Kabanata 58 “So, are you gonna pursue show business now?” tanong sa akin ni Ma’am Antonette. Kasalukuyan kaming nasa dining area ngayon at kumakain ng hapunan. Magkatabi lang kaming dalawa at nasa harapan naman namin si Sir Alonzo na kasalukuyang pinapakain si Uno. Si Nanay Linda naman ay nasa kabilang gilid ko. “Hindi po siguro, ma’am. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa showbiz,” sagot ko sa kanya at tipid na ngumiti. Naalala ko na naman kasi ang pressure at pang-iinsultong napagdaanan ko sa shooting. Idagdag mo pa ang mga kasamahan mong naiinis sa ‘yo ‘pag nagkakamali ka. “Show business is not for everyone,” sabat naman ni Sir Alonzo. “Hindi rin guarantee na sisikat ka. So it’s better to just find a good paying job,” aniya bago tumingin nang diretso sa akin. “Well, you both got a

