Prologue
Contains Flashback!
"Mara! Late na tayo!" sigaw sa 'kin ni Mama galing sa kusina.
Halos sabay lang kami ni Mama magising dahil first day niya sa work at first day ko sa school. Wala pa si Papa dahil sa umaga ang trabaho niya. Nagaayos na ako ngayon ng gagamitin ko para sa school. Hindi naman ako kinakabahan pumasok, kinakabahan ako baka hindi maging maganda ang trato nila sa 'kin.
"Andiyan na, Ma!" pababa na 'ko ng hagdan pagkatapos kong ayusin lahat ng gagamitin ko. Sana naman walang gulo akong maranasan o wala makaaway. Dati kasi nang nasa elem ako, may naranasan akong nagpababa sa sarili ko. Ayon sinuntok ko.
"Seatbelt, Anak." paalala sa'kin ni Mama. Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon at ready ng pumunta sa school.
"Ma, kung sakali man na hindi maganda ang trato ng magiging kaklase ko sa 'kin. Pwede naman akong magpalipat 'di ba?" Alanganing sabi ko kay mama, ayoko kasi magpabigat sa kaniya.
"I'm sorry, Mara, pero malayo na ang school kung lilipat ka pa. And that school gives you a scholarship, dahil sa pagbabadminton mo." she sighed. "Alam kong magiging maayos ka naman sa magiging school mo." ngumiti siya.
Kahit na may kaya naman talaga kami, pinili pa rin ni Mom and Dad, na ipasok kung saan sila nakakatipid. Hindi ko alam... Pero para sa scholarship.
"Andito na tayo! Mag ingat, Mara, ha? Ang baon kainin." pagpapaalala ni Mom.
Tumingin ako sa labas ng kotse kung nasa school na ba kami. Nandito na nga. "Serfant University." basa ko sa pangalan ng school.
"Tawagan mo 'ko kung may problema ka sa school mo." sabi niya. "So I can talk to the principal."
"Opo, na po, Ma! Baba na po ako. Ingat po sa pag-uwi, ok!" sabi ko kay Mama bago bumaba ng sasakyan.
Palakad na 'ko papasok ng school ng makita ko ang mga estudyante na nakatambay sa may puno. Malaki ang school kung kaya't marami rin ang mga room dito at hindi magsisiksikan. Eto na. Simula na.
"Babae tabi!" sigaw ng kung sino na alam kong nanggaling ang boses na' yon mula sa likod ko.
"Ahhh!" sigaw namin parehas habang papalapit na ng papalit sa 'kin ang lalaking nakasakay sa skateboard kasabay ng pagtumba namin.
"A-aray ko!" tinignan ko bigla ang siko ko dahil sa nararamdaman kong may masakit. Kaagad naman akong tumingin sa kan'ya ng matalim.
"Sorry!" aniya at tumakbo dala-dala ang skateboard.
Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa hiya at galit na ginawa niya. "Anong tinatawa-tawa niyo?!" mataray kong sigaw sa mga babaeng nasa gilid na nagtatawanan. Pilit akong tumayo at hinabol ang lalaking nakabangga sa 'kin.
"Hoy!" sigaw ko sa kaniya ng makita ko siya.
Kita kong maraming estudyante ang tumingin sa 'kin pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Nang maabutan ko ay hinatak ko ang kwelyo niya sa likod para sana iharap sa 'kin nang mabilis niya akong hinawakan at hatakin palapit sa kaniya. Nakayakap na.
"What? Little girl." bulong niya sa tenga ko.
Halong inis at kaba ang naramdaman ko ng marinig ko iyon sa kaniya.
"Nag sorry na 'ko sa 'yo, 'di ba?" tanong niya. "Gusto mo sabihin ko ulit?
Bigla akong natauhan at tinulak siya para bumitaw sa pagkakayakap sa akin. "Gago ka!" sigaw ko. "Sana 'yang sorry mo rin nakakagaling ng sugat!" pilit kong itinaas ang kaliwang kamay ko na naiipit para makita niya na may gasgas ako.
"I see." tinitigan niya lang ang sugat ko at saka tumingin sa 'kin. "Sorry." maikling sagot niya sabay irap sa akin.
Kita ko ang pagtawa ng mga kasama niya na nakatingin lang sa 'kin. Inirapan ko na lang sila.
Sa hindi sinasadyang pagkabunggo niya sa akin ay napahiga ako sa sahig dahilan para muling sumayad ang siko ko na may sugat.
"Aray!" impit kong sigaw. Dahan-dahan kong inangat ang braso ko para tignan ang sugat ko, nang makita kong mas lalo itong nagtugo kaya kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para takpan.
"Are you ok, Max?" bigla akong napatingin sa sa kaliwa ko sa kung sinong nagsalita. "Ikaw pala Travis." pilit kong itinayo ang sarili ko kasabay ng pagalalay niya sa akin.
Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa building kung nasaan ang room namin. Tumingin naman ako sa kaniya para sana magpasalamat ng makita ko s'yang pawis na pawis ay agad akong kinuha sa bag ko ang isa kong panyo. "Ayos ka lang?" tanong ko.
Agad naman siyang napangising tumingin sa akin. "Ako ang dapat magtanong sa 'yo nan, pero ayos lang ako, tumakbo pa kasi ako gawa ng nasiraan si kuya driver sa kanto." saad niya.
"Here." abot ko sa kanya ng panyo na kinuha ko." Gamitin mo na. Sa 'yo na rin 'yan. Kawawa ka naman kasi ang dungis mo na rin." pagbibiro kong sabi sa kaniya.
Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko sabay gulo nito sa buhok ko.
"Sige na. Umakyat ka na. Papasok na rin ako." aniya.
Kumaway naman ako sa kaniya at naunang umakyat dahil may pupuntahan pa raw siya.
Muli kong tinignan ang sugat ko kung halata ba ito dahil sa panyo. Bwisit na lalaking 'yon.
"Lagot ka sa 'kin." ani ko.
"Alright, class! Write your name here." sigaw ng english teacher sa amin. Nagsimula namang ipasa ang papel na binigay ni maam. "Once I call your name, you will be right here infront to report what I discussed about and give a questions that your classmate will need to answer. Understood?!" muli niyang sigaw sa amin.
Nang mapunta na sa 'kin ang papel ay agad kong sinulat ang pangalan ko.
'Mara Clara Reoz Valer'
"Tapos ka na?"
Napatingin naman ako sa katabi kong biglang nagsalita, na nakatingin pala sa'kin. Tumango naman ako at ibinigay sa kaniya ang papel. Kinuha ko naman ang tubigan ko sa bag at muling humarap kay Ma'am.
"Ako nga pala si Razona!" gulat akong napatingin sa katabi kong babae ng magsalita siya. "Razona!" muli niyang pagpapakilala sabay abot niya ng kamay sa 'kin.
Hindi naman ako pala-kaibigan, ilang araw pa lang kami rito sa school. Hindi nga ako makatanda ng mga mukha ng mga kaklase ko.
Iniabot ko naman ang kamay ko sa kaniya para makipag-kamayan. "V-valer." utal na sagot ko.
"Nice to meet you!" masigla niyang bati.
"Nice to meet you too." nahihiya kong sabi.
Natapos ang school nang makauwi na kami sa bahay ni Mama. Hindi ko na rin nahanap ang lalaking bumangga sa akin kanina.
"How's school, Mara?" tanong sa 'kin ni Kuya. Nasa hapag kainan kami ngayon ng tanungin niya ako.
"Ok lang." maikling sagot ko saka kinuha ang baso na nasa tabi ko. "Kuya paabot ng tubig."
Nang abutin ko ang lalagyanan ng tubig ay mabilis na hinawakan ni Kuya ang kamay ko, nang makita ko siyang matalim na nakatitig sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kaniya at uminom na lang.
"Saan galing 'yang sugat mo?" seryosong tanong niya sa'kin. "Don't talk if that'a a lie." pananakot niya.
Hindi ko na sana sasagutin ng ulitin niyang muli ang tamong niya. "M-may lalaki lang na nakabangga sa 'kin kanina sa school. Ayon, natumba ako." mahinahong sagot ko.
Hindi ko na pinakinggan pang mabuti ang sinabi niya dahil alam kong sermon iyon. Pagkatapos namin kumaen ay pumunta na ako sa kwarto para para manood ng kdrama sa laptop ko.
'Article about Love'
Taka akong napatingin sa nabasa ko pagka-search ko sa gustong kong panoorin.
"Anong love?"