Chapter 1

3007 Words
"Babe! Magpapaliwanag ako!" sigaw ng lalaki. "Para saan pa?! Nakita ko na kung anong gusto kong makita, tama na!" Rinig kong sagutan ng mag boyfriend at girlfriend. Pagkarating ko sa school na pinapasukan ko. Maaga pa naman kaya marami-rami pa ang mga estudyante na naglalakad muna at mga nakatambay. Kita ko ang pagtingin sa akin ng babae kaya agad akong napaiwas ng tingin at tumuloy na lamang nang paglalakad papunta sa room. Gano'n ba talaga sa isang relasyon? O natural lang na mag away pag in a relationship ka na? Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Hindi ko masasabi na healthy ang love pero bakit may sumusubok parin kahit na hindi pa sila ready? Estudyante palang kami at magka-college pa lang kaya 'di ko masasabi na may forever love na ngayong nage-exist sa panahon namin. Habang naglalakad ako ay may biglang umakbay sa 'kin mula sa likuran kaya agad akong napatingin sa kung sino. Tinanggal niya ang sombrero na suot niya at saka tumingin sa akin nang nakangiti. Siya si Drew Amir Valleros, isang sikat na dancer sa school at ang matalik kong kaibigan simula grade school. Pinag-aagawan ng mga kababaihan sa tuwing may nagaganap na program dahil na rin sa galing at dating niya sa pagsasayaw. Maraming mga kababaihan ang pinag-uusapan siya dahil araw-araw ko 'yon naririnig sa mga babaeng nadadaanan ko tuwing recess sa canteen. Pero hindi siya interesado na may umaamin sa kaniya na gusto siya. Lalong nagiging seryoso. "Aalalayan na kita ang bagal mo kasi maglakad, nasa likod mo na kami." aniya. Nilagay niya naman ang sombrero na kaninang suot niya sa ulo ko. "Ayan, para hindi na kita 'yang magulo mong buhok." Kita ko sa mukha niya ang mapangasar niyang ngiti. Mabilis ang naging paghampas ko sa kaliwang braso niya. "Sh*t! Max!" impit niyang pag-sigaw. Lumayo siya sa akin habang nakahawak sa braso niya. "Nagsisimula ka na naman, Drew, eh!" reklamo ko sa kaniya. Kaagad naman akong napatingin sa kaliwa ko nang marinig ko ang mga tawa nina Klieford at Travis. "Anong nakakatawa?" Nakapatong ang siko ni Klieford sa balikat ni Travis habang s'ya naman ay nakahawak na sa tiyan at sabay na nagtatawanan. Sandaling napatigil si Travis sa pag tawa. "S-sorry, Max, hindi na." saad ni Travis saka tumingin kay Drew. At ngumisi. "Are you ok, Dre?" tanong nito kay Drew. Habang pinipigilan ang pag tawa. Nang tignan ko si Drew ay nakatingin lang ito ng seryoso kina Klieford at Travis. Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon kasaya ang reaksyon nila sa ginawa ko kay Drew. May mali ba? "Ayan na naman kayo." bulong ko. Tumalikod ako sa kanila at malalaki ang naging hakbang para makalayo. Sa likod ako dumaan, kung saan court ang madadaanan. Hindi ako sanay na may sasalubong sa 'kin at babatiin ako, at saka malapit lang ang room ko rito. "Max, wait!" rinig ko'ng sigaw na alam kong kay Travis nanggaling ang boses na iyon. "Sige ka, wala kang libreng mochi ice cream!" Dahil sa narinig ko ay napatigil ako sa paglalakad at saka lumingon sa kanila. Naunang maglakad si Travis na nasa gitna nila at kita ko ang pagngisi habang papalapit sa kinatatayuan ko. He's Travis Laurenz Montez, a badminton player. Galing sa mayamang pamilya pero mas pinili niyang pumasok sa hindi kalakihang eskwelahan hindi katulad ng ibang mga sikat na unibersidad. Hindi ko inakala na makakasundo ko siya dahil lamang sa paglalaro namin ng badminton. Kasunod no'n ay marami na rin ang nangyari, at dahil sa mga kaganapang iyon, doon kami mas naging magkaibigan. Siya ang naging pangalawang kaibigan ko kahit pa noong una ay kilala siya bilang play boy noong nasa grade school pa lang kami. "Mochi ko, ha?!" bungad ko kay Travis paglapit nila sa akin. "Pag wala, itutulad kita kay Drew." pananakot ko. Napatingin naman ako kay Drew na walang reaksyon ang mukha na nakatingin sa hawak niyang maliit na libro. "Sabi ko naman kasi sa 'yo magbiro ka na sa lasing h'wag lang kay Clarang-"mabilis na tinakpan ni Travis ang bibig ni Klieford bago pa matuloy ang sasabihin. "Clarang, ano?" seryosong tanong ko. Nang hindi magsalita si Klieford ay pilit kong inabot ang tenga niya at hinigit iyon. "Aray, Max!" reklamo niya sabay hawak sa tenga niya. "Isa ka rin, Klieford, sabi ko sa'yo h'wag mo ng biruin, tama ng si Drew lang. Madadamay ka pa tuloy." saad ni Travis. Tumingin ito kay Drew at saka umakbay sa balikat nito para na mapatigil siya sa pagbabasa . Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa building namin. Halos ang mga babae sa kada room ay nagsilabasan. Magkaparehas lang kaming apat napunta sa iisang building, pero magkakaiba ng floor. "By the way, Max. Mom, wants to see you." he said. And he parted his hair on his face. "And Klea, also." Siya si Klieford Carl Varquez, jolly guy and intelligent man. Siya ang una kong naging kaibigan bago pa man sina Travis at Drew. Pero gaya ng dalawa, mahirap s'yang maging kaibigan dahil na rin sa mga gulong pinasok niya at nadamay pa 'ko. "Sa susunod na lang ako pupunta, kailangan ko rin kasi ibigay yung lumang mga notes ko kay Klea." saad ko kay Klieford. Saka tumingalang humarap sa kaniya. "S'ya nga pala, bakit tawang-tawa kayo sa ginawa ko kay Drew, kanina?" tanong ko. Nanatili lamang siyang nakatingin sa dinaraanan, habang pinagtitinginan kami. Bigla itong tumigil sa paglalakad at lumingon kina Travis at Drew na nasa likod namin. Sabay tawa ng malakas. "Eh, kasi naman Max, haha! May bali lang naman sa kamay si Drew," saad nito. "Ang lakas mo pa naman humampas, haha!" pagpapatuloy niya sa pagtawa. Napatingin naman ako kay Drew na nakatingin sa room kung saan kami tumigil. Hindi ko naman alam na may bali pala siya. "Max, mauna na 'ko sa inyo, may kailangan lang akong puntahan." singit ni Travis na halatang nagmamadali. "Kita-kita na lang mamaya, hoy! Si Max, ah? Ihatid niyo." pagpapaalala niya. Nakipag apir muna siya kina Drew at Klieford saka lumapit sa akin at tinanggal ang sombrero na suot ko para gulohin ang buhok ko. Napasimangot naman ako habang nakatitig sa kan'ya. Hobby na siguro nila 'yon, na pag magpapaalam ay kailangan gulohin ang buhok ko. Tinignan ko muna saglit si Travis na patakbong umalis bago kami magpatuloy sa paglalakad. Second floor ako pati na rin si Travis pero magkalayo ang room namin, dulo sa kaliwa ang room niya. Si Klieford naman ay sa 3rd floor at si Drew naman sa 4th floor. Ng nasa hagdan na kami ay lumingon ako ang dalawang kasama ko nasa nasa likod. "Aray ko, hoy! Bitaw!" reklamo ni Drew. Agaw ng atensyon ko ang kalokohang ginagawa ni Klieford kay Drew. Nakaakbay siya kay Klieford at si Klieford naman ay hinihigit ang may baling kamay ni Drew. "Teka! inaayos ko lang bali mo, h'wag ka m-munang magulo!" hirap na sambit ni Klieford. Naka-kagat pa sa labi habang hinihigit ang kamay ni Drew. "Y-you're not helping, dude!" pilit niyang inalis ang kaliwang kamay niya sa balikat ni Klieford. Nang magtama ang tingin namin ni Drew ay biglang naging seryoso ang mukha niya at tumingin sa paligid na parang walang inindang sakit. "Tigilan mo nga 'yan, Clay!" sigaw ko sabay hampas sa dalawang kamay ni Klieford. Napabitaw naman siya sa kamay ni Drew. "Ano ba kasing nangyari diyan, ha?" tanong ko kay Drew na nakaiwas ng tingin. "Pa'no naghamon lang naman siya ng isang babae sa court na maglaro ng basketball kasi grabe raw mang asar, ang ingay. Guess what kung anong nangyari, Max, haha!" paliwanag ni Klieford. Habang natawa. 'Yon ata noong nakaraan. Nagpaalam pa sila sa gc namin na maglalaro sila sa court. Schedule ng badminton training ko no'n kaya hindi ako nakasama. "Shut up, Klieford, wala kang softdrinks mamaya." Drew said seriously. Na nagpatahimik kay Klieford na pinipigilan ang tawa at tumingin sa mga babaeng nadadaanan kami sa gilid. Napatawa na lang ako sa naging asal nilang dalawa. "Aakyat na 'ko wag n'yo na 'ko ihatid sa room. Mauna na kayo, ilang minuto na rin naman start na ng class." wika ko. Paakyat na sana ako ng bigla higitin ni Klieford ang kamay ko. Magaalala na sana ako sa kung anong nangyari sa kaniya, ng maalala ko ang sinabi ko. "Bakit? May boyfriend ka na?" he asked seriously. No reaction seemed to be staring at me. "Sino? pakilala mo." sabat naman ni Drew. Pinagkrus niya ang mga braso saka tumingin sa akin ng diretso. Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa kanila. At mabilis na kumilos para sana maka-akyat. "Max!" sabay nilang sigaw. Kaagad kong tinakpan ang bibig nila pareho. Nang wala na silang magawa ay dali-dali akong tumakbo paakyat ng hagdan. Hanggang sa makarating sa second floor. Nang mag-iisang hakbang na ako ay may humigit sa bag ko na siyang dahilan para mapalingon ako. "Ihahatid ka na namin." seryosong salita ni Drew. Tinitigan niya ako sa mga mata. "Isang liko na lang naman room ko na, eh. Kaya sige na." pagmamakaawa ko. Ipinagdikit ko ang dalawang palad ko at saka tumingin sa kanila. "Sige na nga." pagsang-ayon ko ng hindi sila umimik. Nang malapit na kami sa room ko ay pinagtitingin na kami ng mga babae, ewan ko, kung sa amin ba nakatingin o sa mga kasama ko lang. Pagkarating namin sa harap ng pinto ng room ay napatingin ako kay Klieford na dire-diretsong pumasok sa loob. Rinig ko agad ang tilian ng mga babae. "Chat ka na lang mamaya, Max, hintayin ka namin sa baba." Drew said and caught my attention, his face still serious. Napatingin naman ako sa mga babaeng nasa gilid na halos hindi maipinta ang mukha. Gano'on ba talaga kagwapo 'tong mga kaibigan ko? Mukha ngang pugo 'tong mga 'to para sa 'kin. "Oo nga pala, Drew, sorry pala kanina, ah. Hindi ko naman alam na may bali ka." mahinahong sabi ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kan'ya kaya nakatingin lang ako sa ibaba dahil alam kong nakatitig lang siya sa 'kin. "That's ok, Max. Isusumbong na lang kita sa Kuya mo." pananakot niya. "No need to worry, i'm just joking." he said calmly. "Siya nga pala, ba't ang hinhin mo ngayon?" tanong niya. "Oo nga, Max," gulat akong napatingin kay Klieford, dahil sa bigla niyang pag-akbay mula sa likuran ko. "Pero alam mo, okay na rin 'yan kasi 'd ka na nanghihigit ng damit, hindi nga nagusot manggas ng polo ko ngayong umaga, kaya ayos 'yan." saad niya sabay ngiti at tumingin sa mga babaeng napapadaan. Napaisip ako bigla dahil sa mga sinabi nila. Tahimik naman talaga akong tao..Ayoko sa mga maiingay. Gusto ko ay nasa tahimik lang. "Excuse me," gulat kaming tatlo na napatingin sa kung sinong nagsalita. "Classroom niyo?" tanong ni Mrs. S, sa amin. Nanatili kaming tahimik na tatlo habang si Klieford naman ay pilit na tinatago ang sarili niya sa gilid ko. Na halos matulak na ako. Siya ay si Mrs.S, isang sikat na teacher ng History, masungit pagdating sa pagtuturo. Siya ang paborito kong teacher sa lahat ng mga nagtuturo sa amin. Hindi na 'ko magtataka kung maging principal rin siya, soon. "Aalis narin po sila, Ma'am! sorry po." ani ko. Hinigit ko si Klieford mula sa likuran ko at tinulak papalapit kay Drew. At sumenyas na umalis na. "Go, it's already time." seryoso sabi ni Mrs. S, sa dalawa. Hinintay niya muna ang dalawa maka-alis bago pumasok. "Mag chat ka pag labasan na kayo, Max." pahabol na sambit ni Drew. Kumaway naman ako sa kanila bago sila makalayo. Papasok na sana ako room dahil nakakahiya lalo't katabi ko pa si Ma'am ng bigla siyang magsalita. Kaya napalingon ako sa kaniya. "Mga friends mo?" kalmado niyang tanong sa akin. "O-opo, Ma'am." nahihiya kong sabi kay Ma'am. "Huwag ka munang magbo-boyfriend, masyado ka pang bata," she said without emotion. "Get inside. Magtuturo na 'ko." Sinunod ko naman si Ma'am at naupo sa upuan ko na nasa dulo. Nagsimulang magsalita si Mrs. S, ng mga magiging topic ngayon araw, sa kada teacher. Kada isang oras kasi ay may makakapalitan si Ma'am na ibang teacher para magturo ng ibang mga subject. Sa pagpapatuloy ng pagtatalakay ni Ma'am, ay naisip ko bigla ang tatlo. Sasanayin ko na lang siguro ang sarili ko na lagi na nila akong ihahatid sa room. Nakinig na lang ulit ako kay Ma'am dahil sa paglakas pa nitong boses. Nakakagana pag siya ang nagtuturo halos lahat gising ang diwa. Walang nakapalumbaba o may kahit anong ginagawa. "Now, each of you will write at the back of your notes looks like journal about what year you are today in school, what is your dream job. And for the last task, I will email each of you and I gave one serious question. Take note, who will not respond on my message, will write 5'000 words explanation, understand?!" she explained. And she grab the folder on her desk. "Yes, Ma'am!" sabay-sabay na sabi namin kay Mrs. S. Nang makaupo na si Ma'am ay nagsimula na akong magsulat. ( Mrs. S, I am Max Clara Reoz. Student in grade 12, will be a college student next year 2017 and I just want to focus first on my desired job of being a caretaker and healer of animals like cats and dogs (Vet doctor). But maybe after my college journey, it will change even more to be an owner of every clinic for Dogs, Cats and so on. That's all.) From the girl at the back, 28. Pagkatapos kong magsulat ay napatingin naman ako sa mga katabi ko na halos mga tapos na rin. 'The girl at the back, 28' Iba’t-ibang name ang nilalagay namin sa papel pagkatapos ng pinapagawa ni Mrs. S. Nagpasulat noon dati si Ma'am, sa papel, na isulat ang magiging pangalan ng bawat isa. Na memorable sa amin. And the number, 28, is symbolized as 'Peace and Lucky' iyon rin ang nakalagay na number sa kwintas kong silver. Halos hindi na halatang silver dahil naka customize ito na halos maging transparent at vintage na ang dating. Binigay sa akin 'to ng Grandfather ko, bago siya mamatay. Sabi niya sa akin na pag may nanakit sa 'kin ay siya ang isipin ko at ang binigay niya sa aking kwintas. Makalipas ang ilang oras at ilang school teachers na dumating, ay uwian na. Inayos ko muna ang mga gamit ko at saka ko kinuha ang cellphone ko para magchat sa gc namin na palabas na ako. ( The Only One's Group name ) (Mochimax: Palabas na 'ko. Saan ko kayo 'intayin?) Typing naman ang tatlo pagkakasend ko ng message. Labasan na rin siguro sila. Lumabas na ako ng room para hindi na nila 'ko silipin pa sa loob, halos marami na rin ang mga estudyanteng nagsisilabasan at nakatambay na sa harap ng mga room nila. Muli kong tinignan ang cellphone ko dahil sa sunod-sunod nitong pag vibrate at tunog. (Rabisexy: Hintayin ko kayo sa baba) (Clayfourth: Pababa na kami, Max. Muk'ang pinagkakaguluhan pa si Drew sa taas, masyadong cold ba naman, haha! ) Napangisi ako sa naging chat ni Klieford sa gc. At tinuloy ang pagbabasa ng mga chat nila. (Clayfourth: Hoy, Rabis, chix na naman ba 'yan? Tigilan mo na 'yan, haha! ) Tigil ko sa pagbabasa at dumungaw sa ibaba para hanapin si Travis. (Drewings: I'm on my way.. @Clayfourth, pakihintay ako) (Clayfourth: Waiting, dude. Kailangan na namin ng ice cream ni Max, dahil sa inyo, bagalan mo pa, ha?) Napatawa ako sa naging chat ni Klieford. Sa kainan, parehas kami ni Klieford na hindi kayang mawala ang ice cream sa tuwing nakain kami. Minsan pa ay nadadamay ako, pero okay lang. (Mochimax: 12:10 na, isang cheese, and ube flavor at mochi ice cream sa 'kin!) Nakangisi akong nakatingin sa chat ko sa gc at saka lumingon sa hagdan baka naroon na pala sila. Titingin na sana ako sa baba para hanapin si Travis nang biglang tumunog at mag vibrate ulit sa kamay ko ang cellphone. (Rabisexy: You're not allowed to eat ice cream. Tita, told us na nakaka-ilan kang ice cream sa isang araw) (Drewings: I'll treat you next time, Max. Pero sa 'kin na lang ice cream mo) (Clayfourth: Haha! Kawawa naman si Max) Agad akong napasimangot sa naging chat nila. Tinago ko na lang ang cellphone ko sa bulsa. Nang makita ko sila pababa na nang hagdan ay hindi ko na sila hinintay pang pumunta sa kinatatayuan ko dahil magkakagulo lang dahil sa mga kaklase kong mga babae na ngayon ay nakatingin na rin sa kanila. Agad na akong tumakbo papalapit sa kanila. "Tara!" hindi ko na hinintay pang magsalita ang dalawa ng higitin ko sila pababa ng hagdan. "Nachat ko na si Travis na nandito tayo sa may puno," hingal na sabi ni Klieford. At tumingin naman kay Drew. Saka ito tumawa. "Masakit 'no? Haha! Higitin mo ba naman, Max Clara." Nang tignan ko si Drew ay minamasahe ang kaliwang braso niya. Doon ko naalala na may bali pala si Drew. "Sorry." nakayukong sabi ko sa kaniya. "I'm fine, Max, wala 'to." mahinahong pagkakasabi niya. Hinawi niya ang buhok niya at tumingin sa paligid. "Ayan na si Rabis, tara na!" lumingon kami sa lalaking tumatakbo palapit sa amin. Halos maraming na rin ang nakatingin sa amin at pinagpi-picturan sina Klieford, Drew at Travis. Napag-isipan namin na umuwi na lang ng maaga dahil marami rin daw na binigay sa kanilang mga gawain. Nakipagtalo pa 'ko dahil baka makalimutan nila ang ice cream ko, kahit na bawal muna ako. Pagkauwi ko ay nag hilamos muna ako at bumalik kwarto para buksan ang laptop ko, para tignan ang message ni Ma'am, sa email. Wala pa sina Mama at Papa dahil mamayang gabi pa ang uwi nila dahil sa kanilang mga trabaho. Nang basahin ko ang binigay na tanong ni Ma'am sa email ay halos bumilis ang t***k ng puso ko at uminit ang katawan ko kahit pa naka-aircon. "Sh*t!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD