"May ginawa kang kalokahan kaya ka nalipat sa section na iyon?" Tanong ni Travis sa akin, sabay subo ng kikiam kahit na puno pa ang bibig niya. "Wala," tanggi ko sabay subo rin ng fishball kahit may laman pa bibig. Nasa gilid kami ng school ngayon at kumakain ng kahit anong tuhog-tuhog pagka-awas namin kanina. Hindi sumabay sa amin si Drew dahil may group project daw silang gagawin kaya kaming tatlo na lang nina Travis at Klieford ang magkasama. "'Yan kasi! May kalokohan ka ng nalalaman kaya ka nilipat!" Pang-iinsulto pa ni Klieford sa akin. Nasa harap siya ng lalaking nagtitinda na parang uubusin niya ang nasa kwali na niluluto pa lang, panay kasi ang tuhog niya kahit mayroon pang lamang ang baso niya, puro kwek-kwek lang naman ang laman. Agad kong hinampas ang balikat niya, "Hin

