Prologue
Sa mahaba, masalimsim, at malamig na pasilyo ng isang maluwang na mansiyon ay naglalakad ang isang dalaga habang nakaapak, suot-suot ang manipis at maluwag na puting dress na di lalagpas hanggang tuhod dahilan para lumitaw ang mapuputi niyang hita.
Malalalim ang bawat hininga niya kasabay ng tunog ng kamay ng malaking orasan sa ibaba ng second floor ng bahay. Mag-aalas-dose na ng madaling araw at malakas rin ang buhos ng ulan. Nakapako ang paningin niya sa dulo ng pasilyo na tapat ng mataas na bintana kung saan naliliwanagan mula sa tumatamang kidlat ang isang pigura ng lalaki na may pakpak. Sa dulo ng mga pakpak nito ay may tumutulo na likido na di mawari ng dalaga kung dugo ba o tubig mula sa ulan.
“Wake up! Wake up! Wake up, Hana!” bulong ng dalaga sa sarili habang pinipilit ang sarili na tumigil sa paghakbang dahil maski siya ay naguguluhan kung bakit kahit anong pigil niya sa katawan na lumakad palapit sa nilalang na labis ang takot na dulot sa kaniya ay hindi talaga niya mapigilan.
Makailang beses nang nangyari sa kaniya iyon simula nang umedad siya ng labingwalong taong gulang. Makailang beses na tila di siya makawala sa panaginip kung saan naroon ang parehas na lalaking may malaking pakpak na kulay itim, nakatayo sa parehas na lugar. Twenty-two na ang dalaga at mahigit apat na taon na siyang nakakaranas ng ganito.
Pero ngayon, alam ng dalaga na iba na ang sitwasyon. Gising siya at kahit anong pilit na lokohin ang sarili na panaginip lang ay hindi talaga.
“Sht!” namimilipit na ungot ni Hana, awtomatiko siyang natigilan at halos manginig ang tuhod nang may kung anong sensasyon ang naramdaman sa kaniyang puson na dumadaloy hanggang sa kaniyang pagkabab*e.
Di naman na bago ito para sa kaniya pero sa pagkakataong ito ay mas matindi ang dating nito sa kaniya na animo’y may kung anong pwersa ang nagpupumilit na pumasok sa loob niya.
Napayuko si Hana at pilit na pinagdidikit ang mga hita para pigilan ang nararamdaman pero di niya kayanin sa tindi. Bagkus nilalabanan ay mas lumalala lamang ito.
Matindi na ang tulo ng pawis ni Hana habang pumapatak ang mga luha dahil may kung ano sa loob niya na gusto rin ang pleasure na nararamdaman.
Humakbang na naman ang kaniyang mga paa at ramdam na niya ang pag-init kasabay ng tila paghapdi ng kaniyang parte sa pagitan ng mga hita.
“Stop it!” nanunuyot ang lalamunang pakiusap ni Hana sa lalaki.
Di naman ito sumagot dahil ni minsan ay hindi naman talaga ito sumasagot. Ang ikinagulat ni Hana ay ang paghakbang nito palapit sa kaniya.
“N—No! No! Don’t you dare...”
Hindi na natapos ni Hana ang sasabihin nang umangat ang mga paa niya mula sa sahig ng ilang sentimetro at may malakas na pwersa na nagtulak sa kaniya palapit sa lalaki.
Gustuhin man sumigaw ay wala nang boses na lumalabas kay Hana dahil sa takot. Pwersahan rin ang kaniyang pagtigil at patalikod na ibinaba ng di makitang pwersa.
Nanindig ang balahibo ni Hana nang haplusin ng malamig na kamay nitong lalaki sa likuran niya ang kaniyang buhok at hinawi pagilid. Parang napapaso ang balat ni Hana sa pagdampi ng mga kamay nitong lalaki sa kaniyang leeg pababa sa balikat at walang kahirap-hirap na naputol ang isang sabit ng dress niya. Lumaylay ito at lumantad ang kaniyang kabilang dibdib.
Gusto mang humarap sa lalaking ngayon ay damang-dama na niya ang hininga nito sa balat ng kaniyang batok ay pinili na lang ni Hana na tanggapin ang kapalaran niya. “I know, a lot of people are insecure and envious about how perfect and great of a person I am, so I understand your sentiments. Are you killing me? If yes? Make it fast! It’s better. Go straight to my brain so it’ll be painless—”
Natigilan si Hana sa pagsasalita nang biglang tumawa ng mahina itong lalaki. “Oh my, Hana.”
Nanlaki ang mga mata ni Hana. Pamilyar ang boses nito. Nagtangka siyang humarap pero bigo siya nang mula sa kinatatayuan ay muli siyang umangat at malakas na isinandal sa pader nitong lalaki.
Nagkamatay ang mga ilaw at tanging liwanag mula sa mga kidlat sa labas ang nagbibigay liwanag kay Hana para ikalma ang sarili habang nakasandal sa pader, ang magkabilang mga kamay ay nagapos gamit ang mga wire ng kuryente na nag-umalpas sa semento ng slab ng rooftop ng bahay.
Naglapat ang mga labi ni Hana habang mas lumalalim ang mga paghinga sa sobrang takot sa mga nangyayari. Mas lumalakas pa ang kalabog ng kulog at tumatalas ang mga kidlat.
“Who...Who are you?” takot at nanghihinang tanong ni Hana. Pilit niyang sinisipat ang lalaking ngayon ay umangat na rin kapantay niya pero bigo pa rin niyang makita ang mukha dahil sa dilim.
“I am yours, Hana! I have fallen million miles just to make you my bride!” sabi nito at pagkasabi ay biglang bumuka ang kaniyang mga binti na nagapos na rin ng ilan pang mga linya ng kuryente.
Parang guguho na ang bahay sa tensiyon ng mga nangyayari.
May malamig na dugo ang dumaloy mula sa kaniyang noo na natamaan ng debris ng semento mula sa gumuguhong kisame.
“Sht! May suga—”
Hindi na natapos ni Hana nang sumunggap ang lalaki at ang impact ng collission nila ay sapat na yanigin ang makapal na pader at ang buong bahay. Rinig ni Hana ang pagcrack ng pader sa palibot nila. Naging mahirap na rin ang paghinga dahil sa kapal ng usok.
“Hm,” ungot ng lalaki saka tila tumigil ang paghinga ni Hana nang dilaan ng lalaki ang dugo niya mula sa pisngi pataas sa kaniyang noo.
“Shiiit! Please don’t—”
“Scream for me, Hana!” sabi ng lalaki pagkatapos na pwersadong hawakan ang mukha ni Hana gamit ang isang kamay nito saka agresibo siyang hinalikan.
Nagwawala ang katawan ni Hana sa bawat segundo na magkadikit ang kanilang mga labi. Kasabay pa nito ay ang paghigpit ng mga tali palibot sa kaniyang magkabilang pulso at bukong-bukong.
Mas nagwala pa si Hana nang idiin ng lalaki ang katawan niya sa pader na nagdulot na naman ng isang malakas na pagyanig saka ang isang kamay nito ay hinawak sa kaniyang lantad na dibdib.
Napapikit si Hana sa pagkakasakmal ng lalaki sa kaniyang dibdib. Mariin at agresibo pero ang di niya maunawaan ay gusto at nasasarapan ang kaniyang katawan. "Tonight, I mark you mine!"
Pagkasabi ay may kung anong isinulat ito sa dibdib ni Hana gamit ang matatalim na kuko.
“AHHHHH!” Malalakas na iyak at palahaw ang kumuwala sa bibig ni Hana sa sobrang sakit. Pilit na kumawala si Hana mula sa pagkakatali pero bigo siya at walang nagawa kundi ang mamilipit habang nagpupumiglas sa pagkakatali.
Pagkatapos na sulatan ng di mawaring mga simbolo ay sinakal nitong lalaki si Hana at kinulong ang sugatang dibdib sa bibig nito.
Pagod na pagod ang pakiramdam ni Hana para magpumiglas pa. Humahangos siyang kumapit sa tali at pumikit habang kumakalma ang sakit sa sensasyon na dulot ng paglalaro ng lalaki sa kaniyang dibdib.
Unti-unting nanlabo ang mga mata ni Hana at nagising na lang siya sa kaniyang kwarto.
Mabilis siyang bumangon sa takot at mabilis na tumakbo sa labas para tingnan ang kabuuan ng bahay. Laglag ang panga na nilibot niya ang paningin sa buong paligid dahil ayos na ayos ito.
“Panaginip lang?” bulong ni Hana sa sarili pero ramdam niya ang sakit ng katawan. Mabilis rin niyang kinapa ang dibdib pero wala namang sugat.
Nang hahakbang na pabalik sa kwarto ay tila nanigas siya sa kinatatayuan nang makita ang ina na may kahalikang ibang lalaki at di iyon ang kaniyang ama.
Marahan siyang humakbang papasok ng kwarto at umiiyak na naligo. Matagal na niyang alam ang ginagawang kalokohan ng ina pero wala siyang choice kundi manahimik dahil ikakasira ito ng kanilang pamilya at malabong may maniwala sa kaniya.
Nang maihatid si Hana sa school ay matamlay siyang kumaway sa ina bago pinanooran itong umalis lulan ng kanilang sasakyan. Yon nga lang ay sa araw na iyon, pinagpasyahan ni Hana na di agad pumasok. Imbes ay nagtungo siya sa isang tindahan ng mga patalim at bumili ng Swiss knife.
Sa daan pabalik ng school ay tumigil siya sa tapat ng isang karendirya dahil gusto niyang maglabas ng sama ng loob. Nakita na naman niyang inaapi ang matandang nagtitinda roon.
“Labas!” bulyaw niya sa grupo ng mga lalaki.
“Oh! Hana,” sabi ng isang lalaki.
Di naman umimik si Hana at binato ang lalaki ng maraming pera.
Iimik pa ang lalaki pero dinagdagan na naman ni Hana, “Sige na lakad na! Tandaan niyo, ako lang may karapatang mang-api sa sa walang kwentang matandang ‘to!”
Nagtawanan ang mga lalaki at pinulot ang mga pera.
Umupo si Hana pag-alis ng mga lalaki at bumuntong-hininga bago tumingin sa labas nang biglang bumuhos ang ulan.
“Salamat,” mahinang sabi ng matanda nang magbaba sa mesa ng mainit na sabaw at bistek sa ibabaw ng mainit na kanin.
“Di na, wala akong gana. Dito na lang muna ako tatambay. Babayaran ko na lang ang buong araw na kita mo. Magkano ba?” walang modong tanong ni Hana.
Ngumiti ang matanda at nagsalita, “Hindi, wag na. Yan na lang kapalit ng pagtulong mo sakin.”
“Yan ang problema sayo, masyado kang mabait!” sabi ni Hana. “I hate people like you. Useless shts!”
Pagkasabi ay tinabig ni Hana ang tasa at plato kaya nagkalat ang mga bubog saka ang mga pagkain sa sahig.
Imbes na pansinin ay umupo ang matanda sa likuran ni Hana at nangalumbaba na rin. “Bukas, magaganap ang kauna-unahang Asmodeus Night.”
Napalingon si Hana at tumingin ng masinsinan sa matanda. “Asmodeus Night? Wow, mukhang may utak ka pala.” Sabi niya habang nagtatype sa cellphone.
Napanganga si Hana nang makita na meron nga sa internet ng Asmodeus night pero napakaunti lang ng impormasyon.
“Anong meron sa Asmodeus Night?” seryosong tanong ni Hana.
Ngumiti ulit ang matanda saka tumingin sa labas ng karendirya, “Sa oras ng matinding kagipitan, tawagin mo ang kaniyang pangalan.”
Tumayo na ang matanda at naglakad paalis. Hahabol pa sana siya nang biglang dumating si Abe, “Hana!”