mga lalaking dumukot sa akin. Habang patagal nang patagal ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko at nilalamon ako ng takot at pangamba—hindi para sa sarili ko, kundi para sa mga magulang ko. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon nila sa oras na malaman nila kung anong nangyari sa akin, dinudurog na ang puso ko. “Ano bang kailangan n’yo sa akin?” mahinang tanong ko. “Hindi kami mayaman. Wala kayong makukuhang pera sa amin.” “Napag-utusan lang kami,” matigas na sagot ng isa sa kanila. “Ginagawa lang namin kung anong sinabi sa amin.” “P-Papatayin n’yo ba ako?” utal kong tanong. Hindi sila sumagot. Nagkatinginan lang silang dalawa at hindi na ako pinansin pa. Maya-maya lang ay tumigil na ang van, kaya napating

